Chapter 9: Postponed TrainingNatapos ang klase ng maayos. Halos lahat naman ng itinuro ay may kinalaman sa kasaysayan ng Klaetria. Ang unang namuno, kung paano niya pinalago ang Bayan.
Maraming umaangal na kada taon nalang ay paulit-ulit nila itong sinasabi sa klase. I find it boring though. Minsan kase nakakawala ng gana kapag paulit-ulit nalang.
But something piqued my interest. Iyong about sa prophecy. A girl will be born known as the Goddess Durga. Hindi nila masasabi kung reincarnation ba ito. They said it was not written in the book of prophecies. I doubt it. Maybe pwede kong pag-aralan tungkol do’n.
Imposible namang walang nakasulat tungkol doon. Maybe they're hiding something kaya ganun nalang ang sinasabi nila. Ano ba ang meron sa prophecy na iyon. ‘Wag nilang sabihin sa’kin na may schedule din kung anong ikaklase kada araw. Damn. They're impossible.
Nagmadali akong lumabas sa silid-aralan. Naalala ko kase na may ensayo kami ni Andy ngayon. I know may oras na nakalaan para sa training namin. Pero mas gusto ko kase yung may nakakasama ako at walang makakita sa’kin, I'm more comfortable kung kaming dalawa lang ni Andy.
Bukod pa do’n ayaw kong nakakaagaw ng atensiyon. Saka para mas matuunan ko ng pansin ang pag master ng aking kakayahan. It's hard to controll the five elements at the same time. I don't why but my stamina seems unlimited.
Nilingon ko muna yung tatlong fruitcakes sa likuran ko. Hindi pa rin nila makalimutan kung paano sila nahuli ng aming guro. Si Ms. Melisende. She's very different from other staff in the academy.
(Fruitcakes: a strange, foolish or crazy person.)
She's pretty. Yes. She has a fair complexion. They said they caught Sir Bryan staring at her. Hindi naman kase maipagkakailang maganda talaga ang guro na iyon. I am attracted to her though. I grinned. Damn, para siyang anak ng isang diyosa.
She's a mind reader. She can read minds and one of her victim is Lila. Napagalitan pa tuloy si Lila dahil sa pagpapahirap niya kay Agatha sa kaniyang isip. I forced myself not to laugh. What the hell. Ano ba kase ang nangyare at ganoon ang inisip nun.
Hindi pa rin natitigil sa pagkuda ang tatlong fruitcakes. Nagrereklamo kung bakit sa dinami dami ay siya pa talaga ang nakita nung guro. Inis na nilingon ko sila. Nakabusangot ang mukha ni Lila habang ang kambal naman ay parang natatae.
“Naku! Naku! Kung hindi lang natin guro iyon ay aba, baka naman pinalutang ko na iyon!” asik ni Lila na para bang hindi makapaniwala. “Oh my god! Out of all peole ako pa talaga ang nakita niya? Why is that?!” dagdag niya.
Nailing nalang ako sa kadaldalan niya. Nasanay na rin ako. Siya nga talaga yung Lila na nakita ko sa Ilusyon or maybe a damn vision.
“Eh, ikaw kase Lila e, yung mga iniisip mo kase binibigkas mo na kanina nahuli ka tuloy” nagkakamot ulo na sabi ni Briana.
Inis naman na sumagot si Lila. “Psh. Ako pa ngayon ang may kasalanan?! Lagot talaga sa akin yung babaeng yun. Hindi niya ako madadala diyan sa “I'll drown you to death” niyang linyahan. Mabulunan sana ang gaga.” Agad naman kami nitong nilampasan at ginulo ang buhok.
Natawa naman ako sa inasta niya. Akala ko hindi marunong mainis ang babaeng yun, siya kase ang magaling sa pang-iinis. Napailing nalang ako mga drama niya.
Bumaling naman ako sa kambal na parehong bagsak ang mga balikat. Nanlulumong tumingin ang mga Ito sa akin. Para namang may magagawa ako sa kaartehan ng babaeng yun. Tsk.
“Mauuna na ako. May gagawin pa kami ni Andy.” Untag ko. “Kita nalang tayo ulit mamaya.” Sabi ko saka umalis.
Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Siguradong mangungulit naman ang mga ito kung pwedeng sumama. Syempre ayaw ko. Na miss ko ata bigla ang asungot na iyon. Ang hirap kase minsan intindihin ng ugali. Minsan tatawa ta’s maya-maya ay nakasimangot na. We're siblings, indeed.
![](https://img.wattpad.com/cover/214442163-288-k138275.jpg)
YOU ARE READING
Klaetria, Institute Of Magics
FantasíaSiya si Aadya Foster, pinanganak bilang isang prinsesa ng Klaetria, ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari kailangan niyang mamuhay mag-isa. Namatay ang kaniyang ina at nawawala ang kaniyang ama, mababawi niya kaya ang dapat na sa kaniya? O siy...