Dearest Fabio,
Alam kong sa oras na mabasa mo ito ay nakaalis na ako. Gusto ko lang malaman mo na I truly appreciate you as a person. Sa kaunting panahon na nakilala kita ay napag-alaman kong simple, mapagkumbaba at mabuti kang tao. Nakita ko iyon lahat sayo.
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nakikipagbreak ako gamit itong sulat. It is difficult to express my feelings in person. Break na tayo. Hindi ako ang nababagay sayo. Selosa ako at madaling mairita sa kaunting bagay. Alam kong pinagpasensyahan mo lang ako at mapupuno ka rin sa huli.
I am not mature enough to handle relationships like this. I will be a burden to you and your career. Ang babaeng nababagay sayo ay iyong mapapantayan ang katayuan mo sa buhay. Ang nababagay sa akin ay iyong lalaking simple ang pamumuhay, taga probinsya din siguro.
It takes time to mature and handle relationships, this may be my first break-up but not the last, makakahanap ako ng boyfriend kung saan magmamature ako at gagaling sa pagdala ng mga relasyon.
Uuwi ako ng probinsya namin at doon ko gustong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Sana maintindihan mo ako. We can be friends but I cannot promise you soon, I need time to recover from this break-up.
Iyon lang at maraming salamat. Take care and good luck.
Always,
Empress
Napatitig si Empress ng matagal sa liham. Maganda ang sulat kamay niya at walang burado doon.
Nakadalawang ulit siya sa pagsulat at wala na siyang babagohin pa. Sa oras na lisanin niya ang bungalow hut nila ay hindi na siya makakabalik pa kaya mag-eenjoy siya ng husto.
Ikalawang araw pa lang ito na magkasama sila ni Fabio at naging masaya siya kahit papaano. Hindi na niya hihintayin pang tumungo sila sa Punta Del Sol. Sa islang sinasabi ni Julia. Makakapagbigay lang iyon ng lungkot sa kanya.
She remembered how Fabio assured her Tita Rhoda that he will bring her home in one piece.
"Ibabalik ko po si Empress ng buo sa inyo."
Pinigilan ni Fabio ngumiti para makita ng Tita niya ang sinseridad doon ngunit alam niyang pakitang-tao lang dahil puro kamundohohan ang nasa isip. Si Fabio pa.
Isang backpack ang dala niya. Sakto lang ang dala niya. Natigil siya sa paglakad papunta sa sasakyan ni Fabio nang mapansin ang isa pang sasakyang nakita kanina.
"Kanino iyan?" Pigil niya kay Fabio.
"My security, Empress."
Kumaway si Fabio sa sasakyan. May bumaba doon na isang lampas trenta na matangkad na lalaki, malaki ang pangangatawan. May isa pang kasama na mas bata at matangkad din.
"Si Rois at si Dante."
Kaswal at tila aral ang galaw ng dalawang nakipagkamay sa kanya.
"Ma'am, good evening," sabi noong si Rois. Ang isa naman ay huli nang nakipagkamay at nag-aalangan pa, lalo na nang umarko ang kilay ni Fabio sa pag-aatubili nito.
"Magandang gabi po, Ma'am."
"Good evening po. Huwag na ma'am, Empress na lang." Tanggap niya sa pakikipagkamay dito.
"Hindi pwede. Susundin ang protocol, Ma'am," striktong sabi ni Rois na siyang mas may awtoridad ang dating.
"Okay." Napangiwi siya kay Fabio ngunit hinugot na siya sa baywang pabalik sa sasakyan nito.
Dinala siya ni Fabio sa Hotel sa kabilang dako ng Lian, Batangas. Medyo malayo sa vacation house.
Pagdating nila ay nakaabang na ang kukuha ng mga gamit nila sa entrance ng hotel resort ngunit kinausap nong Rois at umalis na rin.
BINABASA MO ANG
CHARMING EMPRESS (COMPLETED)
RomanceAmbitious, beautiful with a straightforward no nonsense personality, the young Hizon heir was immediately charmed by Empress Lagdameo. But the latter was born poor. Lahat gagawin ni Empress para maiahon ang sarili sa kahirapan at kasama na doon ang...