KABANATA 8

31 1 0
                                    





DAHIL sa matinding kahihiyan ay napamura siyang mabilis na tumakbo papasok sa silid niya.

Tumatakbo siyang hawak-hawak ang nakababang strap ng kanyang bikini!

Mabuti na lang at hindi pa siya nakakaligo, kung hindi ay mababasa ang carpeted na sahig niya.

'Nakakahiya ka talaga, Empress!' Halos pumula na ang balat niya sa diin ng pagkuskos gamit ang loofah.

She squeezed an ample amount of body wash and continued scrubbing.

Siya man ay gulat sa sarili kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya pagkakita kay Fabio.

Normal pa ba siya o nilalagnat?

Binilisan niya ang paligo at nagbihis na ng normal na damit. Malaking T-shirt at shorts na maong ang suot na lumabas siya ulit.

Gutom at kahit napahiya ay wala siyang pakialam.

Nang makalabas ay natigilan siya nang magkasabay pa sila ni Fabio na palabas ng pinto. Siya na galing sa silid at ito na galing sa malaking pinto ng mansyon.

Kapwa sila bagong paligo.

Nagulat siya dahil kakaligo lang nito kaninang pagdating, ngayon ay pinapatuyo nito ang buhok gamit ang tuwalya.

Imbes na dumiretso si Fabio sa karaniwang dinaraanan patungong poolside, umikot ito at dumaan sa mga sampayan sa likod ng maid's quarter.

Nagtataka siya ngunit pilit na lamang inignora.

Dumiretso na siya sa grupo na nagsisimula nang kumain. Ang unang napansin niya ay kung paanong magkasabay na naman si Fabio at iyong Lily na humabol pa yata para sa dinner.

Inisa-isa niya ulit ang mga naroon.

Wala bang pool ang mga ito sa mga bahay at naroon lagi?

O baka magandang host lang ang mga Lagdameo? Noon pa man ay mahilig nang makipag-sosyalan ang mag-ina. Her Tita Rhoda and Julia have the same talent. They are both good host to parties.

"Empress, may hipon pa bang natira?" Tanong ni Lorena, katulad niya at ng boyfriend nitong si Inigo ay huli na nang dumating sa hapag. "We're running out of hipon."

Dahil siya naman ang nag-ihaw noon ay siya ang nagpresentang kumuha sa grilling station.

"Sige, kukuha ako."

Kumuha siya ng malaking plato at naglakad na papuntang grilling station nang makitang naroon iyong Lily at si Fabio.

"Fabio, gusto ko ng lobster." Malambing na daing noong Lily.

Patay malisyang dumiretso siya sa isang bandehadong mga inihaw na hipon at kinuha lahat.

Doon niya nasulyapan ang ginawa ni Fabio, pinaghihimay nito ang balat ng lobster, sinusunod naman ng Lily na isubo ang hinimay.

"Ay, wala nang shrimp?" Ingos ng Lily nang mapansing inubos niya lahat ang naroon.

Ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa malaking bandehado ng hipon at ang isa naman ay ang malaking platong walang laman na binitbit niya doon.

"Ahh!" Gulat na sigaw ng Lily sa pagkabasag ng plato. "What the fuck?"

Dumilim ang mga mata, at sumabay pa ang sobrang nagbabagang emosyon niya ay ibinagsak niya ang platong walang laman sa kongkretong semento sa tabi ng griller.

Kitang kita niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Fabio sa ginawa niya. Natigilan ito at iniawang ang labi, kumukunot ang noo.

"Ay! May nabasag!" Gulat ring sigaw ni Lorena.

CHARMING EMPRESS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon