AADYANagising ako dahil sa katok mula sa aking pintuan. Gusto ko ng bumangon pero parang tinatamad itong katawan ko. Tss. Ang sakit ng likod ko dahil yung kamang hinihigaan ko ay walang foam, ‘di tulad nang nakasanayan ko noon. Tanging banig lamang ang nagsisilbing sapin nito at isang unan na tama lang para sa akin.
Humikab muna ako bago, nagpasyang bumangon dahil maka ilang ulit na ang pagkatok roon. Marahil ay si Andy na iyon. Walang kuryente rito sa tinutuluyan ko. Mahika ang ginagamit para sa mga ilaw. Tanging maliit na lampara lamang ang nagsisilbing ilaw ko. Matapos kong bumangon ay tumalon-talon muna ako ng limang beses para mahimasmasan. Kinapa ko muna ang mata ko, baka may muta ako roon. Nakakahiya naman sa panauhin ko, ngayong madaling araw.
Ilang beses pang naulit ang pagkatok sa pinto at bahagya akong nagtaka kung bakit hindi man lang ako tinawag ni Andy kung siya nga iyon. Bumuntong hininga ako at nakiramdam muna sa paligid bago tuluyang lumapit sa pinto upang buksan. Hindi pa man ako nakaklapit ay narinig ko ang bahagyang pagdabog ni Andy sa labas bago nagsalita.
Bumuntong hininga ito, animo’y nauubusan na ng pasensiya. Well,sino ba naman ang hindi mauubusan ng pasensiya kung ang tagal-tagal mo ng naghihintay sa labas at hindi ka man lang pinagbuksan.
“Adira, baka naman may plano kang pagbuksan ako ng pinto?” pagalit na tanong niya, pero sigurado akong pabulong lamang iyon. Bilib din ako sa lalaking to ih. Nag-iingat rin naman pala. Ayaw niyang may makarinig. Okay. Good observer ka na. “Hihintayin mo pa bang sirain ko ang pinto ng bahay mo, bago mo ako papasukin?” dagdag niya.
Lihim naman akong napangiti sa tinuran niya. Kahit kailan talaga, maiksi ang pasensya ng mga Foster. Ang alam ko ay si Ina lamang ang mahinahon sa amin. Reyna nga naman. Parang kinukurot ang puso ko sa tuwing pumapasok sa isip ko si Ina. Nasaan kaya siya ngayon? Do the gods took care of her after she left us? Binabantayan kaya niya ako palagi? Napabuga nalang ako ng marahas na hininga at ipinilig ang ulo upang matigil na sa kaiisip sa kaniya.
Ang tagal na noon. Pero sariwa pa rin ang sakit na iniwan niya. Hindi ko pa rin matanggal na wala na siya. Bakit kasi ‘di nalang ako? Tss. Never mind. Inayos ko muna ang sarili bago lumapit sa pintuan at binuksan iyon. Hindi na ako nagulat nang tumambad sa akin ang naka busangot na mukha ni Andy.
Lihim naman akong napangiti dahil unti-unting kumunot ang noo niya. Pinanlisikan niya muna ako ng mata bago nagsalita. “Mabuti naman at may plano ka pang pag-buksan ako? Akala ko ay mauuna na ako sa Akademya.” Sarkastiko niyang sumbat.
Nalukot naman ang mukha ko dahil, mahihimigan ang inis sa boses niya. “oi, edi sana nauna ka diba? Mukha naman makakapasok ka roon, ih, wala ka ngang pilak na dala! Psh.” Sikmat ko sa kaniya.
Agad namang bumalatay ang inis sa mukha niya. Akmang babatukan niya ako ng inunahan ko siya. “Luh?! Ikaw pa galit? Inunahan lang kita!” asik ko. “Kanina ay atat na atat kang pumasok, nang pinagbuksan ka ay tutunganga ka lang diyan!” dugtong ko.
Hindi niya ako pinansin ay pumasok na. Kinuha niya ang bag ko at uminom muna ng tubig bago lumabas ng bahay. ‘Di ka naman siguro nagmamadali niyan? Tss. Walang modo! Kapatid nga kita. Wala na akong nagawa kundi ang isuot ng madalian ang combat boots ko at ang cloak. Mabuti pa rin yung nag-iingat. ‘Di ko alam kung matutuwa ba akong kasama ang lalaking ‘to o maituturing kong malas. Bakit ko ba kase naisipang isama pa iyan. Tsk.
Agad ko namang kinuha ang lampara at dali-daling lumabas ng bahay. Isinara ko muna ang pinto bago humabol kay Andy na nauna ng maglakad. Nang maabutan ko siya ay sinumbatan ko agad siya. Pero mukhang wala namang pakialam.
“Bakit mo ako iniwan doon? Hindi ka ba marunong maghintay?” inis na tanong ko.
“Alam mo bang tatlumpong minuto at dalawampu’t dalawang segundos ang nasayang ko kahihintay sa iyo?” aniya ng may pagmamayabang sa boses.
YOU ARE READING
Klaetria, Institute Of Magics
FantasySiya si Aadya Foster, pinanganak bilang isang prinsesa ng Klaetria, ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari kailangan niyang mamuhay mag-isa. Namatay ang kaniyang ina at nawawala ang kaniyang ama, mababawi niya kaya ang dapat na sa kaniya? O siy...