Kabanata 17

14 3 0
                                    

"We had a construction problem and I suggest to enlarge the amount of money para magandang materyales ang gagamitin," Nilpat niya ang slide sa Financial Stats.

Nagsalita siya buong meeting at lutang ako. Iniisip ko si Vernon na naghihintay sa office ko. I told him to wait me there or go home to fix himself pero kilala ko ang asawa ko, sure ako na nandoon iyon.

"Meeting adjourn." Sambit ni Mr. Renue, ang papa ni Ms. April.

Tumayo ako at nagbow, inantay namin makalabas ang presidente bago kami umalis. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa office.

Kumalma lang ako nang umabot ako sa floor namin at nandon ang department team ko, "Lara!" I call out her name. Agad naman siyang tumayo sa cubicle niya.

"Yes, Ma'am?" Sagot niya.

"Send me the Cebu new product on release before 7pm via email." I said and left.

Huminga ako ng malalim at tsaka pumasok sa office. Tama nga ako, nandoon si Vernon at nakahiga sa single sofa, nakafetus position pa siya at lamig na lamig, napakahimbing din ng tulog niya.

Napabuntong-hininga nalang akong pumunta sa ac at pinatay iyon. Tinitigan ko si Vernon, hirap siya sa pwesto niya dahil sa tangkad, mukha siyang commoner at hindi young bachelor sa get up niyang nakapajama.

I check my watch in my wrist, it's past 3pm at hindi ko man lang siya pinaglunch and I bet he didn't had a breakfast.

Nakita ko lang ang baso doon sa lamesita at ang kanyang phone pati ang susi ng sasakyan na nakalapag. Kinuha ko ang phone niya at umupo ako sa sahig, sa harap ng sofang hinihigaan niya.

Pinindot ko ang on ng phone niya pero nagpakita lang ang battery na dedbat. Tumayo ako sa pagkakaupo at pumunta sa desk ko, I got my phone and reserved a dine in a restaurant.

Hinayaan ko pa siyang matulog ng 5 minutes bago ako lumapit at tinapik ko ang pisngi niya.

"Hmm?" Para siyang hirap sa pagdilat pero nang makita ako ay napaupo agad siya.

"Tara na, nagbook na ako ng restaurant." Sambit ko at kinuha ang gamit ko at bag.

Dirediretso akong lumabas, binati rin ako ng mga katrabaho ko at umuna ako sa elevator, pinindot ko ang open ng elevator at hinintay na makasakay si Vernon.

Hindi kami nagusap sa elevator kahit sa byahe namin. Walang imikan pero alam kong gusto niya magsalita.

Pagkarating namin ay dumiretso siya sa banyo at ako ay nagpalit lang ng simpleng jeans at shirt. Maya-maya ay narinig kona ang busina ng school service ng mga bata.

Bumaba ako at hindi hinintay si Vernon na naliligo at nagpapakondisyon ng sarili. Nandon ang mga bata at kakapasok lang ng pintuan at nagsibagsakan sa sofa.

"Argh, sakit ng back ko." Sabi ni Nice, nilapag niya ang bag ni Niki na bitbit niya.

Tinignan ko si Uno na tumayo at kinuha ang lunchbox niya at pumunta sa kusina at doon nilagay sa lababo ang gamit niya. Si Niki naman ay ganon rin ang ginawa.

"Mommy, I have stars from teacher. It says," Tinignan niya ang wrist niya na may tatlong stars, "Very good." Sabi niya.

I smiled at them and look at my panganay, "Nak, take a rest and change, we'll go out for dinner." Sambit ko at pumunta sa kusina.

Nandoon si Manang Grace kausap si Uno, nagchichikahan sila.

"Ay nako, hijo. Sa mommy mo sabihin iyan at baka pagalitan ako ng daddy mo—"

"E manang Grace, mom is furious when she's being called at guidance."

Napabuntong-hininga ako at pumunta sa ref, kumuha ako ng tubig at tinignan ang anak ko gamit ang nanliliit na mata, "What did you do this time, hm?"

Breathe UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon