KABANATA 28

119 3 0
                                    

CHARMING THE EMPRESS
Written by Danielle

Kabanata 28

TAMA nga naman ang sinabi ni Julia. Hindi niya pipiliting makibagay sa pamilya ni Fabio.

Nagpanic lang naman siya kung ano ang gagawin dahil naiiba ang setup nila ni Fabio.

They are not married.

Naroon lang siya para sa anak at pinapaaral ni Fabio. Their setup is different than most parents do. Natutulog lang sa isang bubong para sa anak nila, hindi nag-uusap at nakikisama lang pero ngayon, palagay niya, ay may mga nagbago na. Hindi na sila katulad ng kinasanayan.

Nang marinig niyang binilinan ni Fabio si Ate Carmen na maagang patulogin si Jace ay kinutoban siya.

Naroon sila sa poolside at kakatapos lang maghalf bath ni Jace, ang Papa nito ang nagpaligo. Mabango na ang anak niya at naka-pantulog na kahit alas sais pa lang.

"Mama, is it true what Papa said?" Lapit sa kanya ng anak.

Jace's eyes is gleaming. Palaging nagtatanong at maraming ekspresyon ang magagandang mata nito.

Nasa sala si Harry, napakain na ng dog food at nagpapahinga kaya wala na itong kalaro.

Bored na ang anak niya sa pagkukumpuni ng mga lego blocks kaya't naroon lang sa harap niya at nakamata sa kanya.

"Ano 'yon, Jace?" Malumanay na tanong niya.

Busy siya sa school works kaya minsan, doon lang sila sa pool tuwing hapon. Nagbabasa siya o nagrereview at gumagawa ng home work.

"Sabi ni Papa, busy na daw kayo. Sabi ni Papa hwag daw ako makulit masyado."

Napakunot ang noo niya. Hindi maintindihan ang sinabi ng anak. O nauunahan ng berde ang utak niya.

"Busy saan Jace?"

Marahang tumango ito.

"If you two are talking, Papa said I will not be makulit. I will play with Harry always."

Natahimik siya.

"Papa said I will not look for you if you are not in the house. I will not be makulit because Im a big boy na."

"Oo Jace, tama 'yan."

"Tapos Papa said I will knock the door if you two are sleeping in a room. But your room is near mine, and Papa's room is near the study room. Why Mama?"

Napatingin siya sa kalangitan. Hindi alam kung ano ang iisipin.

Nagsisimula nang magturo ng kung ano anong kabalbalan itong si Fabio. Pero tama naman.

"Ang ibig niyang sabihin ay big boy ka na, you can do things on your own." Doon lang siya nagfocus at wala na doon sa iba pang pinagtuturo ni Fabio.

Napatango si Jace at nilapitan siya.

"Yes Mama. I can do it. I'm big na."

"Yes, Jace." Sabi niya at iniwasang magseryoso. Malapit na niyang inikot ang mga mata sa pinanggagawa ni Fabio sa anak nila.

Sinikap ni Jace na kumandong sa kanya. At dahil nakaupo siya ng diretso sa mesa ay nagsalita itong muli nang kusa nyang niluwagan ang pagkakaupo.

"Excuse me, Mama." Siksik nito sa kaniya. Umatras siya para bigyang espasyo itong makaupo sa kandungan niya. She hugged Jace tightly. Gigil na gigil dahil bagong ligo.

"You're so cute, pretty boy!"

Nanggigil pa na pinahiga niya ito sa kadungan at pinigilang makagalaw ang dalawang kamay.

CHARMING EMPRESS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon