Chapter 4: Rummage

33 1 0
                                    

AADYA

Habang naglalakad palayo sa akademya, hindi ko mapigilang hindi maluha at mapahagulgol. Halos mag lilimang taon rin akong kinupkop ni Uncle Alatar. Sobrang sakit lang na kailangan ko na namang mapag isa, kailangan ko na namang lumayo para sa ikabubuti ng lahat. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako ang may kakayahang buhayin ang limang elemento at pandama.

Halos isang buwan rin akong nanatili doon sa akademya. Maayos rin ang naging pakikitungo sa aking ng ibang element controller. Halos isang buwan kaming nagsanay at nagkapalagayan kami ng loob. Pero maraming nangyari at marami ring nagbago. Isa na doon ang pag alis ko sa akademya.

Tinipon kami ng headmaster at sinabing kailangan kong umalis sa akademya sa lalong madaling panahon. Naalala ko pa ang hagulgol nina Lila, Bree at Briana ng malamang pinapaalis ako sa akademya. Pero hindi sinabi ang totoong dahilan. Ginawa lamang iyon para pagtakpan at mailayo na naman ako sa lugar. Gustuhin ko mang manatili pero hindi pwede.

Maraming masasaktan. Maraming madadamay. Maraming mamamatay kapag nagmatigas ako. Kaya naman ng madaling araw na ay sinikap ko ng umalis doon ng walang nakakaalam. I can't take it to see my friends crying in front of me. Although, hindi ako nanatili doon ng matagal ay naging totoo sila sa akin at 'di nila ako pinabayaan.

Maaaring nalaman na ng pinuno ng Dark Wizards na buhay ang nag iisang anak na babae ni Emersyn. Walang nakakaalam na pamangkin ako ni Uncle. Inilihim namin iyon para sa kaligtasan ko at para sa kaligtasan ng lahat. Ngunit anong nangyari? May nakaalam pa din. Lahat ng sikreto ay nabubunyag. Tama yan. Susupalpalin ko iyang mga matabil ang dila para manahimik.

Tirik na tirik ang araw at halos mamatay na ako sa pagod, gutom at uhaw. Halos walong oras na din akong naglalakad. Uhaw na uhaw na ako. Pawis na pawis na rin, ngunit kailangan kong magpatuloy sa paglalakbay. Maghahanap na lamang ako ng malinis na batis na puwedeng paliguan at pagkuhanan ng tubig na maiinom.

Hindi ko alam kung tama ba itong direksiyong tinatahak ko. Malamang ay malapit lang dito ang bayan ng Nupwine. Naiisip ko pa lang ang bayan ng Nupwine ay parang sinasaksak na iyong puso ko. Sa Nupwine si Ama pumunta noong panahong iyon bago ang digmaan at 'di na nakabalik pa. Napailing at mapabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko. Thus is not the time to reminisce. Kailangan ko pang magpahinga, dahil bukas iba na namang problema ang kakaharapin ko.

That's enough Aadya. Matagal na panahon na iyon. Kailangan mong magpatuloy para makamit mo ang inaasam mong hustisya. Pag nakarating na ako sa Nupwine, maliban nalang kung tama iyong dindaanan ko, doon ako maghahanap ng maaaring tuluyan at maghahanap ng trabaho upang may ipangtustos ako sa kakailanganin ko. Hindi naman pwedeng umasa nalang ako sa mga pilak na dala ko. Paano kung maubos iyon? Tiyak na gugutumin ako 'pag nagkataon.

Buong araw ay tahimik akong naglalakad sa gubat. Wala rin naman akong nararamdamang kakaiba. Tunog lamang ng aking mga yapak ang maririnig ko. Ang pag-ihip ng malakas na hangin ang siyang nagpatindig ng mga balahibo ko. There's something wrong in here, I can feel it. Ipusta ko pa iyong mga pilak kong dala-dala.

Hindi na ako nagulat noong may lalaking halos matanda lamang sa akin ng dalawang taon ang sumulpot sa aking harapan. Ang kaniyang kulay abong mga mata, matangos na ilong, mapulang labi, and fuck that stubborn jaw! How dare he! Why is he so gorgeous. Hell, he look like me, a boy version of me. I think I saw him somewhere if I'm not mistaken. My instincts were telling me that, 'it's fine Aadya, he won't harm you'. But, hindi pwedeng magpakakampante, maaaring mas sanay siya sa gubat kumpara sa akin kahit na naranasan ko ng magsanay noon sa ganitong lugar.

Pinagmasdan ko siya habang hinahanda ang sarili sa maaaring mangyari. Hindi ko puwedeng kontrolin ang kahit anong elemento dahil baka normal lamang siyang tao. Nanlilisik ang kanyang mata at ang kaniyang panga ay bahagyang gumalaw. May nakikita ako sa kaniyang mga mata. It was anger, loneliness and if I'm not mistaken, longing.

Klaetria, Institute Of MagicsWhere stories live. Discover now