✧ 031

414 32 15
                                        

YOOJIN'S

Nakahiga lang ako ngayon sa bed ko, nakatitig sa ceiling. Ramdam ko ang pagpatak ng mga luha ko sa magkabilang side ng mga mata ko..

Hindi na ako pwedeng bumalik sa kanila.

I faced my left side at pumikit. Yakap-yakap ko ang isang unan sa tabi ko. I gripped it tightly. Ayoko na umalis dito.

Oo, alam kong malungkot na mag-isa lang ako dito pero mas gugustuhin ko na mag-stay dito ng ako lang kesa sa umuwi ako sa amin at magpakasunod-sunuran nanaman sa lahat ng gusto nila.

Ang akala ng lahat prinsesa ako, nasusunod lahat ang gusto dahil lang sa madami kaming pera at tagapagmana pa ako ng kompanya. Noong bata ako ganon pa ang mga nangyayari, pero habang lumalaki ako unti-unti kong na-rerealize lahat. Na-realize kong hindi ako prinsesa at isang tuta lang din ako ng sarili kong pamilya.

I am their daughter, but they treated me like I'm some kind of machine na gagawin lahat ng ipaguutos nila.

Ni hindi ko nga naramdaman na tinuring pa nila akong anak.

Ayokong magalit sa kanila, ayokong mainis. Pero panong hindi? Tuwing kailangan ko sila, lagi silang wala. Kahit nga hindi ko sila kailangan, wala pa din sila eh haha. Pero pag sila ang may kailangan sakin? Ako pa 'tong parang walang karapatan na umangal.

I love them. But I also hate them. Lalo na sa ginawa nila sakin na naging dahilan para tumakas ako.

I always wanted to prove to them that I am someone good, someone that can make them proud. Pero everytime na itatry ko, they still always end up being disappointed of me.

Kaya ngayon, umalis na ako for good.

Tutal disappointment lang naman ang tingin nila sa akin, bakit hindi ko pa panindigan diba? Yeah, that sounds bullshit pero kahit na sino maging nasa posisyon ko will surely understand.

Napamulat ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng apartment ko, I checked my phone. 6:10 pm, sino pang pupunta dito ng ganitong oras?

Agad akong tumayo at pumunta sa may pinto, sinilip ko kung sino 'yon.

Kim Junkyu.

Naisip ko yung lunchbox na binigay niya sa akin kanina, malamang ito ang pinunta niya dito. Kinuha ko ang lunchbox at binuksan ang pinto. Nakangiti siyang bumungad sakin..

That smile is annoyingly cute, tss.

"Yah. Late na, bakit ka pa pumunta dito?"

"To see you? At para diyan sa hawak mo." sagot niya sa akin habang naka-cross arms, bigla naman siyang ngumuso na para bang tinuturo ang lunchbox na hawak-hawak ko.

Inabot ko sa kanya 'yon at akmang isasarado na ang pinto. But his reflexes are good, napigilan niya agad 'yon.

"Hm? Hindi mo man lang papapasukin boyfriend mo?"

"I would, kaso hindi naman kita totoong boyfriend."

"But still, I'm your boyfriend." sabi niya at tuluyan ng pumasok sa apartment ko. Bwisit naman 'to oh.

"Yah, Kim Junkyu! Di ka pwedeng pumasok na lang sa apartment ko ng ganitong oras―"

"Umiyak ka ba?" napatigil ako sa pagtatanong niya. Nakatingin lang siya sakin, sa mga mata ko.

Napalapit siya sa kinatatayuan ko, he's still checking my eyes. Hindi ko naman siya matignan ng diretso dahil sa ginagawa niya. Ayoko naman kasing malaman niya din, baka di pa 'to umalis.

I saw his hand getting closer to my eyes, pero agad kong hinawakan at pinigilan 'yon.

"Junkyu, umalis ka na.."

"Bakit ka umiyak?"

"Wala. Umalis ka na, please."

"Yah. Ano ba kasing problema, Yoojin? Pwede mo naman sabihin sakin―"

"Hayaan mo na lang ako.." I looked at him, nararamdaman kong may luha nanamang tutulo sa mga mata ko anytime. Ang iyakin ko naman, parang tanga.

"..Ayos lang ako." imik ko ulit at saka ngumiti ng pilit.

Kailangang kailangan ko ng makakausap about sa sitwasyon ko ngayon, pero natatakot akong magsabi sa iba.. I wanted to tell Jeohyun, Junkyu about everything. Pero hindi ko magawa, ayokong mag-alala sila sakin. Ayoko na pati sila mamroblema dahil sa mga ginawa ko.

Bago umalis ay hinarap ulit ako ni Junkyu.

"Hindi ko alam kung anong klaseng problema ang dinadala mo ngayon Yoojin, pero tandaan mo na lagi lang ako nandito. Kahit gaano kalaki pa 'yang problema mo, handa akong makinig.."

"..At sana tandaan mo din na magiging ayos din ang lahat." he smiled at me again, napangiti din naman ako sa kanya dahil doon.

"Ingat ka." tanging sagot ko na lang at saka sinara ang pinto ng apartment ko. Napabuga na lang ako ng hangin.

I smiled genuinely at nawala ang mga luha na namumuo kanina sa mga mata ko.

"Thank you, Kim Junkyu."

ok wtf, ang cringey ko na magnarrate

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ok wtf, ang cringey ko na magnarrate

WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon