Chapter 17: Informations

16 1 0
                                    

Chapter 17: Informations

ADIRA

Tatlong araw na ang lumipas simula noong bumalik kami dito dahil sa Town’s Day. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Unang beses kong makapunta sa bayan at nagawa kong makipagngitian sa mga mamamayan. Mayroong nakipaglaro sa akin at nagbigay ng mumunting regalo.

Marami pa ang nagtaka dahil ngayon lang daw nila ako nakitang kasama ang mga senior charmers. Kung ganoon ay nakasanayan na talaga nilang magpunta rito tuwing huling linggo ng buwan.

May ilang mga mamamayan ang naghihirap at wala man lang tumuling sa kanila. Sino ang tutulong? Walang namumuno sa kanila ngayon.

Kung bakit hindi man lang nabanggit sa amin ang ganitong sitwasyon sa bayan. May kalayuan ang palasyo sa akademya kaya imposibleng may makapasok dito.

May sariling patakaran ang akademyang ito kahit pa sabihin na sakop ito ng Klaetria. Ang akademya ang nasa pinakadulong bahagi at ang palasyo naman ang sentro.

Gusto kong malaman lahat-lahat pero walang may kakayahang magsabi sa akin. Kung magtatanong ako sa iba ay malamang paghihinalaan pa ako. Nasapo ko na lamang ang noo ko at isinuksok ang mukha sa lamesa.

Nandito kami ngayon sa dining hall at naghahanda ang mga taga-pagsilbi ng aming hapunan. Halos lahat sa amin ay naka pangtulog na damit. Ngunit yung iba ay hindi pa nakakapag-bihis.

Napalingon ako nang may kumablit sa akin. Dahan-dahan ko itong nilingon at bumungad sa aking pagmumukha ni Agatha.

Simula noong nagka-allergy ako ay panay na ang dikit niya sa akin. Napapadalas na rin ang bangayan nila ni Lila dahil sa akin.

Ayon kay Lila ay inaagaw daw ako sa kaniya ni Agatha. For me, it wasn't true. She's jealous of Agatha. Iniisip niya mas pinapaboran ko si Agatha kahit na maraming kasalanan ito sa akin.

I told her that, what if she's in Agatha’s place? And she's really sorry for what she has done to me? Iisipin niyang mataas ang pride ko dahil hindi ako marunong magpakumbab kapag hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

“May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Agatha. Umiling naman ako bilang sagot.

I don't want to be a burden. Ayokong kaawaan ako dahil sa dinaranas ko. I don't need their pity for me. I want some who will support and surpass this journey with me.

Sinalat nito ang leeg ko. Pinapakiramdaman kung masama ba ang pakiramdam ko, “Wala akong sakit,” I plainly said.

“Hoy, Adira, baka may plano ka ring kumain?!” singit ni Lila na nakapag-paangat sa’kin.

Ako nalang pala ang hindi pa kumakain. Napansin kong nakatingin sa akin ang kambal kaya naman nagtaas ako ng kilay, si Brianna lang ang tangin lumaban sa akin ng titigan.

Mukhang wala siyang plano na magpatalo kaya ako ang unang sumuko at napairap nalang sa kanila. Minsan parang gusto kong pumatay dahil sa nangyayari.

I'm starting to hate this attitude of hers. She's really an observer, siya ang female version ni Andy. Hindi gaanong palasalita pero bantay sarado ang bawat kilos mo.

Pinunasan ko ang bibig ko ng table napkin bago sumandal sa upuan at nag cross arm, “Yes?” naka-angat na kilay kong tanong sa kaniya.

Tumikhim ito bago nagsalita, “May problema ka ba Adira?” panimula niya. Halatang nagdadalawang-isip la ito kung itutuloy ang sasabihin.

“Kaibigan mo naman kami ‘di ba? Alam mong puwede mo kaming pagsabihan ng problema mo,” pagtatapos niya.

“Wala akong problema, ano ba ang nangyayari sa inyo?” pagmamaang-maangan ko.

Klaetria, Institute Of MagicsWhere stories live. Discover now