KABANATA 3

44 2 0
                                    




"IHA, dito ang silid mo."

Turo ni Manang Daisy sa malawak at napakalaking silid sa unang palapag ng mansyon matapos niyang ayusin ang bagahe sa ibaba.

Ngayong hapon lang siya nagka-oras dahil tinanghali na siya ng gising. Maraming kaibigan at mga kakilala pa ang dumating kagabi na ipinakilala sa kanya ni Rhoda.

Sobrang antok na siya at mabuti na lang napapayag niyang sa silid na lamang ni Manang Daisy siya makitulog pansamantalang inaayos pa ang bagahe niya.

Hindi sana ito papaya ngunit gumawa siya ng alibi na namamahay. Mas mabuting may makakausap siya lagi doon sa mansyon.

"Kanino po ang katabing silid, Manang?"

"Kay Julia."

"Ito po? Kanino?" Turo niya sa mas malaking pinto na yari sa Narra.

"Master's bedroom iyan."

"Empress, dito ka malapit sa silid ni Julia!"

Iniluwa ng pinto sa bahaging kaliwa ang kanyang Tita Rhoda.

Bagong ligo at mukhang may pupuntahan. Nakasunod dito si Lilibeth na sa tantya niya'y kasing edad lang din niya.

Saglit siyang nag-isip.

Iniisip niyang mas kumportable siya na kasama ang katiwala. Manang Daisy is someone she can trust. Ito lang ang mapapagkatiwalaan niya sa mansyon.

Nang malipat at makilala ni Rhoda si Paul Lagdameo ay ito na ang katiwala nila noon pa.

Naalala niya noon.

Nasa elementarya pa lamang siya nang mamatay ang kanyang papa na si Amadeo Saldivar.

Ipinangako ng Tita niyang bubuhayin siya nito gamit ang natitira pang pondo sa trust fund ng papa niya. Dahil nasanay na sya sa buhay nila sa manila ay wala nang magawa ang kanyang Lola na noo'y nasa Bukidnon.

Simula't sapul ay sa Maynila na ang buhay nilang magpamilya.

Namatay ang mama niya noong maglilimang taong gulang siya. Pagkatapos ng isang taon ay nakikila ng papa niya si Rhoda.

High school sweetheart raw ang mga ito, iyon ang kwento ng taga-Cabanglasan. Binalikan raw ito ng papa niya at sinuyo hanggang sa nagpakasal matapos ang dalawang taon.

Noong una ay hindi siya kumportable nang makilala si Rhoda. Mahirap makuha ang kanyang loob at hindi rin palakaibigan. She would rather be alone or lock herself in her room and read books than make friends outside.

Nang unang makita niya si Julia ay naging magkaibigan sila agad. Si Julia ay anak ng kanyang Tita sa pagkadalaga. Mas matanda lang sa kanya ng dalawang taon. Maayos naman ang pakikitungo nito sa kanya, magkaiba nga lang sila ng pananaw.

Magarbo kung magdamit si Julia.

Siya naman ay Tshirt at simpleng maong lang ay okay na. Napapansin niya ring maraming gusto at kapritso ang Tita Rhoda niya at si Julia na pilit pinupunan ng kanyang Papa. Mas lalo lang lumayo ang loob niya sa mga ito.

Nang taong ikinasal sila ay lumipat na si Julia sa paaralan niya. Ang papa niya ang nagpaaral dito.

Nagtatrabaho si Amadeo sa isang malaking power company sa Manila at isa ito sa may mataas na posisyon. Her late father was a senior advisor to the board.

Maganda ang buhay nila noon, may dalawa silang bahay at dadalawa rin ang saakyan, hatid sundo rin siya ng driver sa eksklusibong paaralan ngunit dahil na rin sa pagpapagamot sa papa niya noong may matinding karamdaman ito ay naubos ang pera pati na ang inilaan nito sa kanyang pag-aaral.

CHARMING EMPRESS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon