Chapter 15: Exposed

23 2 0
                                    


Chapter 15: Exposed


AADYA


I hate this feeling. Pakiramdam ko ay mamatay na ako. Hindi ako makahinga ng maayos. Bakit ba hindi ko man lang tingnan kung anong palaman nung sandwich na binili ni Shawn.

Rinig na rinig ko ang sigaw ni Agatha at ang pagkukumahog ng ibang charmers na tumabi sa daanan. “Fuck. Adira huwag kang pipikit, babanatan ako ni Andy at Agatha kapag ginawa mo yan!” naghihisterya niyang sabi habang tumatakbo papuntang clinic.

Pagod ako tumango saka tinutulungan ang sarili na huminga ng maayos. Damn this.

“Get out of my way! This is emergency you bastards!”

By her foul words, I know that was Agatha. Hindi ko man siya makita but I know na pwedeng siyang makapatay kapag may humarang sa daan. Napangiti ako.

Now you're starting to worry about others. That's good, and I'm happy isa ako sa rason kung bakit ka nag-aalala. Sana magkasundo na tayo, pakiramdam ko ikaw lang makakaintindi sa akin Agatha.

“S-Shawn, bilisan mo,” nauutal na sabi ko kay Shawn.

Nahihirapan akong huminga tangina! Hindi ko rin naman pwedeng sisihin si Shawn at Agatha, wala naman silang ideya na allergic  ako sa lettuce. I should have been more aware about foods.

Sarili ko lang ang dapat kong sisihin dahil sa pagiging patay-gutom ko ay naka perwisyo pa ako ng ibang tao. Parang tanga.

Pakiramdam ko pipikit ako ano mang oras. Tangina bakit parang hindi kami umaalis sa pwesto namin? Kanina pa tumatakbo si Shawn. Hindi naman ganoon kalayo ang Clinic sa cafeteria.


“Adira, nandiyan na. Malapit na ilang hakbang nalang.” Pagpapalakas sa akin ni Shawn.


Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. Dati muntik pa kaming magpatayan dahil lamang sa soccer ball na iyon at pang iinsulto niya sa akin. Pero ngayon, siya pa itong grabe kung mag-alala.

Ganito pala kapag may kaibigan ka. Hindi ka pinapabayaan kapag may nangyari sa’yong masama. Ang tanong, sasamahan ba nila ako hanggang dulo? Iyon ang hindi ko masasagot.

“Where's the healer?!”

Narinig ko ang marahas na pagtulak ng pinto at ang mga natatarantang junior healer ng academy. Narinig ko pa ang ilang pagbagsakan ng mga gamit dahil sa pagmamadali.

“Fuck! Where's the fucking healer?! Kailangan namin siya ngayon!” aligagang sigaw ni Shawn pagkatapos niya akong mailapag sa kama ng clinic.

Hindi ko na maidilat ang mga mata ko. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Kahit na hirap ay pinilit kong tignan kong sino iyon.

Agatha.

Kitang kita ang pag-aalala sa mukha niya at maluha-luha pa. “Damn bitch, huwag na huwag kang mamamatay, sasabunutan talaga kita!” banta  niya.

Natawa ako sa isip ko. Kahit malapit ka ng sunduin ni kamatayan siya pa ang may ganang magbanta sa iyo. Baliw.

“A-Agatha.” Pagtawag ko sa kaniya.

Tinignan namn ako nito ng may pagtataka. “Ano iyon?”

“Huwag mo sanang ipaalam kahit kanino na allergic ako sa lettuce,” sabi ko habang hinahabol ang hininga.

Kahit na nagtataka ay tumango naman ito. Narinig namin ang pagdagsa ng tao sa clinic at isa na doon ang kapatid kong si Andy na walang kaalam-alam na ako pala ang kapatid niya.

Agad nagsilapitan ang mga ito sa akin na may nag-aalalang tingin. Pansin ko rin ang pag-irap ni Agatha at Lila sa isa’t isa. May hindi ba ako alam?

“Ara,” pukaw ni Andy. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Ara.

Pinilit kong dumilat pero hindi ko magawa. Ramdam ko ang mga pantal sa katawan ko at pangangapal ng balat ko.

“Adira, Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Lila. Hindi ko sila masagot dahil nahihirapan  akong huminga.

Rinig ko ang pagsinghal ni Agatha, “Ay, tanga. Malamang hindi okay! Kita mo ngang nakaratay diyan sa kama ‘diba? Tapos tatanungin mo kung okay lang?” sarkastiko niyang sagot.

Hindi ko alam kung bakit lagi nalang nilang pinag-iinitan ang isa’t isa. Parang ang lalim ng pinaghuhugutan, eh.

“Kasalanan mo kung bakit nandiyan siya!” balik sigaw ni Lila.

Tangina. Wala man lang aawat? Kapag ako talaga nakabangon dito, pagbubuhol-buhulin ko silang lahat.

“Nyenyenye, bakit ako ba ang nanakit sa damdamin niya?” pagtataray niya kay Lila.

Baka bigla nalang silang magpatayan at ako ang mauna dahil hindi ako makakatakbo kapag nagpambuno na silang lahat.

Natahimik ang  lahat dahil sa sinabi ni Agatha. She's not naïve, alam niyang nasasaktan ang isang tao. Kahit ako na hindi niya laging kasama ay kaya niyang basahin ang nararamdaman ko.

“Ano ba kase ang nangyari at bakit namamantal ang buo niyang katawan?” pagbabasag ni Tyrus sa nakakabinging katahimikan.

“ALLERGY.”

“HIGAD.”

Sabay na sagot ni Shawn at Agatha. Kahit hindi ako makadilat ay alam kong pinasisiringan ni Agatha si shawn.

“Teka, ano ba talaga?” naguguluhang tanong ni Vance.

Napabuntong- hininga naman si Agatha. “Tangina. Nahawakan niya nga kase yung higad!” sigaw niya.

Wala ng nagtanong pa dahil ayaw nilang makipagtalo pa kay Agatha. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kasabay niyon ang mga papalapit na yabag sa kinaroroonan ko.

Sinalat nito ang noo ko at saka ako tinurukan ng kung ano, hindi ko alam kung ano ang bagay na iyon ngunit ramdam ko ang panghihina at tinatangay ako upang makatulog.

Nagising ako sa kalagitnaan ng ingay ay mga kalabog sa paligid. Hindi ko muna idinilat ang mga mata ko at saka nakiramdam muna sa paligid.

Patuloy pa rin ang mga bangayan at murahan nila. Marahil nagsisihan kung sino ang puno’t dulo kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Siguro ay ako rin naman ang may kasalanan.

Kung hindi ko sana pinairal ang tampo at galit ko ay wala ako sa ganitong kalagayan at hindi sana sila nag-aaway away ngayon.

Idinilat ko ang mga mata ko at bahagya pa akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa bumbilya na nakadikit sa kisame.

Pinagmasdan ko lang iyon at hindi gumalaw kahit ni isang daliri. Patuloy na nakikinig at nakikiramdam sa paligid.

Magaan na ang pakiramdam ko at nanumbalik na rin ang lakas ko. Bahagya akong gumalaw ngunit walang nakapansin dahil abala sila sa pag-awat kay Lila at Agatha.

Hindi pa rin ba sila titigil sa pagbabangayan? Ako kase ang napapagod sa kakapanood sa kanila. This is all my fault.

Napabuntong hininga nalang ako. “Ikaw ang may kasalanan kung bakit nakaratay diyan si Adira!”

“At ako pa talaga ang may kasalanan? Ha! Kung sana ay hindi niyo siya pinagsalitaan ng masama ay hindi siya magtatampo!” hindi makapaniwalang sabi ni Agatha.

Nagpupumiglas namin silang dalawa. Handa talaga silang magpatayan. Kung ganito lang din naman pala ang kahihinatnan ng mga pangyayari, sana natuluyan nalang ako. Letse.

“Tumigil na nga kayo! Kahapon pa yan! Alam niyong natutulog si Adira tapos dito kayo magbabangayan! Lumabas kayong dalawa! Doon kayo magpatayan! Get the hell out of here!” sigaw ni Andy kaya naman napilitan ang dalawa na maupo sa tabi.

Napasintido naman ang kapatid ko at napasabunot sa buhok. Ang kambal naman ay nakaupo lang sa sofa na pangdalawahan.

Si Tyrus ay nakapamulsa at nakasandal sa hamba ng pintuan, si Vance naman ay nakaupo rin sa may stool at nakayuko lang. Si Shawn naman ay kumakain ng sandwich.

Tsk. May gana pa talaga siyang kumain, gago. Mayroon ding pagkain sa lamesa na siguro ay para sa akin dahil ako naman ang binibisita nila rito. Suki na ako ng Clinic na ito, tangina.

Kita pa rin ang pag-irap ni Lila at Agatha sa isa't isa. Tangina. Kinuyom ko ang kamao ko at saka binuksan ulit. Hindi na ako nakakaramdam ng panghihina gaya kanina, mabuti naman.

Napatingin ako sa kanilang walo at tahimik lang sila. Wala ng nag-ingay noong nagalit si Andy, “Tapos na kayo?” tanong ko.

Mabilis na nagsitaasan sila ng ulo at agad naman akong dinaluhan.

“Okay kana?”

“May masakit sa iyo?”

“Anong nararamdaman mo?”

Sunod-sunod na tanong nila, ngunit hindi ko sila pinansin. Nasaktan talaga ako sa sinabi nila sa akin. Buhay ko na iyong pinag-uusapan eh, hindi magandang biro yun.

“Adira, magsalita ka naman. Galit ka ba?” nag-aalalang tanong ni Andy.

Nag-iwas lamang ako ng tingin at saka nagtama ang paningin namin ni Tyrus. Fuck you! Nabibwesit ako sa pagmumukha mo, tangina ka.

Bumangon ako sa kama at saka nag-inat ng katawan. Pakiramdam ko isang taon ako ritong nakahiga. Bumaba ako sa kama saka inayos ang damit.

Tinignan sila isa-isa pero huminto ako kay Shawn, “Gaano ako katagal dito?” tanong ko habang sinusuklay ang magulo kong buhok gamit ang kamay ko.

“Isang araw na,” sagot saka nag-iwas  ng tingin.  Tumango naman ako bilang pagsagot at nauna ng lumabas.

Lumapit naman sa akin si Lila at hinawakan ang kamay ko, napatingin ako doon at nag-angat ng tingin sa kaniya.

“Okay na na ba, Adira?” nag-aalangan niyang tanong.

“Yeah, I guess so,” tipid kong sagot saka binawi ang kamay ko. Napatingin naman ako kay Agatha na inismidan si Lila.

“Mauuna na ako, salamat sa pag-aalala.” Pamamaalam ko saka lumabas at tumungo sa dormitoryo namin.

Hindi ko alam pero nainis ako bigla kay Lila. Hindi siya yung Lila na kilala ko na marunong magpakumbaba at marunong mag-alala sa umpisa pa lang.

Hindi siya yung tipo ng tao na makikipagtalo at makikipagsakitan sa iba. Ako dapat yun eh. Gusto kong manapak dahil sa mga nangyari.

Pagkarating ko sa dorm namin ay agad akong naglinis ng katawan. Hindi nga pala ako naligo ng isang araw kaya naman kailangan kong maglinis ng mabuti.

Habang nagliligo ay hindi ko maiwasan ang hindi tingnan ang marka ko sa balikat. Habang papalapit ang ikalabing-walong kaarawan ko ay mas tumitingmad ang pagiging kulay ginto nito.

Hindi ko alam kung maitatago ko pa ba ito kapag ganoon ang nangyari. Akala ko nga ay ilalaglag ako ni Agatha.

Hindi niya sinabi na dahil sa allergy kaya namantal ang katawan ko. Sa dinami-dami ng pwedeng idahilan bakit higad pa? Dahil mamantal din ang katawan ko kapag nahawakan ko yun.

I'm confused. Si Lila nagiging warfreak at si Agatha ang nagiging mabait sa akin. Tangina. Anong nangyayari sa mundo?

Kinuskos ko ng mabuti ang balat ko at nilagyan ng shampoo ang buhok. Nakakahiya namna kung maamoy nilang amoy pawis ang buhok ko. Pagkatapos ay nagbanlaw na rin ako.

Hindi ko alam kung anong oras na ba. May pasok pa ba o may training. Ang sabi ko hindi ako maaattach kahit isa sa kanila pero bakit ko sila iniisip. Hindi dapat ganoon.

Pagkatapos kong nagvihis ay natpunta ako sa dining hall dahil nagugutom ako, alangan namang sumayaw-sayaw ako doon? Dining hall nga ‘di ba.

Habang naglalakad ako may naririnig akong nagbubulungan, minsan hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na malakas ang pandinig ko eh, kase minsan kahit yung hindi dapat marinig naririnig ko. Shuta!

Malinis ang pasilyo at wala akong makitang tao pero may nagbubulungan, paano yun? Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakita. Hinataan ko na lamang dahil tangina gutom na talaga ako.

Pagkadating ko sa dining hall ay wala ng tao, halatang tapos na sila kumain. May nakita akong isang tagapag-silbi kaya naman ay tinawag ko siya.

Umupo ako sa palagi kong inuupuan tuwing kakain kami saka idinukdok ang mukha ko sa lamesa.

Pagdating niya ay saka lamang ako nag-angat ng tingin. Medyo may katandaan na siya at nilalamig ako dahil sa awra niya. Potangina, kalma taga-pagsilbi lang iyan.

“Gusto kong kumain,” sabi ko sa yumuko ulit sa lamesa.

“Tapos na po kase ang oras ng pagkain,” nag-aalangan niyang sagot kaya naman napaangat ako ng tingin.

Nangunot ang noon ko. “Bakit?dapat ba kahat sabay-sabay kumain?” naiinis kong tanong.

Tumango naman ito. “Hindi mo talaga ako bibigyan nga pagkain?” pag-uulit ko.

“Bawal po kase iyon, nailigpit na kase yung pinagkainan,” sabi niya habang nagpupunas ng kamay sa apron.

Napabuntong-hininga nalang ako saka tumango. Tumayo ako saka inayos ang upuan, “Sige, salamat nalang.”

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya na nagtataka. Nakayuko lang siya at nakahawak pa rin sa kamay ko.

“Dito ka lang, kukuha ako ng pagkain mo,” utos niya saka tumalikod.

Kahit naguguluhan man ay, sinunod ko ang inutos niya. Umupo ako ulit sa may upuan saka sumandal doon. Dahil sa inip ay pinaglaruan ko ang mumunting apoy sa palad ko.

Minsan ko lamang ito nagamit dahil hindi pwedeng may ibang makaalam, natinag ako sa malalim na pag-iisip nang may naglapag ng pagkain harap ko.

Mabilis ko iyong ipinaglaho at nagkunwaring walang alam, nakamasid lang ito sa akin habang kinukuha ko ang kubyertos.

Naiilang ako sa mga titig niya jaya naman inilapag ko yung kutsara at tinidor, “may problema po ba?” agaw ko ng atensiyon niya.

Tipid naman itong  ngumiti saka umiling, “wala naman, kilala mo si Tyrus?” tanong niya.

Tumango naman ako saka nag umpisang kumain, hindi naman ako mahiyain kaya tuloy tuloy akong nagsubo.

“Siya ang gumagamit ng elemento ng apoy hindi ba?” tanong niya nakapagpatigil sa akin. “Nakita kitang naglalaro ng apoy, paano mo nagawa iyon?” takang tanong niya sa akin.

Nginuya ko muna ang pagkain sa bibig ko  at saka nilunok. “Wala po iyon, baka guni-guni niyo lang,” sabi ko sabay punas ng bibig.

Dahil naparami na rin ang kain ko ay tumayo para umalis na, nagpasalamat muna ako bago umalis pero hindi maalis sa isip ko na may nakakita sa ginawa ko.

Nilingon ko siya na ngayon ay nagliligpit na ng pinagkainan ko, mabilis ko siyang nilapitan at kinalabit, bago ko pa magawa ang nais ko ay pinigilan niya na ako.

“Huwag mong buburahin ang alaala ko,” sabi niya. Napatango naman ako kahit na napipilitan, “huwag kang mag-aalala, wala akong pagsasabihan, kapag may nakaalam ay handa akong patayin mo.”

Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko naman gagawin yon! “Pasensya na po, sana wala pong makaalam, madadamay din naman kayo kapag nagkataon,” yumuko pa ako saka umalis.

Habang naglalakad hindi ko maiwasang hindi kabahan, at bakit ko nga ba sinunod ang babaeng yun? Pero Tangina, ang inang reyna lang nakakapagpasunod sa akin ng ganon.

Imposible, hindi naman si Ina yun dahil natagal na siyang wala. Heto na naman ang sakit sa puso. Ang tagala na nun pero, ang sakit sakit pa rin. Parang kahapon lang nangyari.

Yung sakit kase hindi madaling matanggal na kagaya kapag may sugat ka, iinuman mo lang ng pain reliever ay mababawasan ang sakit.

Iba kase yun, nakakamatay yung sakit. Kung bakit ba kase nangyayari ang lagat ng ito sa akin. Una, si Sir Julius, ngayon naman ay yung babae sa dining hall.

Nakakain nga ako, may nakakita naman sa akin. At tangina, paanong nalaman niya na buburahin ko yung alaala niya. Imposible, hindi namna siguro niya nakikita ang future—

Napahinto ako sa paglalakad. Future. Si ina ang may kakayahang makita ang hinaharap, napalingon ako sa pinanggalingan ko. Wala ng ivang charmers maliban sa akin.

Imposible. Napahilamoss ako sa mukha ng wala sa oras at muntik pang mapasigaw. Nakarinig ako ng tikhim kaya napatingin ako kung saan nanggaling iyon.

Nasa tapat na pala ako ng kwarto namin at pinagtitinginan ako, “Adira, late ka na. Baka gusto mong pumasok?” si Bryan.

Napa-irap naman ako sa kaniya, I summoned my scythe. Tinutok ko iyon sa leeg niya kaya naman napalunok ito, “Kung putulin ko yang leeg mo?”

Natawa naman ito sa akin, may nakakatawa ba? “Warfreak” bulong niya. “Narinig ko yun!” sikmat ko.

“Umupo ka na! Ang init ng ulo mo!” sigaw niya. Pinaglaho ko yung scythe saka naupo sa upuan sa harap niya. Wala akong pake kung may ibang nakaupo diyan

Napa cross arm naman ako at tamad na nakinig sa kaniya. Tumikhim muna ito saka inilibot ang tingin sa aming lahat

“Gaya ng sinasabi ko, bukas ay Town’s Day—”

Napatayo ako, “Town’s Day? As in, yung lalabas ng academy?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya.

Nawiwirduhan itong tumingin sa akin, ng hindi sumagot ay pumunta ako sa tabi niya saka siya inalog-alog. “Lalabas tayo? Bukas? Ha? Bryan? Pupunta tayo sa bayan?” parang batang sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Kahit naguguluhan ay tumango ito, “bukas lalabas tayo ng akademya—”

“YES!” excited  na sigaw ko, nakarinig pa ako ng mga tawa pero hindi ko iyon pinansin. Bukas makakalabas ako ng akademya at pwede akong makapunta sa palasyo!

Napangiti ako sa iniisip ko, “huwag kang gagawa ng kalokohan Adira, malalagot ka sa akin,” banta ni Bryan.

Ngumiti lang ako saka hinampas-hampas siya sa braso. “makakapunta ako sa bayan bukas!” sigaw ko ulit.

Napaigik naman ito sa sakit, “kailangan bang nanghampas kapag excited ka?” naiinis na tanong niya sabay himas sa braso.

“ano ba gusto mo? Saksakin kita?”

Natawa naman Ito saka ginulo ang buhok ko. Nahampas ko la ang kamay niyang lumapastangan sa buhok ko. Ang tagal kong sinuklay yan tapos guguluhin mo lang? Gagu ka. Hindi ko na lamang siya pinansin.

Parang gusto kong sabihan si Andy na dalian ang oras para umaga na agad, hindi na ako makapaghintay! Nakalimutan kong galit pala ako kanina, sana maging masaya ang pagpunta ko roon.

After five years of being away form my home, finally I'm coming back. Hintayin niyo ako, mababawi ko rin kayo.









Klaetria, Institute Of MagicsWhere stories live. Discover now