KABANATA 22

81 2 0
                                    


ITINUPI ni Empress ang newspaper ng Inquirer, initsa sa kitchen counter at naupo doon.

Ma-bobored yata siya sa bahay na'to.

May kinuhang Pinay nanny at housekeeper si Fabio sa six-bedroom residence nito sa Long Island matapos siyang ma-discharge sa hospital.

Hindi naman talaga kailangan ng Nanny, tinuturuan naman siya ng kanyang Tita Rhoda, tumatawag ito at doon minamando sa kanya ang mga dapat gawin sa pag-alaga kay Jace.

Malaki itong bahay ni Fabio at sa narinig niya, na-acquire iyon noong nag-aaral pa ito sa malapit na university.

The house is just meters away from the coast of LA. Beach front kaya maganda ang tanawin. Naisip tuloy niya kung ilang babae na ba ang nadadala nito doon noong nag-aaral pa? Probably, a lot.

Napaismid siya sa mga naiisip. Kaya nasisira ang buhay niya sa mga selos-selos na 'yan.

She is so stupid to let her feelings get in the way before. Ganito ang nagagawa ng sobrang pagmamahal e. Minsan, mawawalan na ng halaga lahat.

Hindi niya alam kung may pagkakataon pang makapag-aral siya. Siguro kung sa Pilipinas ay napakadali lang pero dito sa banyagang bansa, na wala siyang ni isang kakilala maliban sa mga kasama sa bahay at ang mga Lagdameo ay imposible iyon.

Today, Fabio dropped her and Jace in his house, slept in an adjacent room, and left for the next day flight.

Mabuti nga 'yon...na umalis na.

Tama nang kamukha ni Jace ang tatay nito, dalawang Fabio ang kailangan niyang tingnan araw-araw. Sobra na 'yon.

Bago umalis ay kinuha nito sa Nanny si Jace na natutulog ng mahimbing. Matagal-tagal din nitong hinele sa living room. Siya naman ay lumipat na sa malayong couch at nanonood ng teleserye, sinasawsaw ang saging sa cup ng yoghurt.

Pinadaan niya lang ang tingin kay Fabio. Nahuli pa siya nito kaya't nagkunwari siyang chini-check si Jace sa paraan ng pagkarga nito.

Fatherhood becomes him, huh.

Umirap siya. Kala mo naman bagay mag-aruga ng bata. Magaling sa kama pero sa bata, ewan.

"Trying hard," bulong niya. She then rolled her eyes.

Empress can't walk normally, she is still recuperating. Kumpara sa mga nakaraang araw ay maayos na ang pakiramdam niya ngayon.

She never notice the changes in her body not until lately. Nitong nakaraan lang. It feels strange to hold a small living being. Hindi niya akalaing nanay na siya.

Hindi niya matanggap sa umpisa pero ngayon, dahan-dahan, parang okay na sa kanya ang isiping may anak na talaga siya.

Maraming nagbago sa katawan niya pagkatapos. May mga stretchmarks na hindi nawawala at dumagdag ng kaunti ang timbang niya.

"Akin na.." kuha niya kay Jace sa pagkakarga nito.

Napansin niyang may humimpil sa labas na airport taxi.

They were always awkward with each other. Kapag nasa malapit lang si Fabio ay hindi siya kumportable. He reminded her of those past heartbreaks she wished she never had.

"Give me a second," pigil nito sa kanya at nag-aambang hahalikan si Jace.

"Magigising mo siya at baka magka-allergy! Bawal pa 'yan halikan!" Alam niyang kakatapos lang mag-ahit nito pero hindi pa pwede.

Ang halik ay naging lunok na lang. Fabio's adam's apple moved as he handed Jace carefully to her, without any choice.

Habang nakaalalay siya sa pagtanggap sa anak ay dumaan ang titig ni Fabio sa mukha niya, bumaba sa pisngi niya at pagkatapos ay napalunok ulit ito.

CHARMING EMPRESS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon