Chapter 16: Town's Day
ANDY
“Gaya ng sinasabi ko, bukas ay Town’s Day—”
Hindi natapos ni Bryan ang sasabihin niya nang biglang tumayo si Adira at parang batang ulit-ulit na nagtatanong kung talaga bang lalabas ng Academy at pupunta ng bayan.
Nakikita ko sa reaksiyon niya na minsan lang talaga siya kung lumabas. Kitang-kita ang pagningning ng mata niya habang hinahampas si Bryan sa braso.
Napailing nalang ako sa ginagawa niya. Minsan warfreak, malungkot at ngayon parang nabigyan ng ilang sako ng ginto dahil sa saya.
Kahit ako ay masaya rin, pero walang tatalo sa reaksiyon ni Adira. Natawa naman kami sa itsura ni Bryan na hindi maipinta dahil hampas ni Adira.
Bryan lang ang tawag ko dahil trip ko lang. Bakit ba. Saka ilang taon lang naman ang agwat niya sa akin. I am turning 21 and he was already 24.
Paano ko nalaman? Nakita ko ang mga records niya sa office ng headmaster noong ipinatawag niya ako roon. He said he will be giving us mission after the town’s day and the examination.
Sa susunod na buwan na ang examination. Kaniya-kaniya ring ensayo ang mga charmers para sa examination day. Doon daw malalaman kung anong level na ang charm mo.
Kung gaano kataas ang level ay ganoon ka na rin kalakas. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko dahil sa ability ko. For fuck’s sake, paano ko gagamitin ang ability ko, it’s best for support pero pang one-on-one na laban taena, matatalo ako nito.
Natinag ako nang marinig ko ang tawanan nila. Si Adira nakanguso at nakabusangot ang mukha, samantalang si Bryan naman napapasabunot sa buhok.
Maganda si Adira, hindi malayong hindi magkagusto si Bryan sa kaniya. Kitang kita ko kung paano kumislap ang mata ni Bryan sa tuwing nakatingin siya kay Adira.
“Huwag kang gagawa ng kalokohan, Adira . Malalagot ka talaga sa akin,” banta ni Bryan sa kaniya pero ngumisi lang ito.
Kahit kailan talaga ay hindi ko mabasa ang ugali niya. Narinig kong may tumikhim, si Tyrus na nakacross arms at matalim na nakatitig kay Bryan.
“Baka gusto mong lumayo sa kaniya Bryan?” inis na sita ni Tyrus sa kaniya kaya naman napatingin ang lahat sa kaniya.
Hindi ka naman siguro galit niyan? Bakit pakiramdam ko ay nagseselos siya kay Bryan? Nangunot naman ang noo ni Bryan.
“Ano ba ang pinupunto mo Tyrus?” nagtatakang tanong ni Bryan sa kaniya.
Si Adira naman ay naiwang nakaangat ang kamay sa ere at nakatigalgal sa kinatatayuan. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawa.
Napatayo na si Tyrus saka namulsang lumapit kay Bryan at Adira. “Sabi ko, wala ka bang balak lumayo?” ulit niya kay Bryan.
Napatingin naman si Bryan kay Adira na pinagigitnaan nilang dalawa, “Nagseselos ka?” nangingiting tanong ni Bryan kay Tyrus.
Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ba ako sa teacher na ito. Ang lakas ng hangin eh, nagawa pang mang-asar ng charmer.
“Bakit ako magseselos?”
Sabay kaming napatayo ni Vance at nagkatinginan, mukhang iisa lang iniisip namin. Tumango lang kami sa isa’t isa saka lumapit kina Bryan.
Hinawakan ko naman si Tyrus sa balikat kaya naman napatingin ito sa akin. Tangina. Nakakatakot nga naman.
“Bitawan mo ako, Andy,” mahinahon niyang sabi kaya naman bumitaw ako.
“Nagseselos ka?” takang tanong ni Adira kay Tyrus kaya naman natutok sa kaniya ang atensiyon.
Napakamot pa ito sa ulo, “Hindi mo naman kase sinabi! Hindi ko naman aagawin si Bryan sa’yo!” dugtong niya nakapagpatawa sa aming lahat.
“Ay tanga, amp” hindi makapaniwalang sambit ni Agatha na nakamasid sa amin.
Lahat sila ay nagtatawanan, kahit ako ay pigil ang tawa. Mukhang nainis naman ito kaya nilabas niya ang higante niyang scythe at naglulutangang Air Spears na nakatutok sa kada isa sa amin.
Lahat kami ay natigil sa pagtawa at parang nabilaukan dahil sa kaba. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” tanong niya habang inililibot ang tingin sa kada isa sa amin.
Walang sumagot kahit isa. Si Bryan lang ang hindi niya tinutukan ng kahit anong patalim. Adira, naging mabait naman ako sa iyo? Pero bakit pati ako?
Eh, gago ka kase! Tumawa ka rin kaya ka nadamay, engot ka.
“Ano tingin mo tingin mo sa akin bakla?” hindi makapaniwalang sambit ni Tyrus habang nakaturo pa sa sarili.
Natawa naman si Bryan, “Sobrang gwapo ko na ba na pati lalaki ay nahuhumaling sa akin?”
Napangiwi naman kaming kahat sa kahanginan niya. “Hayaan mo Tyrus, mamahalin ko ng walang kapantay si Adira,” nang-aasar nitong sambit at nagawa pa niyang akbayan si Adira.
Parang biglang nag-init ang ulo ko sa ginawa niya. Yes, he was just joking around but that doesn't change the fact na babae pa rin si Adira. She might think na totoo nga ang lumalabas sa mabaho nitong bibig.
“AALISIN MO IYANG KAMAY MO O PAPATAYIN KITA?”
Nagkatinginan kami nina Vance dahil sa pagkakasabi namin ng sabay-sabay. Napa-irap naman si Adira at walang kahirap hirap na ibinalibag ang kamay ni Bryan.
Rinig pa namin ang pagkabali ng buto niya, galit itong tumingin kay Adira na ngayon ay pinapagpagan ang damit at yung parteng inakbayan ni Bryan.
Namaywang ito sa harap niya at saka nagsalita, “did you know that I am only 17? Baka gusto mong sapakin kita?”
“E, pag nag 18 kana!”
Biglang hinila ni Tyrus si Adira at itinago sa likod niya. Ganoon din sana ang gagawin ko pero naunahan ako. Tangina nasasaktan ako sa paraang hindi ko alam.
Hindi ko maintindihan. Nagseselos ako dahil gusto kong ako ang pumoprotekta sa kaniya. Ako lang dapat. Pero tangina ang dami kong kahati!
Agad namang inagaw ni Vance ang kamay na Adira, kaya naman nagpapalit palit ang tingin ko sa kanila. Fuck. Sana naman mali ang iniisip ko.
“Bakit ba kayo nag-aagawan!” inis na bulyaw niya. Wala akong nagawa kundi bawiin na rin ang kamay niya mula kay Vance.
Hindi naman maipinta ang mukha ni Vance at Tyrus dahil sa ginawa ko. Kung alam ko lang na mahuhumaling sila ng ganito kay Adira sana binakuran ko na kaagad.
Bigla nalang may humampas sa kamay ko kaya napabitaw ako kay Adira. Nang tingnan ko ito at ang mataray na mukha ni Agatha ang bumungad sa akin.
“Ano ba ang ginagawa niyo?” tanong niya habang mahigpit na hawak si Adira.
Nangunot ang noo ko. They're friends already? Ang alam ko ay galit sila sa isa't isa pero bakit ngayon ay daig pa kaming mga lalaki kung protektahan siya.
Hindi ko alam kung anong meron kaya Adira at ganito ang impact sa aming lahat. “What do you think you're doing, Agatha?” tiim bagang na tanong ni Tyrus.
Inirapan niya lang kami saka hinila sa Adira palabas. “Hoy kung magdiditch ka ng class huwag mong idamay si Adira!” sigaw ko sa kaniya.
Nakita kong nakaupo na si Bryan sa upuan niya at nakasandal dito. Pikit ang mata at nakaawang ang labi. Nakakarinig pa kami ng ilang mura sa kaniya.
“magsi-upo na kayong lahat,” panimula niya habang hinihilot yung kamay niyang ibinalibag kanina.
“Babae ba yun? Ang akala ko kase ay babae yun eh pero tangina ang lakas niya. Nabalian ako ng buto!” hindi makapaniwalang reklamo niya.
Nagsi upo naman kami at hinintay siyang matapos kakatalak sa nabaling buto. Pagkatapos niyon ay hindi pumasok si Agatha at Adira, lagot talaga sa akin ang babaeng yun!
Paulit-ulit lang ang mga sinasabi ni Bryan, na ganito, ganiyan. Alam naman namin iyon. Ilang beses pa ba dapat ulitin na maaga kaming aalis bukas?
Pagkatapos ng mga klase namin buong araw ay hindi ko nakita si Agatha at Adira. Kahit noong lunch time ay hindi ko rin sila nakita.
I have this weird feeling inside my chest. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Tangina parang bakla. Naisip ko bigla ang town’s day.
Bukas makakabalik na ako. Makakapunta ako sa bayan ng Klaetria at may pag-asa pang makatakas ako at mapuntahan ang palasyo kahit saglit man lang.
Papalabas na si Tyrus pero tinawag ko siya. Hindi man lang siya lumingon noong huminto.
Naglakad ako palapit sa kaniya at tinulak siya palabas. “What are you up to?” tanong ko.
He just smirked. “What do you think?” balik tanong niya na nakapagpainit ng ulo ko.
Sinakmal ko siya sa leeg saka isinandal sa pader. Wala akong kahit anong ekspresyon na makikita sa kaniya. He's just facing me with his bored look.
“Kung may plano ka, huwag mong idadamay si Adira!”
Napangisi naman ito, “You sounded like an overprotective brother to Adira, bakit nga ba?” sabi niya habang inaalis ang kamay kong nasa leeg niya.
You sounded like an overprotective brother to Adira. Brother. Brother.
Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. “What are you talking about?”
Nagkibit-balikat lang ito saka ako iniwan. Kung hindi ko maintindihan si Adira minsan, mas lalong magulo ang pag-iisip ni Tyrus.
Maaga akong nagising dahil nga Town’s Day ngayon. Minadali ko rin ang pagbihis at saka lumabas na sa dormitoryo namin.
Marami ng senior charmers ang nandito. Seniors ang lalabas ngayon dahil panghuling linggo na ng buwan kaya ganoon.
Naka-cloak kaming lahat ng kulay maroon. Naka uniporme rin kami. Ang sabi ay kapag dumadalaw raw ang mga charmers sa bayan ay nagbibigay ang mga ito ng kaunting regalo sa mga charmers.
Nakaramdam ako ng panlalamig kaya nayakap ko ang sarili. Nandito na rin sina Bryan. Si Adira nalang yata ang hinihintay namin.
Nakita ko si Agatha kaya naman nilapitan ko ito saka hinila sa tabi. “Where's Adira?” maawtoridad kong tanong.
Ipiniksi naman nito ang kamay kong nakahawak sa braso niya kaya natauhan ako. “Bakit sa akin mo hinahanap?” tanong niya sabay irap.
“Magakasama kayo kahapon, hindi ba?”
“Kahapon pa yun, saka baka na late lang ng gising! HANAPAN BA AKO NG NGA NAWAWALA?” nanlalaking matang sikmat niya.
Damn this girl.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil naiinis ako. Nagtatanong ako ng maayos tapos tatarayan niya ako. Pag ako napuno, may kalalagyan yang pagiging maldita niya. Try me.
Mga sampong minuto na rin kaming nakatayo rito malapit sa tarangkahan ng akademya at may hamog pa gaya ng inaasahan.
Hindi ko napansin kanina dahil sa paghahanap kay Adira. Akala ko ba ay gusto niyang lumabas ng akademya at ngayon siya itong nawawala.
Narinig kong bumuntong-hininga ang katabi ko na siyang si Bryan. “Halos sampung minuto na rin tayo rito, ngunit wala pa si Adira. I guess we have to go now, malayo pa ang biyahe natin,” nanghihinayang na sambit niya.
Mabilis akong umangal at saka sinabing maghintay pa ng ilang sandali pero hindi pa rin siya pumayag. Where the fuck are you, Adira?
“Sir Bryan, hindi na ba natin hihintayin si Adira?” nanlulumong tanong ni Lila habang nakatunghay sa magiging sagot ng guro.
Wala itong narinig kaya naman wala kaming choice kundi ang sumunod. Bumukas ang higanteng tarangkahan ng akademya gamit ang pagkumpas ng kamay ni Bryan.
Naaalala ko si Adira. Nagawa niya ring buksan ang tarangkahan noong una kaming pumunta rito.
Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung ano nga ba ang tunay niyang katauhan. Marami siyang pagkakapareho kay Aadya pero hindi ko magawang kumpirmahin ang hinala ko.
Nakakamatay ang hinala.
Pagbukas ay agad kaming nagsilabasan at bumuo ng dalawang linya. Isa para sa mga babae at ang isa para sa mga lalaki.
Nang tuluyan kaming makalabas ay nagulat kami nang bumungad sa amin ang nakasimangot at malamig na ekspresyon ni Adira. How the hell?
