Kabanata 4

28 3 1
                                    

Naging tahimik ako sa loob ng sasakyan. Ayoko bumaba. Ayoko pa makita. Hindi sa ayoko sa sinasabing anak ko, pero hindi ko alam ang dapat maramdaman. Paano kung sinasabi lang nila ito saakin na anak ko 'yon?

Hindi ko maiwasan magduda. Nakakabaliw magisip kung ano ba ang totoo, magdasal man ako gabi-gabi na sana kung panaginip ito ay gisingin na ako.

Bumaba mag-isa si Vernon at hindi ako sumama. Simpleng bahay lamang ito at moderno ang desenyo, maganda ito at masarap sa mata ang kulay.

Ang bigat sa pakiramdam, iyon lang ang alam ko. Nasa loob ng bahay na yon ang sinasabi niyang anak ko.

Bumuntong-hininga ako at pinihit ang pintuan, wala ng atrasan to, ayoko magsisi tulad ng sabi ni Vernon.

Sobrang sikip sa pakiramdam ko ang pagbaba at pagsulong papasok sa bahay na iyon. Dahil bukas ang gate madali para saakin na makapasok kaya nang makatapak ako sa tapat ng front door, kinatok ko ang pinto na napakalaki, double door iyon.

Maya-maya lang ay binuksan iyon ni Vernon. Ngiting-ngiti ang kanyang mukha, walang mapaglagyan ang saya.

"Akala ko ba hindi ka bababa? Dadalhin  ko nalang sana si Vhentice doon." Sambit niya at pinapasok ako.

Hinintay ko siyang isara ang gate at pinto, lumapit siya saakin at pinagsiklop ang aming kamay, dahan-dahan ko itong inilayo na napandin niya rin naman.

"Sorry. Hi-Hindi pa kasi ako ganoon kakomportable," sambit ko.

May dumaang sakit nanaman sa mga mapungay niyang mata pero nawala rin agad iyon at napalitan ng ngiti, "Ayos lang. Naiintindihan ko." Ani niya.

Pagkapasok ng pinto ay sala, may malalaking vase sa gilid ng hagdan na nasa kanang bahagi ng bahay at may mahabang lamesa naman na punong-puno ng litrato sa kaliwa.

"Dito tayo." Ani ni Vernon. Inalalayan niya ako sa pagakyat ng hagdan. Tipikal na hagdan na moderno, babasagin ang pangharang at metal ang hawakan.

Pagakyat sa taas ay sumalubong saamin ang tatlong pinto na tingin ko lahat ay kuwarto, "Doon tayo sa dulo." Sambit niya.

Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Binuksan niya ang pintuan at naamoy ko agad ang pulbos pambata.

Kabang-kaba at namamawis akong naglakad papalapit. Nangangatog ang aking binti kasabay ang pagkakakagat ko sa pangibabang labi.

Pumasok ako sa pinto, nakita ko ang simpleng kwarto na pangbata. May glow in the dark na stars at moon sa kisame. May crib at mayroong mga laruan at walker. Kulay gray ang buong kwarto pero naging makulay dahil sa mga kagamitan.

"Halika dito."

Napatingin ako may Vernon na nakasilip sa isang pintuan sa dulo, tingin ko ay banyo.

"Anjan naba siya? Sandali! Patapos narin kami!" Nagmamadaling bulyaw ng kung sinong babae sa pintong pinanggalingan ni Vernon.

Lumapit ako doon, at nakita ko nga ang isang magandang babae, may mahabang buhok ngunit nakaclamp ito.

At tinignan ko ang batang nakahiga sa baby tub.

Tila tumigil ang oras ko at nanghina ang tuhod ko ng makita ang bata. Muntikan na akong bumagsak sa sahig buti na lamang ay nasalo agad ako.

"Yena!" Sinalo ako ni Vernon at agad na inalalayaang makatayo. Nanghihina ako at naluluha.

Iyong bata na pinapaliguan at nasa harap ko ngayon na kanina'y tinatanggi ko ay nakangiti at nakatawa. Naluluha akong napatingin kay Vernon, nakatitig siya saakin at walang ekspresyon, hindi ko maiwasang tumakbo payakap sakanya at umiyak sa balikat niya.

Agad niya akong niyakap at hinalikan ng matagal sa ulo.

"Thank you. Th-Thank you for giving me such a blessing." He started. "You give me colors and life, ikaw at si Vhentice, kayo ang buhay ko."

Inilayo ko ang sarili ko sakanya at pinunasan ang luha ko na hindi na yata matigil.

Sakto lumabas si ate Valerie, buhat-buhat si Vhentice na nakabalot sa pink na tuwalya.

Nakangiti at nakadilat ang mata ni Vhentice. Maputla ang balat at may naggagandahang mata, sukat almond iyon at makinang. Mapula na natural ang kanyang labi at matangos ang ilong.

"Sandali lang ha? Bibihisan ko lang tapos ibibigay kona sainyo si baby Vhentice," malungkot ang mukha ni ate Valerie ng sinabi niya iyon, "Pasensya na, nalulungkot ako kasi, ako ang nagalaga sakanya simula ng nasa ospital kapa." Sambit niya.

Tumango ako bilang sanggayon. Dinala si Vhentice sa kama at doon binihisan ng napakacute na onesie na rabbit. May sapatos na kulay pink at pinulbusan ni ate Valerie ang likod at harap na dibdib nito. Kiniliti-kiliti niya ito kaya narinig ko ang munting tawa nito.

Naiiyak akong natawa rin. Binuhat ni ate Valerie si Vhentice at inaabot saakin. Alinlangan akong napatingin kay Vernon, "Baka mabali ko likod niya... hindi pa ako marunong bumuhat." Sambit ko.

Tawang-tawa ang magkapatid kaya binigay na lamang ni ate Valerie kay Vernon si Vhentice.

Inggit na inggit ako hanggang sa makababa kami sa sala. Magkatabi kami ni Vernon sa mahabang sofa habang buhat niya si Vhentice. Tulog na ito ngayon at dumedede sa maliit na bote.

"Ito yung mga bote niya, may tubig rin jan incase na gutumin sa byahe," sambit niya saakin at inabot ang baby bag. Tumingin naman siya kay Vernon, "Buti pinayagan ka sa airlines na isakay si Vhentice?" Tanong niya.

Napaisip din ako. Ngayon ko lang naalala na bawal nga pala ibyahe ang baby basta-basta.

Nakibigbalikat lang si Vernon at nilaro-laro ang kamay ni Vhentice, "Ayoko namang iwan dito ang anak namin. Tsaka kabatch ko naman noong high-school iyong boss don." Parang wala lang na sabi niya.

"Sabagay, ilang taon narin naman si Vhentice, pwede na yan."

Naging masaya naman ang pamamaalam namin kay Ate Valerie, nang nasa sasakyan na kami ay tinawag ako ni Vernon na buhat-buhat si Vhentice.

Nakangiti siya kay Vhentice at tumingin saakin, "Pabuhat muna siya, tatawagan ko lang yung driver."

Wala akong choice kundi kunin siya at buhatin siya, nakakatakot dahil pakiramdam ko mababasag siya. Nang tuluyan ko siyang mabuhat ay sumilay ang ngiti sa mukha ni Vhentice.

"Oh, what happened? Why are you crying?" Biglaang tanong ni Vernon.

Nagtatakha naman akong napatingin sakanya, lumapit siya saakin at pinunasan ang luha ko.

"Anjan narin yung driver, malapit na." Sambit niya, "Stop crying please, baka umiyak sa Vhentice, sige ka." Tawa niya.

Natawa nalang ako sa ginawa niya at hinintay namin ang driver na dumating, kinalaunan ay biglang kumirot ang ulo ko pero inanda ko ito dahil mahirap ng bumagsak at manghina dahil hawak ko ang anak ko.

Inis na inis man ako sa sarili ko dahil hindi ko macontrol ang sakit ng ulo ko ay pinilit kong ngumiti at sumakay sa sasakyan, buti na lamang at agad na binawi saakin ni Vernon si Vhentice at bigla nalang akong natulog sa back seat.

Breathe UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon