✧ 005

702 43 38
                                    

JUNKYU'S

Hay buhay, gusto ko lang naman magkajowa pero bakit parang ayaw ng universe na ibigay sakin yung kina-iisa kong hiling na 'yon? May galit ba kayo sakin huhu.

"Hoy! Subsob ka nanaman diyan sa cellphone mo." biglang batok sakin ni Yedam.

"Aray ha."

"Ano nanaman ba 'yang inaatupag mo?.."

"..TINDER?!" sigaw niya, agad kong tinakpan ang bibig niya bago pa siya makasigaw ng kung ano-ano pa dito. Nasa cafeteria pa naman kami putek.

"Ang ingay mo naman eh!"

Agad niyang hinablot ang cellphone ko at tinignan 'yon, nakatakbo na agad sa malayo si mokong amputa.

Napatakip siya ng bibig sa nakita niya sa cellphone ko at tinignan ako ng parang gulat na gulat, bat ba ganyan siya maka-react di naman bold yung inaatupag ko don.

"Hoy akin na 'yan!"

"Nang-iistalk ka na din pala ngayon?! Song Yoojin? Shet, kawawang babae."

"Kawawa ka diyan, eh ayaw nga makipag-usap sakin."

"Maganda ba? Ilang taon? Kasing age lang ba natin? Bakit sa tinder mo siya hinahanap, nakapag-usap na ba kayo diya―"

"Manahimik ka na lang, please. Ang lakas-lakas ng boses mo oh!" at tumahimik nga siya.

Oo, hinahanap ko na sa lahat ng dating app na pwede ma-install 'tong Song Yoojin na 'to. Puro hindi kita ang mukha niya sa FB account niya kaya nagbabaka-sakali ako na makikita ko siya dito. Hindi ko siya titigilan ng basta-basta! Aalamin ko kung anong itsura niya, kung taga-saan siya, at lahat ng background niya sa buhay.

"Bakit ba hindi ka muna mag-relax ha, Junkyu?" imik ulit ni Yedam. Napatingin ako sa kanya.

Hindi ako pwedeng mag-relax.

"Bakit ba hindi din ako binibigyan ng jowa? Gusto ko lang naman maranasan magkaroon ng long-term relationship."

"Grabe, nahiya ang mga di pa nagkakajowa sayo."

Gusto ko din naman mag-relax at tumigil na sa kakahanap, kaso di pwede.. Kakaunting oras na lang ang meron ako.

"Tulungan mo na lang ako, please hyung.." pagpapa-cute ko kay Yedam hehe. Baka mamaya matulungan pa ako nito maghanap sa Yoojin na 'yon.

"Luh? Hoy gurang, mas matanda ka sakin." pinalo ko naman siya ng mahina dahil dito habang nakangiti pa din.

"Dali na! Promise, makikinig na ako sayo kapag tinuturuan mo kong kumain ng chicken."

"Weh."

"Pinky promise pa oh."

"Hm."

"Bilis na! Promise."

"Ok." sagot niya at saka kinapit ang pinky niya sa pinky ko.

"Ano bang maitutulong ko sayo? Di ko nga kilala 'yan eh."

"Tulungan mo ko sa paghahanap, kahit picture ng mukha niya or location ng school niya ganon."

"Wala bang FB account 'yan? Maghanap ka don ng pictures niya tsaka check mo na din yung mga 'About' sa kanya."

"Meron kaso di pinapakita yung mukha, wala naman din nakalagay sa 'About' ng account niya. Nakasabi lang don, 'Lives in South Korea'."

"Ang hirap naman niyan Junkyu, eh wala din namang Song Yoojin na pangalan dito. San natin hahanapin 'yan?"

"Aish. 'Yan nga din iniisip ko eh kaso ayoko siyang sukuan."

"Bakit nga ba ayaw mong sukuan? Balita ko kakabasted lang sayo ni Minju, tapos ngayon may iba ka na agad."

"Alam mo naman ako, mabilis sumuko."

Ganyan ang mukha ni Yedam pagkatapos ko sabihin 'yon. Hehe, bakit ba. Totoo naman yung sinabi ko hshs.

"'Yun na nga eh, mabilis ka sumuko pero bakit ayaw mong tantanan 'yang Yoojin na 'yan?" tanong niya sakin.

Oo nga no.

Napabuga na lang ako ng hangin.

"Pakiramdam ko kasi, siya na 'yon.." sagot ko.

"Wow. Sana all."

ang lutang ko na mag-narrationsend kasipagan please

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ang lutang ko na mag-narration
send kasipagan please

WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon