Chapter 7: Newbie

30 3 0
                                    


AADYA

Nauna na akong maglakad papasok sa magiging dormitory namin. Kasabay ko lamang si Andy at medyo tahimik siya ngayon. Tss. Tahimik naman yan. Saka tamad talaga magsalita.

Ayan na naman yung walang emosyon niyang mukha. “Ara.” Sabi niya. Kaya nilingon ko naman siya at nagtatanong ang matang tumingin sa kaniya.

“May sinasabi ka?” tanong ko.

“Ara na lang ang itatawag ko sa’yo.” Aniya. Tumango naman ako at nagpatuloy.

Malaki ang bulwagan. Mahabang pasilyo at naglalakihang double doors ang sumalubong sa amin. Hindi ko akalain na ganito pala iyon ka gara. Talaga namang mayaman ang bayan ng Klaetria. Unti-unti ring nakakabawi mula sa ginawa ng Dark Wizards limang taon ang nakakaraan.

Nagtataka ng ako kung bakit masyado silang naging tahimik. Ano ba talaga ang kailangan nila? O baka dahil namatay na si ina kaya naman tumigil na sila. Marahil hindi nila alam na buhay pa pala ako.

Hindi ko pa din alam kung ano ang estado ng bayan ngayon at kung anong nangyayari sa palasyo. Ang alam ko ay bumalik roon ang mga katiwala ng aking ina para ayusin ang mga damage niyon.

Pagkatapos nilang mapaslang si Ina ay, wala na rin akong narinig tungkol sa kanila. Kataka-taka ng naman at kahina hinala. Masyado silang tahimik. Walang paramdam. Mas gusto kong isipin na pinagbabantaan na nila ako kesa sa tahimik lang silang nagmamasid. Hindi mo alam, bigla nalang may susunggab sa iyo.

Pakiramdam ko ako na naman ang dahilan kung  bakit magkakagulo. Hindi naman sa ipinagdarasal kong magkagulo. Pero pakiramdam ko ay may mangyayaring masama sa hindi inaasahang pagkakataon.

Naiinis ako kay Agatha. She's really a bitch. Hindi ko naman sinabing gustuhin niya ako ‘di ba? Kung sabagay, lahat tayo ay mayroong ‘freedom of speech’. Binulong niya lang yun sa hangin pero narinig ko pa din.

Malamang ay kaya ko ring kontrolin ang hangin at isa pa malakas ang pandinig ko. Hindi imposibleng hindi ko marinig iyon. Naghiwalay kami ni Andy nang lumiko na ako sa Right Wing ng Dormitory. Babae ang lahat ng nandito. Sa left wing naman ang mga lalaki.

I can see giant windows and also a very long curtain. The window was made of thick glass. Yung tipo ng glass na hindi agad mababasag. This is not a dream, illusion nor vision anymore. I'm in reality.

Wala ng makikitang charmers dito, marahil ay nasa klase na nila. Ang bawat kwarto ay mayroong apat na charmers. Gaya nga ng sabi ko ay double-decker bed ang higaan.

Kahit na nakasara ang mga bintana ay malamig pa din ang hanging dumadampi sa balat ko. Teka nga. Nasaan na ba ang headmaster? Akala ko ba ay dadalhin niya ako sa magiging kwarto ko?

Kung papipiliin ay gusto kong kasama si Lila kahit na bungangera iyon. Pero napansin ko kanina na hindi siya palasalita gaya ng nakita ko sa ilusyon. Oh, sadyang nagulat lamang.

Ano naman kaya ang ginagawa nila ngayon. Napansin ko yung lalaki kanina. I bet he's the Fire Element Controller. By his looks, I can see that he's dangerous. Tyrus Flewn. Interesting.

Napadpad ako sa pamilyar na pintuan. The room where I was when I'm still living inside the illusion. The doors were gigantic. Really. Walang susian gaya na lamang ng mga normal na pinto. Nabubuksan lamang ito gamit ang charm ng user.

If you use air as you charm, then ikaw lang ang makakapagbukas niyan. Amazing. Kahit na mapadpad ka sa ibang kwarto ay di mo pa din mabubuksan. If ang may ari ng kwarto ay Fire User, then tanging Fire charm lang ang makakapagbukas. Safe.

Sa gitna ng pinto at may logo ng Klaetria. Nakalagay din sa pinto ang identification if air, fire, ice, water, earth, darkness, light, and the rare one which is Andy’s ability. The Time and Space Ability. Hindi ko alam kung paano nila na a-identify ang mind readers at ang marunong ng telepathy. Baka nasa isang room lang ang mga rare ones.

Klaetria, Institute Of MagicsWhere stories live. Discover now