Chapter 1: Academia de Klaetria

71 1 1
                                    

AADYA

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mukha. Mga naghuhuning ibon, at sariwang simoy ng hangin.

Mag lilimang taon na din ang nakalipas. Sariwang sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari. Kahit anong pilit kong kalimutan ang lahat ng iyon ay mananatili ang sakit sa aking puso.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang kinahinatnan ng buhay ko. Tadhana na ang gumagagawa ng paraan para maiwan akong nag iisa sa mundong ito.

Ngayong araw, ang araw kung saan makakalabas ba ako ng tuluyan sa bahay na ito- hindi, isa itong mansion.
Hindi ko rin alam kung paano nakarating dito, basta at pagkagising ko, nakahiga na ako kama na ubod ng lambot.

Flashback Four Years Ago

Patuloy ako sa pagtakbo, takbo dito, takbo doon. Hala! Sige takbo, Aadya.
Wala na akong pakialam kung madapa man ako, masubsob sa putikan o matapilok dahil sa walang tigil na pagtakbo.

Tumigil lamang ako sa pagtakbo ng kusang bumigay ang mga paa ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko na kaya pang tumayo, wala akong nagawa kundi ang gumapang patungo sa puno ng akasya malapit sa gilid ng kalsada.

Isinandal ko ang likod ko sa trunk ng puno upang makakuha ng sapat na lakas bago ipagpatuloy ang pagtakbo.
Hindi ko alam kung nasaan na ako.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan at ang kidlat ng ubod ng talim. Nagpalinga-linga ako sa paligid ng maramdaman kong mayroong paggalaw sa 'di kalayuan. Inihanda ko ang aking sarili sa anumang pag atake.

Pilitin ko mang lumaban ay di na kakayanin ng katawan ko dahil sa pang hihina. Laking pasalamat ko ng hindi ako sinugod ng lalaki. Nasa middle 40's na ito. Matipunong pangangatawan at halos kasingtangkad ang mga guwardiya sa aming palasyo.

Alam kong hindi lamang siya basta-basta. Ang aurang lumalabas sa kaniya ay nagpapahiwatig ng awtoridad at kapangyarihan. At kilala ko siya.

Ang headmaster ng Academia de Klaetria.

Humahangos itong tumatakbo sa kinaroroonan ko. Na para bang hinahabol ng isang daang lobo na hindi kumain sa loob ng isang buwan.

Pagkalapit niya sa akin ay agad niya akong Inalo dahil sa walang tigil na pagbuhos ng aking nga luha. Niyakap niya ako at hinaplos ang aking buhok.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at agad na nagpaulan ng mga tanong.

"Aadya-" panimula niya habang tumutulo ang luha. "Aadya, nasaan ang katiwala ng iyong ina? Bakit mag isa ka lang? Anong nangyari? Nasaan na ang iyong ina?" Dugtong niya.

Hindi ko magawang sumagot dahil sa namumuong bikig sa lalamunan ko. Wala akong naisagot maliban sa paghikbi at pagyakap sa kaniya.

"Uncle, wala ni si mommy. Pinatay siya" walang katapusan ang pagiyak ko at nais kong magwala sa oras na ngunit wala akong sapat na lakas.

Naramdaman ko na lamang ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata at ang pagbigat ng aking nararamdaman. Bumagsak ako at dumilim na ang lahat. Paggising ko nasa bahay na ako ng headmaster ng Academia.

Headmaster Alatar, ang nakakatandang kapatid ng aking ina.

*

Ngayong araw papasok ako sa akademya bilang Adira at hindi bilang Prinsesa Aadya. Kailangang itago ang pagkatao ko dahil ang alam ng Dark wizards ay hindi ako nakaligtas sa nagawang Paglusob nila sa aming Bayan. Malayo kung nasaan man ako ngayon.

Klaetria, Institute Of MagicsWhere stories live. Discover now