Chapter 8: First Day

33 4 0
                                    


ANDY

Pagkatapos ng nangyari sa dining hall ay, pumunta na ako sa kwarto ko. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit yung si Agatha kay Adira. Kung tutuusin pwede kong balikan ang nakaraan gamit ang ability ko pero ayaw ko dahil alam kong may magbabago sa hinaharap kapag nagkataon.

May parter sa aking naawa sa kanya dahil hindi niya man lang natagalan ng kinse minutos ang pakikipaglaban kay Adira. Kahit ako ay hirap na hirap siyang patamaan. Pero kanina ay nagawa niya. Iyong ang dahilan kong bakit nagalit si Adira.

Ayaw niya minsan yung nalalamangan niya. Kahit na sinasabi niyang dapat magpakumbaba. Naalala ko sa kaniya Si Mama. Kung tutuusin ay magkaparehas silang dalawa. Sadyang cold at seryuso lamang si Adira. Hindi nalalayo ka Aadya. Tss. Namimiss ko ang babaeng yun. Sana ay ligtas siya kung nasaan man siya ngayon.

Kung buhay siya ay sana nasa mabuting kamay siya. Halos magsasampung taon ko na siya hindi nakakasama. I was 10 back then and she was 8. Tsk. Siguro ay ganun ko siya ka miss dahil nakikita ko ang katangian niya kay Adira.

Napabuntong hininga nalang ako at ipinilig ang ulo.

Marami akong nakakasalubong sa pasilyo ng dormitoryo namin. Ang iba naman ay napapako ang tingin sa akin. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Ayaw ko ng pinagkakainteresan ako. Mas gusto ko ng low profile.

Nang marating ko ang kwarto ay dumiretso na ako sa banyo ay naglinis ng katawan. Ako lang mag isa dito dahil iba ako sa kanila. I don't belong anywhere. Pero si Adira alam kong sa Air division yun. Halata namang air element ang gamit niya.

Pero nagtataka ako kung bakit Air Element ang charm niya at paanong may ipinakilala rin si Uncle na Air Element Controller din. Posible bang maging dalawa yun? Nakabaliw kung iisipin. Pero hindi eh. Nagtataka talaga ako.

Kung Subtype lamang yung charm niya ay imposibleng mapagsabay niya ang floating at paggawa ng iba't ibang techniques. She even summoned an Air Eagle. Fuck shit! Paanong nangyari iyon? Kahit na ako ay hindi ko pa din siya gaanong kilala. Pero ang alam ko ay madaling magalit ang isang yun. Tsk.

Umiling ako habang nasa shower. Kung ano-ano ang iniisip ko. Praning.

Nang makapagbihis ako ay naupo ako sa kama at binasa ang libro ukol sa Time and Space Ability. Marami ang nakalagay doon. Kabilang na din ang history at kung sino ang mga kanununuan na may kinalaman sa Ability ko.

Ang teleportation ay masasabi kong kabilang sa Time and Space dahil, gamit ang space ay nakakapaglakbay ang isang tao sa maiksing oras lamang. Interesting.

Nang makaramdam ako ng antok ay nahiga na ako sa kama at naghintay na hilahin ako sa malalim na pagkakatulog.

“Aadya! Get back here!” sigaw ko sa kapatid kong lumilipad palayo sa akin.

I have no choice but to travel by space para maabutan ko siya. She's really a hard-headed girl. But I do love her.

“No! I'll get close to you once you tell me I'm your only princess!” sagot niya habang nakanguso.

She's being jealous of Ezra. Ezra is close to me and we're also like siblings. Meanwhile her twin—Ezekiel, is close and caring to Aadya. Naiinggit din ako sa kanilang dalawa peri hindi ko alam na aabit sa puntong magtatampo talaga siya sa akin.

“Hey, Aya, you know you mean the most to me! How could say that?” malungkot kong tugon sa kaniya.

“I hate her! She's stealing you from me! Kuya, I thought I'm your princess?” maluha-luha niyang tanong nang lumapag siya sa sahig ng palasyo.

Klaetria, Institute Of MagicsWhere stories live. Discover now