Chapter 20: Suspicion

29 1 0
                                    


Chapter 20: Suspicion

Pagkatapos ng nangyari sa auditorium ay agad na nilisan ko ang lugar na iyon. I was stunned but i didn't let them know that. Gulong-gulo ang isip ko, pakiramdam ko ay sasabog ito.

Something feels off about that fucking-whoever-he-is, just the damn visitor who popped out from nowhere. Bigla nalang sususlpot at magrereklamo na may nanloob daw sa palasyo ng Foster.

Noㅡ it was once my palace, too. Whoever he is and where he came from. I want to kick his ass out of Klaetria. Siya pa talaga ang may ganang magreklamo na hindi naman dapat.

For fuck’s sake! Hindi ko siya kilala at ano ba ang ka-putanginahang ginagawa niya roon sa palasyo? Bakit wala man lang nasabi ang Headmaster patungkol dito?

Kung hindi pa ako nabunggo sa isang bulto ay hindi pa ako magigising sa kahibangan ko. Tirik na tirik ang araw at kung saan lupalop na ng mundo nakarating ang isip ko.

Napatingala ako sa lalaking nabunggo ko nahimas ng wala sa sarili ang noo. Tangina ang sakit noon! Paano kase ay tatanga-tanga. Pinakatitigan ko ang kulay lupa niyang mata at nagulong buhok. Ang gwapong nilalang.

"Are you done staring?" Mapang-uyam niyang tanong.

Stare? Ulol. "Kapal mo ah. Uso tumabi kapag may dumadaan," mataray kong saad na nakapag- pangiti sa kaniya. Tangina may gana pa talaga itong ngumiti kahit naka perwisyo na.

"Uso rin tumingin sa dinaraanan," pang-aasar niya pa. Ako ba ginagago nito? Marami na nga akong iniisip tapos dadagdag pa ang damuho na ito.

Napapikit ako dahil sa inis at agad siyang sinapak pagkamulat ko. Gulat naman itong napatingin sa akin kaya pinalakihan ko siya ng mata.

"Bakit mo ako sinapak?!"

"Panget mo kase. Tabi nga!" Dahil sa inis ay tinulak ka siya paalis sa daan. Sa dinami dami ng charmers na nandito bakit ba si Tyrus ang lagi kong nakakasalamuha sa ganitong sitwasyon. Hindi kaya ay sinsusundan ako ng manyakis na 'to.

"Pagkatapos mo akong sapakin, iiwanan mo ako dito?" Sigaw niya. Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Alangan naman buhatin pa kitang gago ka? Swerte mo naman.

"Kailangan ba ng commitment kapag nasapak kita?" Tanong ko sa mahinang boses pero hindi niya yata narinig.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang marating ko ang likod ng akademya. Gusto kong maglabas ng emosyon na kinikimkim ko pero nagbago ang isip ko. Napangisi ako bigla sa naiisip ko.

Alam kong kuryusong tao si Tyrus at marami akong malalaman sa kaniya. Tama nga ako. Sinundan niya nga ako dahil pagalingon ko ay naka cross arms ito at diretsong nakatingin sa akin.

Walang babalang pinabulusukan ko siya ng isang daang dagger na nagpalaki ng mata niya. Nagawa niyang umilag sa iba pero nagtamo rin ng sugat sa iba't ibang parte ng katawan. Galit utong tumingin sa akin kaya lihim akong napangiti.

"Are you trying to kill me?" Tanong niya habang nagpupunas ng dugo na galing sa sugat niya sa pisngi. Nagalusan tuloy ang gwapo niyang mukha. Sayang, hindi napuruhan.

"Hindi. Bakit kita papatayin?" Napapangiti kong tanong. "Naglalaro lang naman tayo, bakit natatakot ka ba sa akin?" Tudyo ko sa kaniya habang sinnusummon ang air scythe.

Walang sabi-sabing sinugod ko siya at iwinasiwas ang scythe na dala-dala. Napamaang nalang si Tyrus nang makita niya akong nakangisi pa sa kaniya. Gulat man ay nabawi rin agad at sinangga ang atake ko gamit ang fire sword niya.

Nanginginig ang kalamnan ko. Gustong-gusto kong pumatay. Bago to sa akin. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit si Tyrus ang lagi kong napapagtripan kapag galit ako sa paligid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Klaetria, Institute Of MagicsWhere stories live. Discover now