❪ YOOJIN'S ❫
⋯
"Kapag naayos na ang lahat, the thing about the two of us will continue." that's what he said to me at that day na pinuntahan niya ako sa apartment.
Lagi ko lang inaalala yung ngiti niyang nakakapagpakalma sakin tuwing kinakabahan ako.
I'm already waiting for Jyunhao dito sa isang cafè na malapit sa school nila, YG University. Hindi ko mapigilang mapainom ng tubig dahil nanaman sa kaba. I'm still wearing a cap and a mask.
Kahit na anong mapag-usapan namin ngayon, we'll just have to stick with it Yoojin. Wala na ulit atrasan.
"Alam mo? Bakit.. Bakit ako lang ang hindi nakakaalam?"
Jyunhao had been my childhood friend, siya lang ang tanging kalaro ko noong bata pa ako. Our parents were so happy everytime na makikita nilang masaya din kaming naglalaro kahit kami lang dalawa.
"I'm sorry Yoojin! I'm very sorry.. Sabi kasi ng Mama mo wag na wag ko daw sasabihin sayo.."
We didn't know they were already planning something, bata pa lang kami.
"Bakit hindi ka umayaw?! You know I will refuse to this!"
And as time passed by, wala man lang akong ka-clue-clue na hindi na pala kaibigan lang ang tingin sakin ni Jyunhao.
"I'm sorry.. I know I'm selfish.. Alam kong aayaw ka pero-"
"Pero um-oo ka kasi gusto mo?! Tangina naman Jyunhao! Kailan ka pa naging ganito?!"
We are both young and immature. And I always knew that having a wedding as a 19 year-old will never be a good idea, lalo na kung ang papakasalanan mo pa ay isang tao na hindi mo gusto o mahal.
That's why I ran away, sa harap ng madaming tao.
It was my first time na sawayin ang gusto ng parents ko, I was sure of myself that day. I was so sure na tatakbuhan ko yung pekeng kasal na 'yon. Gusto kong magalit ng sobra sakin yung mga magulang ko. I want them to realize na hindi pa din nila hawak ang buhay ko.
All I wanted was freedom, pero pinagdamot pa nila.
"Yoojin.." imik ng lalaking nasa harap ko ngayon. Binaba ko naman ang mask ko at saka nginitian siya.
"It's nice to see you again, Jyunhao."
Nakikita ko namang may namumuo ng mg tubig sa mga mata niya habang nakatingin sakin. Mukhang naramdaman niya naman agad 'yon dahilan para tumungo siya ng kaunti.
"I'm sorry-"
"I know. Halos 3 months mo na 'yang sinasabi sakin." sabi ko, tinignan niya naman ulit ako.
"Let's talk about something off that topic first, pwede?" nakangiti kong pagtatanong. He let out a weak smile at saka tumango.
We're childhood friends after all.
⋯
"It must be nice for you, babalik ka ng China."
"Yeah, excited na nga ako eh haha. Pero feeling ko madedelay siya ngayon."
"Hm? Bakit naman?"
"May kailangan pa tayong ayusin sa Japan, Yoojin-ssi."
And here we are again, at this topic.
Ayos na yung usapan namin kanina eh, hays.
"Ah.. Oo nga pala.."
"Gusto ko ng ayusin agad natin para naman wala na kayong aalalahanin pa ni Junkyu." napatingin agad ako sa kanya ng marinig ko ang pangalan ni Kyu.
Tignan mo 'to, ayan nanaman yung nakakaasar niyang ngiti. Tsk tsk, di pa din nagbabago Wang Jyunhao, tahimik na chismoso ka pa din talaga.
"Y-Yah! Kanino mo 'yan nalaman ha?"
"Tanungin mo kaya boyfriend mo, finlood ako kaninang umaga ng mga messages eh."
"Napakadaldal talaga."
Natawa naman kami parehas dahil kay Kyu. Ano naman kayang pinagsasasabi non dito kay Jyunhao? Jusko.
"So.. Kailan tayo babalik sa Japan?" ingat na pagtatanong ni Jyunhao sakin.
Napainom naman ako ng tubig pagkatanong niya.
Kailan?
BINABASA MO ANG
WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘ
Historia Corta"Sana kapag pwede na tayo, ako pa din ang mahal mo." ✦ They unconsciously ran away together, but still, the both of them just can't stay. ✧ Kim Junkyu. TreasureLand Series #3. Seoilteru 2020.