KABANATA 9

32 1 0
                                    





MAHINA siya. Nadiskubre niyang napakahina niya.

Pupwede namang pagsarhan ng pinto si Fabio at hindi na kakausapin kung galit lamang ang nararamdaman niya ngunit, itong panghihina ng katawan at panginginig ng mga labi, isang palantandaan ng kahinaan.

She easily gave in. All the walls she has managed to put up for the past weeks, all went down and collapsed.

Hindi pa natauhan, gising na gising pa siya kahit mag-uumaga na.

Ang bilis lang ng pangyayari, at mabilis rin nakaalis sa Fabio ng silid niya. How he came and went in is a puzzle to her.

Kung normal na sirkumstansya iyon ay mabilis siyang iiwas pero..napakagat labing napabalikwas siya at naupo sa paanan ng kama.

Hindi malaman ang gagawin.

She is not Empress for nothing. Ang sabi ng yumaong papa niya ay ipinangalan siya sa isang Japanese ruler.

Empress means ruler of an empire.

Kumunot ang kanyang ilong at punong-puno ng sarkasmong napangiwi.

"Empress boba, malandi." May asim na sambit niya at bumalik na sa kama at sisikaping matulog.

"Empress, nagbayad na si Abet at pati na iyong si Manong Isko at iyong isa pang magsasaka sa gulod. Ano ang gagawin ko dito?"

Sumaya siya nang matawagan si Trinity.

Na-mimiss niya ang baklang boses nito minsan kaya't pakiramdam niya ay gumanda ang umaga niya kahit naman boring araw-araw kung may makakausap siyang katulad ni Trinity ay ayos na.

"Ate Tining, maraming salamat. Magkano lahat?"

Kung tama nga ang inaasahan niyang bayad sa renta ay pupwede nang pambili ng kahit mumurahing Android lang.

Nakakahiya na sa pasukan ay ganoon pa rin ang gamit niyang cellphone.

"Kuatro mil."

Mas lalong sumigla siya. Dalawang buwan na kasing naantala ang bayarin ng dalawa pang
buwan.

Summer na at medyo bumuti na ang panahon sa Cabanglasan.

"Salamat Ate. Pwede bang ipadala mo na lang dito? Sa malapit na padalhan diyan. Ikaltas mo na lang ang service charge."

Humalakhak si Trinity sa kabilang linya.

"Hoy huwag kang umarte diyan at kukurutin kita kung nandito ka lang. OA neto! Ako na sa charge at hindi naman ikakalugi iyan ng parlor ko!"

Natawa siya at naiiyak na rin. Ano ba naman. Sobrang namimiss na niya ang Cabanglasan.

"Hoy! Ano? Bakit nanahimik ka na diyan, Empress?"

"Wala, Ate. Salamat talaga. Kapag nakabawi ako—"

"Naku, huwag kang mangako at hindi ako nakakalimot sa mga pangakong iyan. Naniningil din ako ng mga pangakong napapako!"

Napangisi siya. "Ate naman!"

"Siya sige at ipapadala ko na ngayon. Basta kapag pasukan na ay tumawag ka ha! Makikichismis ako sa mga gwapo mong kaklase! Teka, saan ka papag-aralin ni bruha?"

She giggled. Kahit naman may ugali ang Tita Rhoda niya ay malasakit naman siya dito.

"Ate naman, may pangalan si Tita."

Napahalakhak pang lalo ang sa kabilang linya.

"Sus! Sinasabi ko sayo, ha! Huwag kang masyadong mabait diyan at aabusohin ka! Anyways, siya, ano na? saan ka mag-kokolehiyo? Sana sa La Salle o di kaya sa marami ang gwapo –"

CHARMING EMPRESS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon