Chapter 19: Culprit

13 0 0
                                    

Chapter 19: Culprit

ANDY



"Ah talaga lang?!" Sigaw ko mismo sa mukha niya. Wala akong pakialam kung magtalsikan ang laway ko.

"Bakit? Papalag ka?!" Sumbat niya sa akin. Kita mo. Ang tapang. Ako lang yata inaaway nito, eh! Eh si Vance at Tyrus ba?

"Ano bang gusto mong palabasin? Akala mo naman maganda"

"Eh maganda naman talaga ako ha! Bulag ka bang tangina ka?"

Parang gusto kong sakalin ang babaeng 'to. Kababaeng tao ay napaka-palamura. Kung hindi lang talaga 'to kaibigan ni Adira ay sasakalin ko 'to hanggang malagutan ng hininga.

Hindi ako yung tipo ng tao na palasalita at pumapatol sa babae, Pero tangina naman. Hindi ko matanggap na ang babaneng ito ang rason kung bakit ako naghihimutok dito.

"Maganda? Asan banda? Sa talampakan ba?" Pang-aasar ko sa kaniya. Maganda naman talaga eh. Kaso yun nga amasona.

"Nang-iinis ka bang hinayupak ka?" Nakapameywang na sikmat niya sa akin.

"Naiinis ka na ba?" Asar ko. Nagulat ako nang bigla niya akong sinapak! Oo! Sinapak niya ako. Sobrang lakas pota. Pakiramdam ko ay sasadsad yung mukha ko sa sahig dahil sa lakas.

Inis na tinignan ko siya at pinanlakihan niya lang ako ng mata. Tangina. Babae ba talaga 'to? Malakas sumapak eh. Ano pa kaya kung si Adira na sumapak sa akin. Baka nawalan na ako ng malay.

Rinig ko ang kantyawan ng mga kaklase namin. Sa battle ground daw kami magsapakan o hindi naman kaya ay magduel kami. Pero ang talagang matindi ay Lover's quarrel daw namin ito.

Halos sabay pa kami ni Lila na binalingan si Adira at pinalisikan ng mata. Bakas ang gulat sa mukha niya pero nananaig ang pagiging pilya. Hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil minsan lang siya nagpapakita ng emosyon kaya naman lulubos-lubusin na.

Napansin ko noong nakaraang araw ay medyo ilag siya sa amin. Wala naman akong matandaang ginawa namin na nagpasama ng loob niya. Minsan talaga hindi ko mabasa ang takbo ng isip niya.

Simula noong bumalik kami dito pagkatapos ng Town's Day ay medyo balisa siya. Kung hindi balisa ay magmumukmok sa tabi. Minsan aabutan ko nalang siyang tulala at malalim ang iniisip.

Natigil kami nang may isang charmer na pumasok. Halatang hinihingal pa ito na parang galing sa isang daang kilometrong pagtakbo. Sophomore charmer yata ito dahil kulay dilaw ang blazer at cloak na suot.

Pinapatawag daw lahat ng senior charmers na pumunta sa auditorium. Hindi ko maintindihan kung bakit kami pinapatawag ng Headmaster. Kaming seniors lang yata ang pinatawag dahil pagdaan namin sa mga classroom ay nandoon ang ibang charmers.

Pagpasok namin ay sobrang lawak. Mga tatlong libong chamers ang kakasya rito kung sakali. Talagang malaki ang akademya na ito pero nasa isang libo lang yata ang mga charmers na nag-aaral dito.

Siguro kapag may mga panauhin ay napupuno ang auditorium na ito. Ang sabi ay kapag charmers clash na dito sa akademya ay dumadayo ang taga ibang distrito para manood. Yung ang sabi.

Sa banda gitna kami umupo at kamuntikan na akong masubsob nang may lapastangan na nagtulak sa akin. Paglingon ko ay walang iba kundi ang amasonang babae na si Lila. Napapikit lang ako ng mariin para pakalmahin abg sarili ko. Kung hindi ay talaga masasapak ko 'to kahit babae siya.

"Pakibilisan naman sa nauna riyan feeling important," pagpaparinig niya. Syempre ako yun. Ako nasa unahan niya eh.

Pagkaupo ay agad akong sumandal sa upuan. Parang manok. Putak ng putak. Hindi ba nauubos laway nito? Inis na tinignan ko siya at nagpatay-malisya lang ang katabi ko.

Klaetria, Institute Of MagicsWhere stories live. Discover now