KABANATA 14

57 2 0
                                    


GUSTONG gusto ni Empress na maawa sa sarili ngunit pilit niyang iwinaksi iyon sa isipan. At this time, she needs to be wise on where to put her energy.


Mauubos ang lakas niya kung magse-self pity siya.


"Ingat ka, Miss. Balik ka bukas?" Kaswal na paalam ng Mona na sekretarya yata ni Fabio, hindi niya alam kung ano ang isasagot at pilit na lang na ngumiti.


Taas noo niyang binigay ang gate pass sa security at dumiretso sa naghihintay na Patrol sa labas.


"Miss!" 


Nalingonan niya ang isang tricycle na huminto sa tapat ng Patrol. Natigil siya sa aktong pagpasok.


"Po?"


"Lagdameo ba ang apelido mo?" Saad ng nasa kwarenta na lalaki, sinilip nito ang looban ng Patrol. 


Awtomatikong umiling siya.


"Ah, hindi po, bakit?" tanggi niya.


"Ah, akala ko lang baka kasi kaanak mo si Senator Paul Lagdameo na naka-kulong ngayon." Ngiti nito saka inistart na ang tricycle. 


Hindi naman magtatanong iyong mama kung hindi nito narinig na isa siyang Lagdameo. Malalim ang isip niyang pumasok ng sasakyan.


Doon niya napagtantong bakit ba pinakita niya ang student ID sa security guard kanina? 


Na alam naman niyang mainit sa mata ang mga Lagdameo ngayon!


At doon rin niya napagtantong madalas na siyang nagsisinungaling ngayon.


Bakit kailangan niyang magsinungaling sa lahat para protektahan ang mga plano ni Rhoda at ang pamilyang 'to?


She had it bad. The situation she is in have made her lie and worse, she will fool people just to satisfy Rhoda. Pero bakit si Rhoda ang sisisihin niya? 


It is her choice to be manipulated. 


Kung uuwi siya at tatalikuran ang pamilyang 'to, wala siyang aasahan. Mahirap pa siya sa daga at aasa na lang sa tulong ng pamilya nila Harry. 


Uusigin pa siya ng konsensya dahil lumalala ang kalusugan ni Rhoda. Magtatapos na ang first semester kaya pagbubutihan niya. Hanggang makakaya niyang magsakripisyo ay gagawin niya.


"Sino iyon Empress?" Sabi ni Manong Ismael.


"Nagtatanong lang po." 


"Mag-iingat tayo at baka may makaalam na isa kang Lagdameo, magulo ngayon Empress. Hindi alam kung sino ang kakampi o kaibigan ngayong nasa kulungan si Sir Paul." Sara ng matanda sa bintana.


Mag-iingat na siya sa susunod.


"Empress, kung pwede lang ay huwag kang magsabi ng apelido mo. We might close the shipping line and other business of your Tito now that we cannot pay for the workers anymore, workers are mad, and even some of my friends dont want to talk to me anymore. 

Medyo magulo pero nakakaya naman. Kamusta na si Fabio?" Sabi ng Tita niya sa telepono.


"Mag-iingat na po ako. Okay naman po si Fabio at uh, bukas babalik ako ulit." Halos pabulong niyang sinabi ang huli.


"Mag-check in ka sa malapit lang sa port at para hindi ka na mahirapan. Mag-ingat ka."
"Sige Tita. Kayo din po at magpalakas kayo."


Tumingin siya sa kawalan. 


Nakapag-check-in nga siya sa pinaka-mura at malapit at aabutin pa ng bente minutos ang byahe. 


Pwede na rin iyon.

CHARMING EMPRESS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon