❪ YOOJIN'S ❫
⋯
"Yah. Nasa labas na yung driver mo, pwede mo na bitiwan yung kamay ko. At saka pwede ba, wag ka nga ngiti ng ngiti sakin, ang creepy na tignan." imik ko sa katapat kong lalaki ngayon.
"AHAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga, love." grabe, parang hangin lang talaga yung mga sinasabi ko sa kanya.
Sinulyapan ko ang driver niya mula sa labas, mukhang busy sa pag-cecellphone. Agadnamang lumingon ng pasimple si Junkyu. Napabuga siya ng hangin at nagmukhang kalmado.
Tumingin siya sakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Kamay ko please."
"Ayan na." agad niyang binitiwan ang mahigpit na hawak sa kamay ko.
Parang ewan din talaga 'to.
"Sigurado ka bang magagawa natin 'to sa loob ng isang buwan? First day a lang natin pero diring-diri na ako sa mga pinaggagawa natin."
"Relax and just go with the flow, Yoojin-ah. Sakyan mo na lang lahat ng mga gagawin natin."
Nakakainis. Bakit ba lagi na lang ako ang kinokontrol? Hindi ba pwedeng mag-desisyon din ako para sa sarili ko?
"Tss. Pare-parehas lang din pala kayo." napatingin lang sakin si Junkyu, mas pinili ko na lang manahimik ulit at umiwas ng tingin sa kanya.
Umorder agad kami, hindi talaga ako mahilig sa chinese foods pero dito niya ako dinala so wala akong choice. Mukha namang masaya siya habang kumakain kami, sana all happy. Buong pagkain namin, panay ang lingon niya sa driver niya. Dapat ata driver niya na lang sinama niya dito.
He was trying to make conversations with me pero tipid lang akong sumasagot. Isang tanong, isang sagot. Hanggang sa tumigil siya, siguro napansin niya ding wala ako sa mood. Kinuha niya ang phone niya at saka nakipag-chat sa kung sino man.
Pagkatapos ay siya na ang nagbayad ng lahat, sabi niya 'yun daw ang karaniwang ginagawa niya kapag may date siya kaya pumayag na lang ako. Bahala siya, go with the flow daw so di ako magrereklamo.
'Yun naman lagi kong ginagawa..
Tumayo na ako at aalis na sana, kaso bigla niya akong hinila.
"Anong ginagawa mo? Nandon ang exit―"
"Makikita tayo ng driver ko diyan."
"Malamang, makikita ka niya. Uuwi na tayo diba?" iritang pagtatanong ko, pero tinignan niya lang ako ng seryoso.
"Sino nagsabi?" hindi na ako nakaimik, sumunod na lang ulit ako. Ano ba 'tong katawan na 'to? Di makapalag kahit kanino? Amputa.
"Kim Junkyu!"
"Trust me. This will be fun."
Well, I don't like fun lalo na kung siya ang kasama. Paniguradong siya lang naman ang mag-eenjoy sa fun na sinsabi niya.
Palingon-lingon siya habang naglalakad kami, parang sinenyasan niya naman ang isang crew at agad na tumango ito. In just a second, nasa loob na kami ng kitchen. Pinadaan kami lahat ng crew hanggang sa makakita ako ng pinto papalabas. The fuck, kilala niya ata lahat ng crew dito.
BINABASA MO ANG
WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘ
Short Story"Sana kapag pwede na tayo, ako pa din ang mahal mo." ✦ They unconsciously ran away together, but still, the both of them just can't stay. ✧ Kim Junkyu. TreasureLand Series #3. Seoilteru 2020.
