Chapter 18: Unexpected Visitor

13 2 0
                                        


Chapter 18: Unexpected Visitor

ADIRA




Paggising ko ay agad akong kumilos papuntang banyo. Kung hindi ko pa naramdaman na kumakalam na pala ang sikmura ako at hindi pa ako babangon.

Kung hindi ba naman kasi ako dakilang tamad ay sana nag-abala akong maghapunan kahit na pagod ako. Wala naman akong ginawa pero yung utak ko pagod na.

Tulog pa rin ang tatlo paglabas ko sa banyo matapos maligo at magbihis. Ginising ko na sila dahil baka wala silang maabutang pagkain sa dining hall. Baka masabihan pa ako na hindi nagmamalasakit sa kapwa dahil hindi ko sila ginising.

“Ang aga mo yata ngayon!” manghang sabi ni Lila na kinukusot pa ang mata dahil baka nananginip daw. Himala raw kasi na nauna ako sa kanilang magising.

“Malamang. Kumakalam na ang sikmura ko dahil sa gutom,” napairap pa ako sa sagot ko.

Natawa naman ito ng malakas sabay hampas sa balikat ko, “Iyan kase! Kakain nalang tatamad-tamad pa!” tawa pa rin siya ng tawa pagkapasok sa banyo.

Nagliligpit na ng pinaghigaan ang kambal. Napapadyak si Bree dahil sa inis kay Lila. “Ako dapat mauuna eh!” nakangusong sumbong niya sa akin.

“Bagal mo kase,” asar pa ng kakambal niya na inaayos ang uniporme na susuotin at ang bag na dadalhin kapag papasok na.

Wala sling bag lang dala ko. Pake mo ba. Iisa lang naman yung notebook na dala ko. Halo-halo laman noon, saka wala namang dapat isulat. Puro kase paghahasa ng charm at ability ang ginagawa o hindi kaya ay pagbalik sa nakaraan.

Bitbit ang sling bag ay tinungo ko ang dining hall. Sinabi kong mauuna na ako dahil gutom na talaga ako at baka hindi ako mamatay dahil sa dark wizards kundi sa gutom.

Ang sabi pa ayos lang. Nakakahiya naman daw kase napaghintayin nila ako roon dahil mabagal pa naman sila kumilos. Ngayon pa sila nahiya? Matindi rin.

Minsan nagdududa na talaga ako sa kanilang tatlo. Pero ayaw kong pangunahan sila dahil lang nagdududa ako sa paligid ko. Hindi naman siguro tama iyon. Pero may pagkakataong hindi ko mapigilan. Normal lang naman iyon hindi ba?

Pagkadating ko sa dining hall ay naupo agad ako sa upuan ko at naghintay na ilapag nila ang mga pagkain. Masyado yata akong napaaga? Kaunti palang kase ang charmers dito at kaniya-kaniya naman silang kwentuhan ng mga katabi nila.

Hindi na bago sa akin ang kwentuhan at tawanan nila rito. Nasanay na rin akong palaging maingay dito. Mabuti pa sila at nagagawa nilang tumawa ng walang problemang iniisip.

Ang pinagkaiba ko lamang sa kanila ay kakambal ko ang kamalasan at walang ng lunas ang malas na ito. Sumpa na yata ito sa akin.

Pagkaupo ko ay agad akong sumandal sa upuan at hinilot ang sintido. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko nga maalala kung saan nila ako nahanap at wala man lang may pumatay sa akin. Bago 'yun.

Pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko ang yung misteryosong babae na nakakita sa akin dito noong kumain ako dito sa dining hall. Hindi ko siya kilala pero kung magsalita siya ay animo’y kilalang-kilala niya ako.

Hindi pa rin maliwanag sa akin kung paano niya nalaman ang dapat ma gagawin ko sa kaniya. Mukhang wala naman siyang napagsabihan tungkol doon kaya wala akong dapat na ikabahala hindi ba?

Siya na mismo ang nagsabi na, sa oras na may nasabi siya tungkol sa akin ay ako mismo ang papatay sa kaniya. Nagawa niya pang itaya ang buhay niya para roon.

Hindi ko man lang napansin na nasa harap ko na siya at inaayos qng mga kubyertos na gagamitin ng mga charmers. Sinusundan ko ng tingin ang bawat galaw niya at wala naman akong makitang kahina-hinala.

Klaetria, Institute Of MagicsWhere stories live. Discover now