MAKE friends with Fabio?Sa malayo ay pinagmasdan niyang nagkakatuwaan si Fabio at ang kaibigan nitong si Devin. Nasa grilling station at tinuturuan ni Fabio na magpaapoy ng uling.
May mga babaeng barkada ni Julia na nasa poolside at nag-iinuman na rin.
Hindi talaga niya hilig ang mga ganoong happy go lucky na barkadahan.
Anak mayaman lahat at ang aarte at kokonyo pa kung magsalita.
Maraming naghihikaos ngayon sa buhay ngunit narito ang mga 'to, mukhang ilang beses sa isang linggong nagpaparty.
Naibalik niya ang paningin kay Fabio, na nakikipagharutan na ngayon sa isang babaeng naka-pulang bikini.
'Sino naman 'to?' Umarko ang kilay niya. Matangkad ang babae at maputi, ngayon lang niya nakita.
May nakabikining pula at may Kelsey at kamakailan lang ay siya ang ginogoodtime! Halos umusok ang bumbunan niya!
Naniningkit ang mga matang sinuri niya ang kalandian ni Fabio. The girl's body is to die for!
Sobrang kinis ng kutis at namumula ang mga pisngi. The girl's hair is jet black and wet. Posible, naligo na kanina at umahon lang sa pool. Hindi man lang nakatapis at sana'y tinakpan ang basang katawan!
Fabio's six pack abs is visible even at a distance. Ang morenong kulay nito ay mas nagpapatingkad sa tikas at ganda ng pangangatawang solido.Naka-beach shorts at hubad-baro, bumaba ang mga tingin niya sa patag na mga dibdib at medyo matipunong biceps. Nagpaypay na ito ng uling doon at tinutulongan ito ng babaeng naka-bikini.
Nang agawin ng babae ang pamaypay ay pabirong inilayo ni Fabio iyon sa babae, siya namang abanse ng babae palapit sa matipunong dibdib ni Fabio.
'Bwisit!' Bulong niya at may kasama pang mahinang mura. 'Landi!'
Nang mabunggo ng pwetan ng babae ang griller at nawalan ng balanse ay nababahalang humingi ng paumanhin si Fabio at dumistansya sa babae para tingnan ang pwetan nito.
Namilog ang mata niya.
'Galawan!' Iling niya. 'Malandi talaga ang lalaking 'to.' Wala sa loob na sabi niya at napatayo na.
"Oh, Iha? Saan ka pupunta? Why don't you join them?" Awat ni Rhoda sa kanya. "Sige na at nagkakatuwaan sila. So you could enjoy too."
Na-iimagine pa lang niyang magsuswimsuit ay bumabaligtad na ang sikmura niya.
Sa katawan ba naman ng mga babaeng barkada ni Julia ay nawawalan na siya ng self-confidence at never! Hindi nga siya kumportableng makisama sa mga taong 'to, makipagswimming pa kaya?
At ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Fabio.
Sobrang asar siya dito lalo pa't hanggang ngayon ay hindi siya pinapansin ni Harry dahil na rin sa kagagawan nito!
"Sa susunod na, Tita. Antok na ako."
"Julia! Julia! Arnulfo, papuntahin mo nga dito si Julia!" Tawag ng Tita niya bago pa man siya makaalis.
Tinawag na nga ng therapist si Julia na basa na at nakayapos ang tuwalya sa katawan.
"Oh, Mommy?"
"Isali mo si Empress."
"Empress, tingnan mo nga 'to. Ang boring tumambay ng mag-isa diyan!" Natatawang turo ni Julia sa damit niyang pambahay. "May spare bikini ako. Tara, swimming tayo! Kanina ka pa hinahanap sa akin nila Anne!"

BINABASA MO ANG
CHARMING EMPRESS (COMPLETED)
RomanceAmbitious, beautiful with a straightforward no nonsense personality, the young Hizon heir was immediately charmed by Empress Lagdameo. But the latter was born poor. Lahat gagawin ni Empress para maiahon ang sarili sa kahirapan at kasama na doon ang...