"SI EDUARDO ang gusto kong makausap, hindi ikaw. Siya naman iyong chairman ng HI-E. Ano ba ang tinapos mo?" Sabi ni Paulino.
Ewan ba ngunit may nahihimigan siyang pagmamaliit sa boses ng matanda habang kinakausap si Fabio sa terasa.
Sa susunod na ulit sila magtutuos ni Fabio at hindi niya nagustohan ang sinabi nitong girlfriend na siya.
Fabio is kidding, right? Hindi pwedeng seryosohin ang mga sinasabi at pawang palipad hangin lang ang lahat.
Nasa tabi siya ni Rhoda, pinigilan siya nitong makaalis. Hindi pa naman siya naiinip at may nakahanda rin na meryenda.
Inisang lagok niya ang juice at sinulyapan ang blangko at seryosong mukha ni Fabio.
Inisang lagok din nito ang baso ng whiskey na pinunan ni Paulino.
Eyes transfixed on her.
"Port Engineering po."
Napangisi si Paulino. "So you won't take over the business someday? Since you will work on the technical side?"
Madilim ekspresyon lang na tumango si Fabio.
"Posible po na sa port handling terminal ako, sa operations. Mas interesado ako sa technical."
"Ah! Okay! Baka may maitutulong ka naman sa akin. Kasi ganito, Iho, may shipping company ako. Hindi gaanong malaki lalo na ngayon na abala ako sa senado, hindi ko na napapalago. Kapah may kailangan ako, sa iyo ako lalapit ha! Alam mo naman pahirapan ang pila sa customs. May magagawa ka ba na mapabilis at malagay ako sa VIP? Ha? Total sa inyo naman ang leasing at kayo ang pinagkakatiwalaan ng gobyerno sa mga cargo shipment sa customs ano?" Ngisi ni Paulino.
Umasim ang sikmura niya sa dating ng pagkakasabi ng matanda."Hindi man sa humihingi ako ng pabor pero nakagawa na ako ng bill. Layon na mapadali ang proseso papasok sa customs at walang backlog sa aming mga shipping companies, Iho."
Napatango si Fabio at inisang lagok na naman ang pinunan ulit ni Paulino. "Titingnan ko po kung may magagawa ako."
"Sige! Aasahan ko iyan! Hihi!" Tawa pa nito. "Maiba ako, napakabilis mo naman at nakuha mo ang loob ng aming si Empress?"
Hindi niya alam pero hindi niya kailanman nagustohan ang pagkakasambit nito ng kanyang pangalan.
"Itong si Empress ay nakapangalan sa akin ang apelido nitong batang 'to hindi dahil sa gusto ko siyang protektahan ng apelido ko, kung hindi ay parang anak ko na rin. Sila ni Julia, kahit hindi nagmula sa akin, ay tinuturing kong anak ko na."
"Tigilan mo na nga ang drama mo, hon, at nangingiwi na itong si Empress sa ka-cornyhan mo!" Tawa ni Rhoda at siniko siya. "Pero oo nga naman, masaya kami dahil girlfriend mo na itong si Empress, Iho!"
Gusto niyang tirisin si Fabio ng pinong-pino!
Bakit kasi sinabi nitong sila raw?
That's fake news!
Hindi alam ni Empress kung ano ang mararamdaman. She felt overwhelmed by it that there were many imaginary fireflies around her head.
BINABASA MO ANG
CHARMING EMPRESS (COMPLETED)
RomansAmbitious, beautiful with a straightforward no nonsense personality, the young Hizon heir was immediately charmed by Empress Lagdameo. But the latter was born poor. Lahat gagawin ni Empress para maiahon ang sarili sa kahirapan at kasama na doon ang...