"Sana kapag pwede na tayo,
ako pa din ang mahal mo."
✦ They unconsciously ran
away together, but still, the
both of them just can't stay.
✧ Kim Junkyu.
TreasureLand Series
#3. Seoilteru 2020.
So ayun, malapit na mag-one pm at pababa pa lang ako ng kotse namin AHAHAHA. Pinatagalan ko talaga sa mga kasama ko sa bahay namin yung pagpeprepare nila.
"Sigurado ba kayo Sir, tatagalan namin? Baka magutom na yung mga kaibigan mo Sir."
"Hindi. Wag niyo sila intindihin Manang, take your time. Mas masarap pag matagal ang procedure, diba?"
"Ok Sir, sabi mo 'yan."
AHAHAHAHA! Excited na ako makita yung mga reaksyon nila pagdating ko, siguro nasa lapag na yung mga 'yon at hinang-hina na. Joke AHAHAHA, exaggerated masyado eh.
Teka, alam ko ba number ng apartment ni Jaehyuk?
Ah, oo nga. 119, 3rd floor.
Kinuha ko ang cellphone ko at saka minessage si Jaehyuk, di na siya online. Baka nag-aaral na kasama yung mga bata..
Junkyu nasa baba na ako, buhay pa ba kayo? AHAHAHAHAHA
Nakangiti ako habang nakatingin sa cellphone ko, 10am nag-message sakin pero 1pm ko na pinuntuhan AHAHAHAHA. Galing ko talaga mang-asar. Pumila na ako para sa elevator.
"Hello, Yoojin? Ah, oo, nandito na ako sa baba. Sa may elevator.."
Napatigil ako ng marinig ko ang sinabing pangalan ng nasa likod ko na babae. Yoojin?
No, madaming Yoojin sa mundo Junkyu. Hindi naman siguro siya 'yon.
"Aray ko putangina Song Yoojin..! Masakit sa tenga ok?! Wag kang bossy nanaman diyan, pwede ba? Nakapila na ako, maghintay ka na lang diyan.."
Song Yoojin...
Pero madami ding Song Yoojin sa mundo, diba? Korea pa din 'to, andaming nagkakaparehas ng pangalan dito.
"So, ano balita? Di na talaga nagpaparamdam sayo yung gwapong Kim Junkyu na 'yon? Grabe sayang naman 'yon, arte mo kasi!"
Ah, ako.
So, siya nga?
Unti-unti akong lumingon sa likod, kausap niya si Yoojin. Di ako pwedeng magkamali, yung kausap niya na Yoojin ay yung Song Yoojin na hinahanap ko.
"Alam mo kung di ka talaga interesado sa kanya, ako na lang. Sakin na lang 'yang Kim Junkyu na 'ya―"
"Ako ba?" tanong ko, at biglang nanlaki ang mga mata ng babae.
Humarap ako sa kanya ng tuluyan at ngumisi. Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone niya habang nakatingin lang siya sakin, in-end call ko agad. Gusto ko masurprise si Yoojin sa pagharap ko sa kanya. Nag-cross arms ako at tumingin sa babae, nilapit ko ang mukha ko sa kanya ng onti.
"Tara, surprise natin si Yoojin."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.