KABANATA 15

60 2 0
                                    


"AKIN na lang kung ayaw niya, Miss."


Pasilip-silip si Mona sa hawak niya. Dahil ayaw naman ni Fabio, bibigay na lang niya dito.
Sinunod ng tingin niya ang bag nang abutin ni Mona. Parang nagslowmotion sa paningin niya at ayaw pa pakawalan.


Nanghihinayang siya pero mas okay nang makain ng iba kung inayawan naman ng nauna.
"Thank you," ngiti nito sa kanya.


Nagkibit balikat at inayos niya ang sarili, pinagpag ang mini skirt nang paakyat sila sa elevator.


Empress checked on herself, adjusted her blouse so it will look decent. Ayaw niyang humarap kay Fabio katulad ng kanina. 


Napatingin siya sa mahabang palda ni Mona. This lady looked young. Sa tantiya niya ay kasing-edad lang ni Fabio. Pinagmasdan niya si Mona. Hindi tuloy niya maiwasan mag-isip na mahilig ito sa matangkad at maganda.


Well, medyo matangkad naman siya ng kaunti at maganda.


Umingos siya. 


Fabio is a playboy. 


Sa porma pa lang at hubog ng katawan, mga galaw na nananadya sa kanya noon ay alam na niyang ang katulad ni Fabio ay gigil sa kama.


"Pasensya ka na kay Engr., strikto minsan pero mabait naman." 


Nanggalaiti siya sa sinabi ni Mona. Kinuyom niya ang mga palad. Mukhang nabasa kasi nito ang naisip niya at pinagtanggol pa si Fabio.


"Girlfriend ka ni Engr. no? Nagkatampohan ba kayo? You look like fresh from Highschool. Ganyan pala ang gusto niya, ha."


Umarko ang kilay niya. Walang sinabi. 


Natawa si Mona sa pananahimik niya. "Sorry sa tanong."


"College na ako." Tipid na sabi niya at itinaas ang noo sabay ayos ng medyo nalaglag na off-shoulder top.


"Ah. Baby face. Anong moisturizer ang gamit mo, girl?" Halakhak nito.


"Wala." Tipid na sagot niya.


"Oh, okay." 


Kanina lang ay mangiyakngiyak siya, ngayon ay naiinis na sa sarili pati na rin sa pagtaboy ni Fabio. 


Dapat siguro ay habaan pa niya ang palda sa susunod. Hindi ganito kaiksi. 


At habaan din niya ang pasensya at hindi ganitong basta na lang uuwi sa tuwing tinataboy nito.


Muntik na siyang matapisod nang mamataan si Fabio na nag-aabang sa kanya sa pinto ng opisina nito. 


He was standing on the door frame as he watched her with cold and distant eyes.
Natanggal na ang vest at wala na rin ang hard hat nito.


"Sige. Bye na." Nilingon siya ni Mona bago sumulyap sa opisina ni Fabio. "Salamat dito."
Seryosong sinalubong niya ang mga malalamig na tingin ni Fabio. Hindi niya gustong magpaawa kahit kanina lang ay halos takbohin niya ang gate ng Calapan Port.


Nagtagis ang bagang niya. Babawi siya. 


Kaya lang, isang tama pa lang ng mga mata nila ay siya rin ang umiwas. Salubong kasi ang kilay nito at nang-uusig ang titig sa kanya.


Yumuko siya. 


Hindi siya sanay na makitang masyadong clean cut ang gupit nito. 


Fabio looked formidable and intimidating, like a young army officer in the battle field. Kahit hindi magsalita ay sobrang lakas ng kumpiyansa sa sarili.

CHARMING EMPRESS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon