KABANATA 12

45 2 0
                                    

ISASARA na sana ni Empress ang pinto nang mabungarang nasa tarangkahan ng side door ng mansyon si Lilibeth, nakatayo at nasisiguro niyang nasaksihan at narinig ang pag-uusap nila ni Fabio.

Nilukot niya ang noo at pinahalatang alam na nakikiusyoso lang ito at mabilis na pinagsarhan ng pinto.

"Empress, ano itong narinig ko na tinaboy mo raw si Fabio kanina?" Sinasabi na nga ba!

Hindi niya inasahang pasokin siya ng Tita Rhoda niya sa silid matapos ang hapunan.

Mabilis siyang nagkulong gawa nga ng nangyari ng araw na iyon. She is not okay. Tinaboy na nga niya si Harry, nag-guilty siya sa ginawang pagtaboy kay Fabio.

Fabio obviously changed his clothes, he took the effort to swim for her old phone and look what she did.

Naayos niya ang paglagay ng sim sa bagong cellphone at sunod-sunod ang tawag ni Harry doon sa pagitan ng hapunan.

Ngayong naghihintay ng maisasagot si Rhoda, kailangan pa ba niyang magpaliwanag kung bakit?

She will stick to her plan no matter what.

Gusto niyang mag-aral ng walang naiisip na ibang bagay habang nasa poder ni Rhoda. Simula't sapul ay pangarap niyang makapagtapos agad at wala dapat masasayang na panahon at oportunidad!

Kahit si Harry man ay distraction lang sa kanyang pag-aaral. Fabio is no exception. Bakit ibubukod niya si Fabio?

"Mabilis kasi akong ma-distract, Tita. Gusto ko pong magseryoso sa pag-aaral."

Pinigil ni Rhoda ang braso ni Lilibeth, wala nang balak na pumasok pa sa silid.

"Hindi ba ay sinabi ko sayong kaibiganin mo lang siya? Lantaran ang pagkadisgusto mo sa kanya noong nakaraan at gentleman pa rin siya, maayos at magalang kaming kinausap kahit nabasted ng harapan sa amin ng Tito mo." Medyo kritikal na bulalas nito.

Nakahawak ang pawisang kamay niya sa door knob. Napabuntong-hiningang kinalma niya ang sarili.

"Pasensya na, Tita pero buo ang loob kong magfocus muna po sa pag-aaral."

"Ano bang mawawala sayo, Empress? Just make friends with him, atleast!" Bahagyang tumaas ang boses ng Tita niya at hindi man lang siya natinag.

"Sorry po."

Ang mawawala sa kanya? Ang katinuan niya. She knew she will never be her usual self when Fabio is around.

She can't control herself, that's what she is scared of.

Pinagmasdan niya ang mukha ni Rhoda may mga age lines na nakapalibot sa nanlalalim na mga mata.

She noticed how Rhoda aged fast for the past weeks.

Umiling si Rhoda, hinila si Lilibeth at sinara ng huli ang pinto niya.

Namomorblemang naupo siya sa kama.

Oo, alam niyang noon pa man ay gusto na ng Tita niyang makipaglapit siya kay Fabio, bagay na hindi niya nagawa dahil natural namang nakipaglapit si Fabio sa kanya.

Ang hindi niya makuha ngayon ay kung paanong mukhang nabigo niya si Rhoda. Sobrang disappointed ito sa ginawa niyang pagtaboy kay Fabio.

Wala na siyang magagawa. Pati siya man ay guilty pero iyon ang sa tingin niya ay nararapat lamang sa estado niyang kinailangang lumuwas ng probinsya at makibagay sa mansyon at kay Rhoda para lang sa ambisyong makapagtapos ng pag-aaral.

Even it will cost her her own happiness, she will sacrifice it to fulfil her dreams.

Mabilis ang mga linggong dumaan.

Ang rest house ng mga Lagdameo ay nasa Lian, Batangas. Halos tatlong oras din ang byahe bago makarating.

Hindi siya halos makapagsalita sa napakalaking three-storey vacation house sa harap niya.

Empress tilted her head to see the inviting blue waters as the landscape view of the grand house.

Tumulong sa kanila maipasok ang mga bagahe ang limang mga taohan ni Paulino. Wala raw doon ang matanda at dinig niyang punong-abala sa Manila.

Siya mismo ang nagdala ng sariling bagahe dahil maliit lang naman. May uniform naman daw ang school kaya ayos na ang dala niya.

Moderno ang vacation house at gawa sa kongretong semento at marmol.

Namangha talaga siya. This design would cost a fortune!

Alam niyang isa lang iyon sa maraming mga properties ni Paulino.

Sa sobrang saya niya nang makita ang bagong matutuloyan, Empress excitedly ran to see the view of the pristine waters kahit nakapaa lang at hindi alintana ang mga basag na shells sa buhangin.

"Empress, mananghalin muna bago ka magtampisaw diyan!" Sigaw ni Manang Daisy sa kanya nang hindi pa siya gumalaw sa kinatatayoan.

Naroon siya sa lilim ng punong niyog at naka-indian sit. Hindi naman siguro siya mababagsakan ng niyog doon?

"Opo Manang! Paakyat na po!"

May kung anong lungkot ang mababanaag sa kanyang mga mata.

Medyo balisa siya lagi nang nakaraang mga linggo kahit natapos na ang enrolment.

Business management ang kinuha niyang kurso at may nakilala nang magiging kaklase.

Si Maxine na extra friendly sa kanya sa una pa lang, at si Michael na nagpresenta ng upuan nito sa hanay ng linya para sa pagpili ng mga schedule ng subjects.

Ang sabi ng Tita Rhoda niya ay hatid sundo siya sa University ng Driver. She won't mind commuting. Mas maganda nga ang magcommute at makakapaggala siya sa bayan minsan.

"Julia and I shopped for you, Iha. I hope it fits you well. Those are all designer dresses you will surely love! Nasabihan ko na si Daisy na maingat na ilagay sa closet mo." Imporma sa kanya ni Rhoda.

"Salamat, Tita. Titingnan ko mamaya."

Nakaupo siya sa hapag at nagsimula nang kumain.

"So, how's school?" Rhoda's inquisitive eyes flew at her.

Tinatapos na nito ang pagkain ng salad at tinutulongan ni Lilibeth.

"Okay naman po. May mga homework na."

"Nakapag-adjust ka naman ba?"

Tumango siya at nagmamadaling tinapos ang pagkain.

"Oh well, no need to ask. Im aware that you are very smart, Iha." Seryosong komento ng Tita niya, napapansing nagmamadali siya.

Kimi siyang ngumiti at tumayo na.

"Oh? You're done?"

"Opo. Doon lang ako sa dalampasigan."

"Aba't gabi na, Iha?"

Ngumiti lang siya. "Okay lang po, hindi naman po ako magtatagal."

"Sige, balik ka kaagad. Lilibeth, iakyat mo na ako!" Utos nito.

Kinuha niya ang notebook sa taas ng grand piano at ang maliit na lampara na pinabili niya sa driver na si Manong Ismael noong nakaraan.

Mahigit sampung minuto pa lang siyang naupo sa lilim ng niyog ay nilalamig na siya.

Off-shoulder pa naman ang suot niya at maiksing beach short. Umaalon-alon ang kanyang buhok na isinasayaw ng hanging dagat.

Empress moistened her lower lip with her tongue and changed her sitting position.

Kahit pa mainit ang usok ng lampara ay hindi niyon mapapawi ang panlalamig niya. Dumapo ang tanaw niya sa nagkikislapang mga ilaw sa malayo.

Those were the lights of the fishermen for sure! Inaantok na pinagmasdan niya ang nagkikislapang mga ilaw na tila christmas lights.

The coastal area of Lian Batangas is a breath of fresh air.

Palagi siyang nasa baybayin lang at doon ginagawa ang mga homework niya at minsan, malayo ang isip na pinagmamasdan ang kalmadong dagat.

It soothe her. The beach and its smell.

Tama nga ang kanyang Tita Rhoda. Nakakapagpagaling ang dagat.

Naging kalmado siya sa nagdaang mga araw.

Dumapo ang tingin niya sa notebook.

Inumpisahan niyang magsulat gamit ang sign pen nang may mga magaspang na kamay na hinimas ang kanyang balikat.

Halos tumalon siya sa gulat!

Nanigas siya sa pagkakaupo at kinilabutan!

Halos magsipagtayuan ang balahibo niya sa sobrang panginginig hindi na sa lamig kundi sa gaspang ng kamay.

"Iha, Empress..."

Mahina lang ang boses pero medyo humihingal na pukaw sa kanya ni Paulino.

Nasa likoran niya ito at nakangiti!

Napapihit siya at dinama ang dibdib.

"Oh God! Ikaw pala iyan, Tito!"

Ewan ba niya at tunog nagrereklamo ang boses kaysa sa pagbati.

"Pasensya kung nagulat kita, Iha. Bakit narito ka gayong gabi na ah?" May lamyos at lambing ang boses na hindi pa inalis ang kamay sa mga balikat niya at may plano pa yatang akbayan siya!

Napapasong lumayo siya.

"Uh, aalis na po Tito. Nagulat talaga ako!" Pati siya ay nahahapo na rin sa tindi ng pagkabigla.

Nangiti si Paulino sa kanya at kumikinang ang mga matang sinuyod ang kanyang ayos.

'Shit!' Yamot niya sa sarili nang bumaba ang malisyoso nitong hagod sa mga binti niya!

"Ikaw talaga Iha, pupwede namang humilata ka muna doon." Nguso nito sa sun lounger na nasa likod niya sa mas madilim pang bahagi ng baybayin. "Doon ka sa lounger, hindi ditong malamig ang buhangin."

Ngiwing inayos niya ang pagkakababa ng off-shoulder niya dahil bumaba ang mata nito sa dibdib niya.

"H-hindi na, Tito. Babalik na po ako. Sige po." Hindi na niya hinayaang makapagsalita, halos takbuhin na papasok ng rest house.

'Shit! Ano yon?' Tanong niya sa sarili sa pagitan ng pagtakbo.

Noong teenager pa lang siya ay napapansin na niyang iba ang mga tingin sa kanya ng matanda.

Kahit pa magkasama silang kumakain noong bagong lipat pa lang sila sa mansyon ay nahahalata na niyang iba ang trato nito.

Alam niya iyon dahil nararamdaman niya.

Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit siya sumama sa Lola niya pauwing Cabanglasan. Dahil sa kakaibang mga tingin sa tuwing mapag-isa siya sa kabahayan.

And now that Empress is all grown up, and not naive at all, mas lalo niyang napapansin ang malalagkit na tingin sa kanya ng matanda. It is not normal anymore! Creepy na iyon.

"Another no show!" Simangot ni Lily at inirapan siya.

Napauwi siya sa Alabang nitong weekend, sumama kay Manang Daisy na kukuha lang ng iilang kasangkapan magagamit sa resthouse.

Simula nang lumipat sila ng Batangas ay mas boring na ang mansyon sa Alabang. Kaunti na lang ang kasambahay at halos tauhan at security lang ni Paulino ang naroon.

"Don't expect Fabio anymore. Balita ko, he's very busy with the port in Mindoro." Sagot ni Anne kay Lily at napapatingin sa kanya.

Simula kasi nang paglaruan nila Julia ang cellphone niya at mahulog ay hindi na niya kinikibo ang iilang kaibigan ni Julia.

In that particular day, she decided to finish her homework beside the pool, sakto namang dating ng mga babae.

"I texted him, he said he will try to come. What's got into him these days?" Maarteng reklamo ni Lily.

She can imagine Fabio's smiling face. Pilit niyang iwinaksi ang mga pilyong ngiti nito sa kanyang imahinasyon. Hindi na nga ito nakakabisita at ano pa ang aasahan niya? Siya naman ang may gusto na hindi na ito magpapakita sa kanya, hindi ba?

Tumayo siya at mariing hinawakan ang cellphone na bigay ni Fabio at baka mahulog sa pool.

Nang gumabi na at nagpaalam nang matulog si Manang Daisy matapos niyang tulongan itong mailagay sa mga bags ang kitchenwares ay ini-off na niya ang ilaw sa labas at loob ng silid.

Inaantok na siya at tinitigan ang numerong alam niyang si Fabio ang nagsave sa contacts ng cellphone na bigay nito sa kanya.

Contacts - Fabio My Love

Natawa na lang siya na nalukungkot na naiinis. Ewan ba!

Kamusta na kaya si Fabio?

Sa halos dalawang buwang pananatili niya sa Lian ay minsan napapadpad ang isip niya sa hindi dapat.

Sa kay Fabio.

Ang sabi nila, kapag may gusto kang kontrolin sa parte ng katawan ay utak na iyon.

Those people who know how to control and speak their minds tend to less emotional and more likely to be successful.

Gaboon ang gagawin niya.

Forbidden ang pangalang Fabio sa bukabularyo niya.

Inaantok amg mga matang nanlalabo ang contact name ni Fabio nang mapansin niya ang door knob na mahinang gumagalaw!

Madilim na ang silid at ang ilaw na lang ng screen ng cellphone ang nagbibigay liwanag.

"Sino iyan?" Malakas na saad niya.

Ayaw buksan ang ilaw at baka hindi na siya makatulog.

Nakiramdam siya ng ilang sandali pero wala namang may sumagot, bagkos ay may narinig siyang mga mahinang yapak palayo.

"Manong Ismael!" Salubong niya sa matandang driver sa parking lot ng university. "Daan naman po kayo sa bayan oh!"

"Ha? Ano 'to, Empress?" Nakabukas ang palad na tanong nito nang iabot niya ang limangdaang papel.

"Bilhan niyo po ako ng swiss knife, Manong!" Kaswal lang na sabi niya at nagmamadali nang bumaba ng SUV.

"Oh? Bakit naman? Pambukas ba ito ng delata? May mumurahing pambukas, alam ko kung saan makakabili at-"

Umiling siya. "Manong, iyong swiss knife ang gusto ko. Pwedeng pangcamping po at pangself-defense na rin."

"Okay, sige. Dadaan ako mamaya sa bayan. May nambastos ba sayo, Empress? Saan? Sa school? Magsabi ka at may samurai ako sa bahay!"

Matatawa na sana siya kung hindi lang seryoso ang rason kung bakit siya nagpabili ng swiss knife. She knew that was the most essential self defence for now.

"Wala naman po. Basta, salamat po Manong ha!"

"Empress!" Excited na salubong sa kanya ni Maxine. Hinaklit ang braso niya at napa-abre-syete.

Natigilan siya, may naalalang tagpo, may mahilig rin kasing yumapos sa braso niya noon!

Bumagsak ang mata niya sa mga kamay ni Maxine sa siko niya.

"Heto na naman 'tong babaeng to, napaka-Ice queen! Napaka-cold mo naman, Empress! Haha!" Ignora ni Maxine sa pagiging bad mood niya.

Mabilis naman siyang bumawi at matipid na ngumiti. "Cold talaga?"

"Tanungin niyo si Empress ng median at frequency na homework at kokopya tayo!" Bulalas ni Michael na siya mismo ang inaabangan din.

"Empress! Pakopya naman oh!"

Siya ring lapit sa kanya ng kaklase niyang hindi na niya maalala ang pangalan bastat nasa dulo lang ng dila niya!

Regie? Reginald? Reg? Basta!

Tahimik lang na binuklat niya ang work book at mabilis na pinagpapasahan na sa likod.

"OMG! Bilisan niyo at magbe-bell na!"

Ganoon na lang lagi ang sitwasyon sa tuwing statistics nila.

"Empress! May tawag!" Siko sa kanya ni Maxine. Hindi niya napansin at nagkakagulo ang mga kaklase sa homework.

"Tita?" Humigpit ang kapit niya sa cellphone.

"Empress, pinabalik ko si Ismael at nariyan na sa parking! Umuwi ka muna dito ngayon din!" Nahimigan niya ang pagka-taranta sa boses ng Tita niya.

"Ha? Tita may klase pa po ako."

Nakita niyang papasok na ang professor nila sa statistics at hininaan ang boses.

"Just tell your professor you're not feeling well! Umuwi ka na ngayon din!"

Napansin niyang tuminis ng bahagya ang boses ni Rhoda sa huling sinabi.

This cant be—

Nagugulohang nag-excuse siya at lumalit sa professor nila na nagsisimula nang kolektahin ang mga workbooks. Dahil ayaw na ayaw niyang magsinungaling ay iba ang paalam niya sa propesora.

"Yes, Ms. Lagdameo?"

"Uh, Ma'am, excuse me po. May emergency po kasi sa bahay, pinatawag po ako ng Tita ko. Babalik din po ako agad pagnatapos—"

Tila naintindihan naman ng propesora at napatango.

"Don't worry, Empress. I'll excuse you since you're the highest pointer last exam." Sadyang pinarinig nito sa buong silid.

Naiiling na nahiya naman siya nang magsimulang umugong ang panunukso.

"Wow! Sana all, matalino!"

"Well, class, it's a challenge for everyone now that we're almost done with the first semester! Ms. Lagdameo deserved a reward."

"Uh, sige po. Salamat, Ma'am."

"Take care, Empress."

Mabilis na siyang umalis ng klase at nakitang nag-aabang ang SUV.

Pagpasok na pagpasok pa lang niya ng vacation house ay napansin niyang mas dumami ang mga security at taohan sa gate na nakabantay.

"Manang, anong nangyari?" Nagugulohang sabi niya kay Manang Daisy. Nag-aayos ito ng nebulizer ng Tita niya.

Hindi naman siya madaling kabahan pero sa nakikita ay parang may kung anong nararamdaman siya pagpasok.

"Iha, naka-hospital arrest si Sir Pauino! Lumabas na kasi ang hatol ng korte. Baka makukulong siya!" Taranta ring sabi ng matanda.

Nanahimik siya. 'A-ano raw?'

Noon pa man ay may naririnig siyang bulong-bulongan na may mga kaso si Paulino pero normal naman iyon sa mga batikang pulitiko sa Pilipinas kaya hindi na siya nagtaka.

"Umiiyak nga ang Tita Rhoda mo dahil hindi na raw magamit ang pera sa bangko, hindi ko nga alam kung ano itong problemang dumating at pati ako man ay kinakabahan, Diyos ko."

Humakbang siya papasok ng sala.

"S-sige po, pupuntahan ko na si Tita."

"Si Empress na ba iyan?" Tanong ng Tita niya sa malapit.

Gulat siyang naroon si Julia at namumula rin ang matang nakaupo sa marangyang sofa.

"Mommy, I need to leave right away! Paano na ang pag-aaral ko?"

"You shut up, Julia! Kung wala ka namang maitutulong ay tumahimik ka!" May namumuong malalaking ugat sa noo ng Tita niya sa pagitan ng iyak.

"Iha, Empress!" Sinalubong siya ng yakap ng Tita niya sa wheelchair, nagugulumihanang tinanggap niya ang mga bisig nitong nanginginig.

"Iha! Ang Sandiganbayan, inaresto ang Tito mo at—" Tumigil ito sa pagitan ng hikbi. "At na-ifreeze lahat ng accounts sa bangko! Pati na ang properties sa Cebu, sa Ilocos, sa Baguio! Wala na halos naitira ang gobyerno sa atin!"

Nagpupunas si Julia ng luha gamit ng tissue at sumabad.

"Mommy, please! I need to leave the airport now! How about my schooling?" Sigaw ni Julia na paroo't parito sa harapan nila. "Lets call Tito's friends! For sure matutulongan tayo ni Tita Rochel Yulo? What about Senator Joey Salcedo? Makakatulong sila sa atin, Mommy!"

Tumigil sandali ang pag-iyak ng Tita niya at galit na hinarap nito si Julia.

"Estupida! Makailang ulit ko nang sinabi na dapat ay hindi nila malalamang ni singkong duling ay wala nang tinira ang gobyerno sa mga accounts natin at mas lalong madidiin ang Tito mo sa kaso! Hindi ko na alam kung saan kukuha ng perang pampondo sa shipping company at papalabasing doon nanggaling ang milyones natin at hindi sa proyekto ng gobyerno! Where is your brains, Juliana?"

"What about the other senators close to Tito, Mommy? Use Tito's influence!"

"Hindi pwede! Sa oras na nalamang may sangkot at tumulong sa atin ay papaimbestigahan ang mga kasamahan ni Paul sa senado!"

Hindi niya alam kung ano ang gagawin at mas kinakabahan siya para sa pag-aaral niya.

Hindi pwedeng huminto siya at papatapos na ang semestre!

"T-tita, b-baka po hihinto ako sa pag-aaral?"

Mababait ang mga matang lumingon si Rhoda sa kanya at sa mababang boses ay kinalma ang sarili. "No, Iha. Si Julia lang ang maaapektuhan dahil hindi siya pwedeng lumabas ng bansa at nasa watch list tayo ng immigration. Pero ikaw, makakapag-aral ka pa rin. Kayang-kaya natin tustosan ang sa iyo."

Doon niya sinulyapan si Julia at may namumuo nang galit sa mga mata nito, "Oh well! Good news for Empress and bad news for me!" Padabog na umakyat ito sa unang palapag at nakasunod lang ang mga mata nila ni Rhoda dito.

"T-tita.."

Mabilis nahimasmasan si Rhoda at kinuha ang tissue na bigay ni Lilibeth na nakamata lang sa lahat ng nangyayari.

"Im okay. It's fine, Iha. Don't worry. Tita is okay. We will help each other get through this, okay?" Yapos nito sa kanyang mga braso.

"T-tita, kailangan po ninyong magpahinga muna."

"Oo, Iha." Malungkot na napangiti ito sa kanya at nahabag ang puso niya nang makita ang nanlalalim na mga mata at nahahapong dibdib nito sa iyak.

"Iha, may hihingin akong pabor sa iyo. Alam kong may naitulong naman kami ng Tito mo sayo sa pag-aaral mo, hindi ba?"

Kyuryusong umahon ang tingin niya kay Rhoda at tumango.

"A-ano po iyon? S-sa abot po ng makakaya ko, Tita."

Nanginginig ang talukap ng mga matang pumikit si Rhoda saka napabuntong-hininga.

"This is so hard for me because you are so dear to me, My Empress." Nang buksan nito ang mga mata ay mabilis na nahulog ang patak ng luha.

"Si Fabio lang ang makakatulong sa kalbaryo natin ngayon, Iha. Fabio's family controls the port here in Batangas for sure he has money. He won't be the heir of the largest port terminal in Asia for nothing!"

Gulo ang utak na napakunot ang noo niya.

"A-ano po ang magagawa ko?"

"Gusto kong akitin mo si Fabio Jacinto Hizon, Iha."

Nagkulay suka ang mukha. "A-ano po, Tita? P-pakiulit?"

"Akitin mo si Fabio, at ako na ang bahalang magmakaawang pautangin tayo ng seventy million. That money can help us fund a group of lawyers for your Tito's case and to help us survive until we win the case."

Mahabaging langit! She just wish it was all just a dream!



CHARMING EMPRESS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon