Nanlaki ang mata ni Empress sa nakitang umbok sa zipper ng cargo pants ni Fabio. Umahon siya para ayusin ang sarili ngunit kyuryoso pa rin.
Itinuon na lang niya ang pansin sa hindi pa nagugusot na blouse. Sa totoo lang, gusto niyang magtagal sa kandungan ni Fabio ngunit tumaas na ang palda niya at kung hindi mag-ayos ay lalabas na ang panloob.
Bumaba ulit ang tingin niya sa pantalon nito. Hindi makapaniwala.
"Don't look. It will only grow, Empress." Pikit ngunit nakangiting saad ni Fabio.
"Ouch!"
Malutong na sampal niya sa braso nito.
Pigil na tumawa si Fabio, hindi pa natanggal ang pungay sa mga mata at nahihirapang lumunok, pawisan ang noo nito at hindi humihiwalay ang mga mata sa mga labi niya kahit na dumistansya siya.
His veined warm hands is still caressing her waist.
Pinagmasdan niya ang posisyon nito.
Tamad na nakalatag ang mahahabang binti sa sofa at ang puting tshirt ay gusot sa bandang dibdib. Naalala tuloy niya papanong halos mapunit na ang tshirt ni Fabio sa gigil niya kanina.
'Ang harot mo tagalang gaga ka!' Saad niya sa sarili pagkatapos ay bumagsak ulit ang mata sa umbok ni Fabio.
Pero hindi nga, malaki talaga e. Nahihiwagaan siya...bakit lumalaki ng gano'n?
"May trabaho ka pa 'di ba?" Umatras siya at pinadaan ng daliri ang magulong buhok.
Fabio's eyes stalked her, he nodded his head. "Mga pipirmahan lang. Later."
May sasabihin sana si Empress ngunit tumunog ang cellphone niya. Nagsimulang gumalaw si Fabio nang sagutin niya ang tawag.
Si Manang Daisy iyon.
"Iha, saan ka ngayon?"
Ipinagsalikop ni Fabio ang mga palad na naupo sa tabi niya pagkatapos ay pinahinga ang ulo sa kaliwang balikat niya.
She was smitten at Fabio's presence. Hindi pa siya nakabawi pero nang maamoy ulit ang pabangong gamit nito ay nag-iinit na naman siya!
"D-dito pa po sa Calapan, Manang."
"Mag-ingat ka dyan, Empress. Teka at kakausapin ka ni Julia."
Narinig niya si Julia sa kabilang linya. May iba pang boses na nag-uusap sa background.
Napakurap siya nang mapansin si Fabio na na isinuksok pa ang malaking katawan sa kanya. Sa laki ba naman ng katawan ay nagmukhang kuting siya sa tabi nito.
"Empress, listen." Panimula ni Julia sa matinis na boses. "Kay Fabio ka ngayon?"
Hindi niya gusto ang dating ng boses nito. Simula kasi nang pagkatuwaan ng mga ito ang cellphone niyang luma ay may kaunting tampo siya dito.
"Oo. Bakit?"
Narinig niyang ni-loud speaker ni Julia iyon dahil may mga babaeng nagsalita na sa background. Na-eexcite pa ang boses ni Julia.
Fabio's heavy head is still resting on her shoulders. Sobrang sarap na sarap na humilig doon.
"Nandito sina Lorena at Lily. Gusto nilang gumala diyan. I can't go, hindi ako papayagan ni Mommy lalo na ngayon, delikado."
Gusto niyang pagalitan ang sarili. Kung si Julia nga na hindi pinapayagang makalabas tapos narito siya, nakalantad sa peligro ng dahil sa utos ng Tita niya.
Hindi niya maiwasang mag-isip kung alam na kaya ni Fabio ang nangyayari sa mga Lagdameo?
Kahit bagito at huli sa listahan ng mga senador ay alam niyang kalat na ang pagkakulong ni Paulino at nasa hospital ngayon dahil sa mild stroke.
![](https://img.wattpad.com/cover/192752467-288-k775872.jpg)
BINABASA MO ANG
CHARMING EMPRESS (COMPLETED)
Roman d'amourAmbitious, beautiful with a straightforward no nonsense personality, the young Hizon heir was immediately charmed by Empress Lagdameo. But the latter was born poor. Lahat gagawin ni Empress para maiahon ang sarili sa kahirapan at kasama na doon ang...