Naka cross arm pa ito at nakatitig sa aming lahat, “Akala ko nga ay wala kayong balak lumabas,” bungad niya sabay irap.
“Paano ka nakalabas?” nagtatakang tanong ni Bryan.
“Tsk. Saken na iyon, saka tara na! Naiinip na ako!” sabi niya saka nagmartsa paalis pero huminto rin at lumingon.
“May sasakyan ba tayo?” iwas tingin na tanong niya.
Natawa naman ako sa kinikilos niya. She's sometimes weird. Minsan kase seryoso at cold kaya minsan kahit tingin palang ay mapapaatras ka na.
Naghintay kami saglit saka dumating ang isang Bus kung nasa mundo ng mga tao. Yun ang sabi nilang tawag doon. Hindi naman ako pamilyar dahil ngayon ko lang naman nakita iyan.
Ang iba ay nagsiakyatan na sa ‘bus’ at nagsiupo. Gusto kong matawa sa itsura ni Adira dahil nagulat ito dahil sa biglang paglitaw ng sasakyan.
“D-Dito tayo sasakay?” nakamaang na tanong niya sabay turo sa sasakyan.
“Oo diyan tayo sasakay, kaya akyat na,” sagot ni Bryan saka tinulak siya paakyat.
Ayaw pa sana nitong umakyat at nangunyapit sa may pinto ng bus kaya todo tulak naman si Bryan.
“Maiwan ka nalang!” suko ni Bryan. Iniwan niya ito sa pinto at saka nag umpisang magbigay ng instructions nang makaakyat.
Nilapitan ko naman ito saka binuhat na parang sako, “’Wag mo kong sasapakin, ibabagsak kita dito,” banta ko sa kaniya nang ambaan niya ako ng sapak.
Umakyat ako sa bus at saka naupo sa medyo likurang bahagi. Hindi rin nakaligtas sa akin ang matalim na titig ni Tyrus. Isa nalang, iisipin ko na talagang may gusto siya kay Adira.
Walang nagsalita kahit isa nang nag-umpisa ng tumakbo ang ‘bus’. Kung sa mundo ng mga tao ay normal na sasakyan lamang ito, iba dito sa magic world. It can even float for fuck’s sake!
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa isiping makakabalik ako sa pinanggalingan ko. It was once my home, and still it is.
Nakatanaw lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga punong nadadaanan namin. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may sumandal sa akin.
It was Adira. Nakapikit ito at bahagyang nakayuko ang ulo niyang nakasandal sa balikat ko. Napatitig ako sa maamo niyang mukha at hindi ko namalayang nahalikan ko ang noo niya.
I am thankful she didn't moved an inch. She was fast asleep and I wonder why. Dahil sa pagkamiss ko kay Aadya ay siya nalang ang iniisip kong kapatid ko.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita, “Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa’yo, pero kung pwedeng ikaw nalang ang nawawala kong kapatid,” bulong ko sa kaniya.
Nalulungkot ako tuwing naiisip ko ang kapatid ko. Kung bibigyan ako ng pagkakataong humiling, hihilingin ko na sana si Adira na ang nawawala kong kapatid.
I wanted to protect her with all my life. Yung hindi ko nagawa kay Aadya ay gagawin ko sa kaniya bilang nakakatandang kapatid. Gusto kong maging ligtas siya palagi.
Masakit ang mawalan ng kapatid. I've lost mom, dad and Aadya. And I don't want her to get away from me too. Siya lang ang naging malapit sa akin makalipas ang siyam na taon.
Hinaplos ko ang pisngi niya saka inayos ang pagkakahilig ng ulo niya sa balikat ko, “I'll protect you no matter what. Kung buhay si Aadya ay ikaw ang una kong ipapakilala,” bulong ko ulit bago umidlip.
Nagising ako dahil sa ingay at tawanan. Pagmulat ko ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong nakalapit ang mukha ni Lila sa akin kaya naman naitulak ko ito sa gulat.
“Bakit ka ba nanunulak diyan?” singhal niya sa akin habang hinihimas ang noo na nauntog.
“Bakit ba kase ang lapit ng mukha mo sa akin?” nahihiyang tanong ko. Pakiramdam ko ay kinikilig ako na ano. Hindi ko masabi puta.
Napaiwas naman ito ng tingin, “Naglalaro kase kami ng truth or dare kaya ganoon,” nahihiyang sagot niya.
Truth or dare pala? Kung halikan kaya kita? Wait— What the fuck am I saying? Parang gusto kong iuntog ang sarili ko sa bintana dahil sa iniisip ko. Fuck.
“Tama na yan, nandito na tayo,” pukaw ni Bryan sa amin kaya naman ay naging alerto kami at naghanda ng bumaba.
Hinahanap ko si Adira, nasa harap na siyang ng pinto at may malaking ngiti sa labi. “Bilisan mo Bryan!” tulak niya kay Bryan.
Hindi man lang nito naisip na teacher ang kaharap niya. Nagagawa pa niya itong itulak-tulak at nahahampas.
At bakit hinahayaan lang naman ng ugok na ito? Namimihasa eh, bakit hindi niya pagsabihan si Adira? I want to punch his face, yung hindi na siya makikilala ng kahit sino.
Pagkababa namin ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Nasa downtown kami at maraming nagbebenta ng kung ano sa paligid.
May roong gumagawa ng mga kuwintas na gawa sa mga bulaklak at mayroon ring mga nagbebenta nga mga hindi pamilyar na halaman. Marahil ay ipinangdidisenyo iyon ng mga maharlika.
Halos lahat ng nag-aaral sa akademya ay mga maharlika. Hindi kakayanin ng mga normal na mamayan ang tumuntong sa akademyang iyon. Gusto kong baguhin iyon.
Dapat ay libre at para maging pantay-pantay ang estado ng bawat isa. Nakikita ko mula sa kinatatayuan ko si Adira na malawak na nakingiti sa mga mamamayan at punagmamasdan ang mga paninda nito.
Nilagyan pa ito ng isang batang babae ng korona na gawa sa bulaklak. Ang saya niyang tingnan at minsan ko lang siyang makitang ganito simula noong magkakilala kami.
She's different from other girls. Pero bakit hindi man lang ako nahuhumaling sa kaniya? Hindi ko alam.
Ang sabi sa amin ay pwede kaming maglibot dito sa bayan at magkita nalang ulit sa pinagbabaan namin bago magtakip-silim.
Sinigurado ko munang nagkahiwa-hiwalay ang halos karamihan bago ako tumakas. Wala akong makitang nakasunod sa akin kaya naman nagawa kong makatakas nang walang nakakapansin.
Pupuntahan ko ang palasyo sa hindi kalayuan. Natatanaw ko rito ang puting kulay ng pader. It's almost 10 years, makakabalik na rin ako.
Maaga pa naman kaya may pagkakataon pa akong makabalik bago gumabi. Kung hanapin man nila ako ay wala akong pakialam.
Titignan ko lang ang estado ng palasyo namin sa ngayon at kung anong nangayayari doon. Habang binabagtas ko ang daan palapit sa palasyo ay nakakaramdam ako kaba at hindi ko maintindihan kung bakit.
Mayroong kawal na nakapalibot sa palasyo at nag-iba na nga ito. Mayroon kaseng mga parteng nag-iba marahil dahil sa digmaan nitong nakaraang mga taon.
Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang rason para mangyari iyon. Wala man lang nagsabi sa akin, kung pwedeng tanungin ko ang headmaster pagbalik ay gagawin ko.
Mahigpit ang bantay ng palasyo kaya naman tipid lang ang naging kilos ko. Napaisip ako, bakit nga ba ako nagtatago na parang tanga rito? Pagmamay-ari ko rin ang palasyong iyan kaya pwede akong pumasok.
Pero may nakakakilala ba sa akin bilang prinsipe ng Klaetria? Matapos kong lisanin ang lugar na ito ay wala na akong naging balita pa.
Kung walang Reyna, Hari, Prinsipe at Prinsesa sino ang namumuno sa bayan ng Klaetria ngayon? Nagtindigan ang balahibo ko sa sariling tanong.
Hindi ko na itininuloy ang plano kong pumasok ng palasyo pero isa ang nakaagaw ng pansin ko. Isang babaeng balot ang mukha at walang kahirap-hirap na pinasok ang palasyo ng wala man lang naaalarma.
Nangunot ang noo ko at nasapo ko na lamang ang dibdib, “Who the fuck are you?” bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang unti-unting paglaho ng imahe.
![](https://img.wattpad.com/cover/214442163-288-k138275.jpg)
YOU ARE READING
Klaetria, Institute Of Magics
FantasySiya si Aadya Foster, pinanganak bilang isang prinsesa ng Klaetria, ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari kailangan niyang mamuhay mag-isa. Namatay ang kaniyang ina at nawawala ang kaniyang ama, mababawi niya kaya ang dapat na sa kaniya? O siy...