Chapter 2: Touch of Fire

41 1 0
                                    

AADYA

Kasakukuyan akong pinalilibutan ng tatlong babae na para bang sinusuri ako. Kung galing ba ako sa ibang planeta dahil kakaiba daw ako. Lahat naman ata ng nakakita sa akin naiisip na kakaiba ako sa lahat. Ikaw ba naman magkaroon ng kulay gintong mga mata. Samahan pa ng malalantik na pilik-mata at porselanang kutis. Parang Snow White daw kaso Version ng Klaetria. Mga baliw.

Hindi ba nila nahahalata na hindi ko gusto ang mga pinaggagawa nila sa akin? Kung sakalin ko kaya sila. Pwede ding gawin ko nalang abo. O di kaya ay tanggalan ng oxygen at tubig sa katawan? But that's a very bad idea Aadya. You're so careless, malalagutan ka ng hininga ng tiyuhin mo kapag ginawa mo iyon.

Winaglit ko ang mga walang kabuluhang bagay na nanumuo sa utak ko at pinagtuunan ng pansin ang babaeng kaharap ko ngayon. Matangkad nasa 5'6 ata. Patuloy pa rin ito sa pagpisil sa magkabilang pisngi ko at nagtitili sa tuwa dahil may bago raw silang room mate.

"Hey, ang cute mo!"aniya. I kung tustahin kita diyan. Hindi ko alam kong pisngi pa ba ito dahil feeling ko ginagawa niya akong slime. Nakakairita. Akala mo naman rubber ako kung unat-unatin niya.

"Hey, Lila! Itigil mo yan, nasasaktan na yung tao" saway nung babaeng may bangs. Maganda din siya at may buhok na lagpas balikat ang haba, maputi lamang ako sa kanya ng kaunti.

Di ko alam ba't ito nakasama ko, halata namang mga baliw ang nandito lalo na iyong nag ngangalang Lila. Bale, yung pag group sa bawat isa ay na base sa kung ano ang charm mo. Like water, air, fire, ice, or earth element ba. Bale nandito lang naman ako nakapasok dahil di ko alam kung anong element ang pipiliin ko. Ikaw kaya ang kumontrol ng limang elemento ng sabay, tingnan natin kung 'di ka manghina.

Nasa Right wing kami ng Dormitory, nasa  left wing naman ang para sa mga lalaki. Syempre kapag babae ka at may kaparehas ka ng charm na lalaki o edi kaya yung subtype ng isang element  malamang di pedeng magsama sa isang room. If you're a girl at may kaparehas ka ng charm o di kaya ay subtype ng element na hawak mo, you will both stay on the same room for easy identification. It also applies on boys.

Nangangalay na ako sa kakatayo. Wala ba silang planong paupuin man lang ako sa magiging kama ko? Pagod ako sa biyahe at saka kailangan kong ilagay sa kabinet ang mga gamit ko.
Ang alam ko ay may hidden vault sa kada room, pero tanging ang may kakayahan lamang at may sapat na kaalaman ang may kayang buksan yon.

"Hey ano palang pangalan mo?" Tanong ni Lila na hinihila ako papunta sa kama ko. Mabuti naman at may plano kayong paupuin ako.

"Adira" tipid kong sagot.

"Adira. Nice name".

Napalingon ako sa babaeng nag salita, nagbabasa siya ng libro tungkol sa air element, hindi lang siya basta basta libro. kumbaga all in one, nakalagay doon yung history, kung sino ang unang gumamit ng air element at paano ito gamitin ng maayos. Nakalagay din dito ang subtypes.

Wait. Teka nga, kamukha niya yung babaeng may bangs, bigla ko na lamang nilingon yung may bangs. Oh shit. Natutop ko na lamang ang nakaawang kong bibig. Kambal sila! Kambal! Identical twins! Holy shit!
Nanlaki ang mga mata ko, paano ko ma lalaman ang pagkakaiba nila e, parehas ang itsura nila. Gagawin ko nalang na palatandaan ang bangs. Yung isa may bangs yung isa wala. That's good para makilala ko sila kaagad.

"You're twins" wala sa sariling sambit ko. All my life di pa ako nakakita ng identical twins ngayon lang. Ikaw ba naman ikulong ng 17 years, 12 years sa aming palasyo at 5 years kina uncle Alatar. Meron akong nakalaro noon sa palasyo isang beses lamang. Kaso maternal twins lang sila, babae at lalaki.

"Yeah. That's right we're twins. I'm Bree" sagot nung babaeng walang bangs. Oh, nice name. Madali lang naman tandaan ang pangalan nila. Ganito yan Adira, si Bree yung walang bangs. Tandaan mo yan. Isaksak mo sa kokote mo. Understood?!

Klaetria, Institute Of MagicsWhere stories live. Discover now