"Sana kapag pwede na tayo,
ako pa din ang mahal mo."
✦ They unconsciously ran
away together, but still, the
both of them just can't stay.
✧ Kim Junkyu.
TreasureLand Series
#3. Seoilteru 2020.
Aish, siya na nga tinutulungan ko tapos siya pa 'tong nagtatago sakin.
Bakit ba pinagsusupetsyahan din nila ako? Hindi ko naman isusumbong si Yoojin noona sa mga magulang namin huhu. Nandito nga ako para mas ilayo siya sa kanila eh.
Mas lalo kasing hindi siya makakatakas kapag naunahan nila ako sa paghahanap kay noona. Alam ko din naman kung gaano kabigat para sa kanya yung tinakasan niya na 'yon. Kaya ko nga siya hinahanap para makatulong ako sa kanya.
Kaso paano? Eh kahit yung best friend niya hindi ko mahagilap.
"Tsk, nakakainis naman-"
"Yah! Kim Junkyu!"
Napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan na 'yon. Oo, nandito pa din ako sa tapat ng YG Univ. at uwian na nila. Kanina pa akong lunch nandito huhu, gusto ko lang naman makasigurado kung absent nga ba si Jeohyun noona.
Pero, Kim Junkyu?
Nakita ko na yung pangalan na 'yon eh. Pero hindi ko alam kung saan.
Alalahanin mo Hyeongjun, alalahanin mo..! Sigurado akong may connect siya kay Yoojin noona..
"Kim Junkyu!" agad siyang napalingon sa tawag ko.
Pinanliitan niya ako ng mata na halatang kinikilala ako sa mukha. Napatigil din naman ang mga kasama niya, lahat sila ay tinignan ako.
Ang awkward nito huhu, Yoojin noona naman kasi eh!
"A-Ah.. S-Sorry, gusto lang sana kasi kita makausap. Ayos lang ba?"
"Ako?" turo niya sa sarili niya.
Malamang ikaw, may iba pa bang Kim Junkyu dito? Joke.
Tinanguan ko lang siya.
⋯
"Uh. Sorry sa abala, may gusto lang kasi akong tanungin."
"Tungkol saan ba 'to?"
"Kay Yoojin.."
"Yoojin? As in Song Yoojin?"
"Oo, diba ikaw yung boyfriend niya?"
"Ah. O-Oo, oo naman. Ako nga."
Hm? Weird.
"So malamang alam mo na.."
"Alam? Ang alin?"
Ok, mas lalong weird. Hindi niya pa alam? Then pano naging sila kung hindi-Tinago ni Yoojin noona sa kanya?
"Walang sinabi sayo si Yoojin noona?"
"Yoojin noona?"
Parehas kaming mukhang nagtataka ngayon dito. Hindi ko alam, hindi na ata kami nagkakaintindihan eh.
"Teka.. Anong pangalan mo?" bigla niyang tanong sakin.
"Hyeongjun, So-"
"Ikaw si 'Junie'?!"
H-Ha?J-Junie? Si Yoojin noona lang ang tunatawag sakin non, bakit..
"Ah.. Oo, ako nga 'yon haha. Pano mo nalama-"
"Shit. S-Sorry, hindi ko inaakalang ikaw 'yon.. Yung sa inyo, a-alam ko naman talaga ahaha. Pero ano kasi, yung sa amin ni Yoojin, ano lang 'yon-"
"Hyung."
"P-Po?"
"Naiintindihan ko. Gusto ko lang talaga itanong sayo kung nasaan nakatira si noona ngayon. Ayaw niya kasi sabihin sakin kung saan."
"Hindi mo alam? Pero diba boy-"
"Junkyu! Matagal pa ba kayo diyan?" biglang tanong ng isa sa mga kaibigan niya. Agad naman siya siniko ng isa sa kanila.
"Teka lang! Sorry, nagmamadali na kasi sila umuwi eh. Bigay ko na lang sayo address niya."
Kumuha siya ng maliit na papel mula sa bag niya at saka ng ballpen, isinulat niya doon yung buong address ni Yoojin noona. Kabisado niya pa talaga ah, mukhang lagi ata siyang natambay don. Nuks.
Binasa ko agad yung nakasulat pagkatapos niyang ibigay sakin ang papel. Apartment?
Bigla niya akong tinapik sa braso bago umalis na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Paki-ingatan si Yoojin." nakangiti niyang sabi sakin.
Mukha ngang nasabi na sa kanya ni noona kung bakit siya nandito.. Pero hindi ba 'to natatakot?
"Hmhm." tanging imik ko na lang at saka nag-bow sa kanya.
Nagsimula na akong maglakad papaalis.
Akala mo hindi kita mahahanap noona ah.
❪ JUNKYU'S ❫
⋯
"Sino ba 'yon? Bakit ka niya kilala? Mukhang di naman siya taga-dito." pagtatanong sakin ni Hyunsuk hyung.
Sinundan ko ang ng tingin yung Hyeongjun.
Siya. Siya ang tunay na boyfriend ni Yoojin.
Hindi ako.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.