KABANATA 6

43 2 0
                                    






BIGONG napapikit si Empress at nanginginig ang mga kamay na lumabas ng kusina.

Tinatawag siya ni Manang Daisy ngunit sa sobrang inis ay pumasok ng silid at kumuha ng isang malaking Tshirt niya sa isa pang cabinet.

Ganito siya. Kapag galit ay hindi na na-kokontrol ang sarili.

Ngunit itong nadarama niyang galit ay kakaiba.

Bakit simula nang makilala niya si Fabio ay mabilis lang siyang mainis kahit sa kaunting pambobola?

Lumaki siyang may mga nagkakagusto at hindi na iba sa kanya ang ganoon pero ngayon ay sobrang galit na galit siya.

Dahil nga ito ang naging dahilan ng pag-alis ni Harry. Nagseselos ba si Harry?

At ito pa, ang mas nakakatakot ay hindi man lang niya naiisip si Harry, at ang mabilis na pag-alis nito kanina.

Kahit pilit man niyang iwaksi ay ang mukha ni Fabio at ang nakabungisngis at pilyong mga ngiti nito ang laman ng isip niya!

"Manang, Si Fabio?" Tanong niya nang makabalik ng Kusina.

May kung anong nakikita siya sa mga mata ng matanda. Pinagaan niya ang naiinip na mukha.

"Umuwi na, Iha." Sabi nito habang nagliligpit ng pinagkainan, patingin-tingin sa kanya at inoobserbahan siya.

Napatingin na lang din siya sa damit na kinuha sa cabinet.

"Iha, huwag mong mamasamain sana ang pagtatanong ko. Nanliligaw si Fabio sayo?"

Mataman niyang tinitigan ang matanda, mahinahon at nakangiti si Manang Daisy nang usisain siya pero nakikiramdam ito, alam niya.

Umiling siya. "Hindi naman po."

Tumango lang at hindi na siya pinilit pa. Nagsimula itong kumuha ng basahan at punasan ang kitchen counter.

"Mabait ang batang iyon, Iha. Minsan ay pilyo pero matulongin naman, kahit na napakayaman ay mapagkumbaba si Fabio."

Hindi niya alam pero interesado siyang makinig, inilapag ang Tshirt na dapat sana ay ibibigay sa kumag na iyon at nagsimulang tumulong kay manang sa pagpupunas ng mesa.

Matunog naman talaga ang pangalan ni Fabio, sa unang dinig pa lang ay alam nang may kaya.

"Papaanong napakayaman, Manang? Ka-ano ano ba niya iyong sikat na may-ari ng mga negosyo?"

"Ano ka ba Empress! Sila ang may-ari ng isa sa pinakamalaking port terminal sa Asya."

Napataas ang kilay niya at umirap.

Akala niya kasi ay normal na yaman lang, siguro ay kamag-anak lang nito ang ka-apelido at nababahagi-an lang ng yaman pero hindi niya alam na ganito pala ka-yaman.

"Sige manang, magkwento ka pa," patuloy niya sa pagpupunas.

"Tapos, sa kanila pa iyong maraming kompanyang sikat at maraming branch. May bangko, may telephone network, hotel at kung ano ano pa. Siya ang napansin kong pinakasimple at hindi matapobre kahit napakayaman ng pamilya."

Base na rin sa ugali at pakikitungo ni Fabio, parang sa unang tingin ay chill lang.

Oo at mukhang mayaman ito sa balat pa lang na makinis kahit na morena, at minsan ay napapansin niyang namumula ang pisngi sa tuwing nakainum, pero sa description ni Manang Daisy na napakayaman ay hindi mo aakalaing magbubuhat ng mga mwebles, kama at kung ano ano pang pinabuhat niya noong nakaraan!

Ngumuso siya. 'Buti nga!'

Nang matapos siya sa pagpatuyo ng pinagkainan nila ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa.

CHARMING EMPRESS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon