ALANGANIN ang mukhang sinuri ni Empress ang mga dokumento habang nakaupo sa tapat ni Fabio.
It took her a few silent minute to decide. Ayaw niyang patagalin pa para maisara na ang paksang 'to.
Ganoon lagi ang atake niya kay Fabio.
Sa tuwing may bagong paksa ay dalawa lang ang sagot, Oo o Hindi. Kapag tatagal pa ay magkakaroon sila ng pagkakataong makapag-usap at hindi na siya kumportable.
Tumagal ang mata niya sa mga markang nakuha. Matagal na nga niyang pangarap ang makapag-aral at saan siya inabot sa pagpapakipot, pag-iinarte at mataas na pride? Sa trahedya.
Siguro, sa mga pinagdaanan niya ay naging bukas ang isip niya sa mga posibilidad.
Para na rin naman iyon kay Jace. Ayaw niyang umasa sa ama ng anak niya. She knew that living in the same roof with this...
Lumipad ang mata niya at tumaas bahagya ang kilay sa ama ni Jace.
Fabio moved backward a bit when she held her eyes. Ang lakas ng loob na harapin siyang naka-hubad baro. He looked really confident after all these time. Bumaba ang tingin niya sa tira-tirang cookies na inilagay lang nito sa stack ng mga envelope.
He then took it and eat it crunchily, walang anumang pinalis ang natitirang crumbs ng cookies sa labi nito at matipid na napangiti.
There are still some crumbs in his beard.
Kawatan ng cookies.
Sinipat niya ito ng nakakarinding tingin.
Fabio would meet her eyes these days. Kapag nagkakatinginan sila ay mas tumatagal ang titig nito sa kanya pero malumanay at kalmado.
Ang bait tingnan.
Jace's father is a leathal heartbreaker.
Unang tingin pa lang ay too good to be true na. Mayaman, gwapo, bagsak lang sa pagiging gago.
Well, sa suporta sa anak niya ay ibang usapan na. Hindi kailanman nagkulang ito at minsan sumobra pa nga.
Umahon siya.
"Papaano ka nakakasiguro na matatanggap ako sa isa sa mga nakalista dyan?" Paniniguro niya.
Ang tayog naman kasi ng ambisyon na'to. Naririnig at nababasa niya na sa mga scholarship grants lang nakakapag-aral sa US.
Si Fabio ang magpapaaral sa kanya? Sabagay. Baka kaya ng sahod nito. Kaya ngang magpasahod ng tatlong tao sa bahay nila. May driver na din ngayon.
"You will. Your credentials are here." Fabio said confidently.
Napaismid siya. Sa tindig nito, sigurado na nga itong mapapaaral siya! Malalim siyang nag-isip. Hindi niya alam ang proseso ng sinasabi nito. She has doubts but..
"Okay." Pumihit na siya palabas.
"Okay?" Natigilan si Fabio. Inalog nito ang ulo na, hindi siya nadinig.
"Payag ako." Umahon siya doon at tumalikod na. Ayaw niyang makita ang ekspresyon sa mukha ni Fabio na nasisiyahan.
"Thank you."
Ngumisi siya. "Huwag kang magpasalamat. Pumayag ako hindi para paluguran ka. Gagawin ko 'to para kay Jace."
Umahon si Fabio at mahinang tumango. "That's right. This is for Jace."
She slammed the door soundly after that. Naipakilala nito pagkatapos si Chris, ang kaibigan nitong kasama kanina magjogging.
"I met Fabio in his sophomore years in UCLA. He's a baseball varsity. I was in my senior year. This guy is the coolest dude in town!"
BINABASA MO ANG
CHARMING EMPRESS (COMPLETED)
RomansAmbitious, beautiful with a straightforward no nonsense personality, the young Hizon heir was immediately charmed by Empress Lagdameo. But the latter was born poor. Lahat gagawin ni Empress para maiahon ang sarili sa kahirapan at kasama na doon ang...