Kabanata 32

17 1 0
                                    

Umuwi kami ni Nice ay gabi na. Hindi natanggal ang isipin tungkol sa nakaraan. Para akong sirang plaka na paulit-ulit pinapaikot ng mga taong nagsasalang. Hindi ko maintindihan ng mga bagay sa paligid ko. Para ba iyong ferris wheel na pinapaikot ng isang tao.

Kahit nagdadrive ay maraming bumabagabag na tanong saakin, lalo na sa nakaraan. Ito nanaman ang dufa sa sarili na babalik paba ang ala-ala ko, ano bang tunay na nangyari, at sino ang mga tao sa paligid ko. Wala ng kasiguraduhan ang lahat.

Sa sandaling iyon ay parang gusto kong umiyak ulit at hanapin ang braso ng aking magulang. Gusto ko umiyak kay Papa at Mama, gusto ko balikan ang nakaraan. Ngunit wala na sila, wala akong masandalan ngunit ang sarili ko lang.

Kung hindi sana sila namatay ay baka hindi ganito ang buhay ko ngayon. Baka sakaling okay pa ang lahat.

"Ma, san kayo pupunta?" Tanong ko ng makitang nagiimpake si Mama habang si Papa ay nasa pintuan at may kausap.

Hindi sumagot si Mama at basta na lamang tumayo at hinakot ang mga damit nila sa cabinet at sinalampak sa maleta.

"M-Ma, san kayo?" Tanong ko muli. Basag ang boses at may kakaibang nararamdaman, parang kinakabahan.

Ngumiti saakin si Mama, "Pupunta muna sila Mama sa ibang bansa, may problema kasi si Papa sa trabaho anak." Ang kanyang kamay ay dumulas saaking buhok, "Babalik kami pagkatapos ng 3 araw. Hindi ba graduation mo na iyon ng highschool?"

Ngumiti ako at tumango. Maya-maya ay umalis na sila Mama at Papa. Pinaliwag saakin ni Papa ang trabaho sa ibang bansa at bakit hindi sila agad makakauwi ngunit dapat ay magbilang ako ng tatlong araw.

Mag-isa ako sa bahay sa unang araw ng dumating ang aking tiya, dinadalhan niya ako ng pagkain sa bahay at mga stock habang wala sila papa. Wala rin akong telepono para makibalita.

"Tiya, nakarating naba sila Mama sa pupuntahan nila?" Tanong ko habang kumakain.

May hawak na telepono ang kapatid ni Papa na si Tiya Lucy, may tinatawagan, ngunit ng magtanong ako ay ngumiti siyang lumingon, "Wala akong balita pero baka nandoon na iyon at busy lang."

Isang araw...

Dalawang araw...

Tatlong araw....

Masaya akong inayusan ni Tiya Lucy, ngayon ang araw ng graduation ko, masaya ako dahil mamaya ay nanjan narin sila Mama at Papa.

Nakaupo ako sa hapag-kainan at pinapanood si Tiya Lucy na may tinatawagan at kanina pa pabalik-balik sa pwesto niya.

"Tiya, umagang-umaga, stress kana agad?"

Lumingon siya saakin ang ngumiti lang.

Sumakay kami sa sasakyan ni Tiya Lucy na drinive ni Tito Ben. Nasa likod ako, suot ang uniform ko at nakakulot pa ang dulo ng buhok.

Kabado ako sa araw na iyon at parang nababalisa ng sobra, parang si Tiya Lucy.

Lumipas ang oras at hindi na ako mapakali, dalawang tao nalang at ako na ang susunod na tatawagin. Hindi ko maatim ang paglingon sa mga tao para hanapin sila Mama at Papa, naiiyak na ako.

"Vanquicio, Sayena Narthua A. , batch salutatorian" sambit ng emcee.

Maluha-luha akong umaasa hanggang sa dumiretso na ako at nakipagkamay sa dalawang matanda na nagbigay saakin ng deploma.

Napatingin ako sa entrance ngunit wala paring dumadating. Napasulyap ako sa pwesto nila Tiya Lucy, si Tito Ben lang ang nakita ko at nakatingin siya saakin at nakangiti, ngunit umiwas ang kanyang mata.

Breathe UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon