SIMULA

146 3 0
                                        



MARIRINIG ang kaluskos at mahinang yapak ng mga paa na nagmumula sa labas ng kanyang silid.

Bumalikwas siya mula sa pagkakahiga. Kanina pa humahilab ang kanyang sikmura at sumasakit ang puson. Alam niyang hindi na iyon normal. Bukas na bukas din ay bibisita siya sa OB-gyne.

Inangat niya ang unan at kinuha ang maliit na swiss knife na nakatago. Mali yata ang desisyon niyang doon na matulog ngayong gabi. Wala roon si Manang Daisy at ang ibang katiwala ng mga Lagdameo.

Ilang buwan nang ganoon. Sa gabi, tuwing matutulog na ay nakakarinig siya ng mga mumunting kaluskos.

Ang malamlam na ilaw na nanggagaling sa marangyang garden ang siyang naging tanglaw para maaninag niya ang malaking bulto ng anino sa tapat ng pinto.

Kinakabahang napalunok siya at lumapit sa paanan ng kama. Maingat na hinawakan ang puson. Nanlaki ang mga mata nang marinig ang pagpihit ng door knob.

Nag-aabang siya sa likod ng pinto nang iniluwa ang imahe ni Paulino Lagdameo. Nakangisi ang naninilaw na ngipin nito sa dilim.

"Iha..." Marahang tawa na animo'y parang hindi na iba dito ang pagpasok sa kwarto niya ng ganoong oras ng madaling araw.

Uminit ang kanyang katawan at nanginginig ang mga kamay na itinaas ang swiss knife, ka-lebel ng mukha ng matanda.

"Huwag na huwag kang lalapit!" Banta niya. Hindi siya aatras at baka lalong makapasok na ito.

"Gusto ko lang ng may makausap kaya ibaba mo na iyan, Iha. Mag-usap muna tayo," ngisi nito. Mahina at kalkuladong ang paglapit sa kanya.

Nasa maid's quarter ang silid na pinili niya dahil malapit lang iyon patungong main gate kung sakaling may mangyari ay mabilis siyang makakatakbo.

She is buying time. Alam niyang hahantong sa ganoon. Ang hindi lang niya inaasahan ay sa ganitong sitwasyon siya nito pagtatangkaang muli.

"Iha, Empress. Mag-usap tayo. Alam mo namang matagal na kitang gustong masolo, Iha anak. Wala tayong gagawin, hindi tulad ng marumi mong iniisip."

"Subukan mo lang! Gigilitin ko ang leeg mong manyak ka! Ngayon pa talagang wala si Tita!"

Napalis ang ngisi nito nang mapagmasdan ang kanyang suot. Lumuwa ang mga matang pinagnasaan ang paglantad ng mapuputi at makinis na balikat sa suot na pantulog. Nakalugay ang lampas balikat na alon-along buhok at nakalaylay na ang kaliwang strap ng kanyang damit.

Dahan-dahang lumapit ito at marahang napangisi, sinusubukang hawakan ang kanyang kaliwang balikat.

Napaatras siya at mas diniin ang kutsilyo dito.

Nag-isip siya ng maaring gawin. Sakto namang tumunog ang kanyang cellphone. Sa dis-oras ng gabi ay may tumatawag pa sa kanya.

Hudyat na iyon para magka-ideya siya ngunit huli na, nahawakan na ng matanda ang kaliwang braso niya.

"Sige! Tumawag ka ng pulis at makikita mo, mapapatay kita, Empress!"

"AH!" Napaluhod siya sa sakit. Pawisan at mariin niyang tinakpan ang tiyan.

Ang malaki at malakas nitong kamao ay naibaon na sa sikmura niya.

Hindi pwede!

Hindi!

Ang, ang, ang baby!

Mabilis ang pangyayari. Halos pananawan na ng ulirat at nagdilim ang paningin  na naibaon rin niya ang kutsilyo sa dibdib ng matanda.

CHARMING EMPRESS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon