✧ 056

408 29 30
                                    

A/N: this scene had already appeared on one of my stories, pero please don't drop names kahit alam niyo kung sino yung tinutukoy ko para iwas spoilers sa iba. and if you ever encounter this scene on one of my stories, don't drop names din please. thank you! :)


THIRD PERSON'S VIEW

Flashback.

"Diba si J―" turo ni Jihoon sa presensya ng isang kakilala niya.

"Jihoon!" sigaw naman ni Jyunhao at saka tumakbo papalapit sa kanya.

Tinignan ni Jihoon ang kaibigan mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam kung matatawa ba siya kay Jyunhao o hindi. Pawis na pawis kasi ang binata at halatang kanina pa din tumatakbo.

"Bakit ganyan ang suot mo? Magcacamping tayo pre, hindi-"

"May nakita ba kayong dumaang babae dito na naka-white dress tapos maganda, nakatali yung wavy niyang buhok na parang nagmamadali din?" hingal na explanasyon naman ng binata.

"Ano bang sinasabi mo? Sinong naka-white dress na ba 'yang
tinutukoy mo? At saka, bakit ka ba tumatakbo?"

"She's my bride, Jihoon. And she ran away, mismo sa kasal namin."

Halata ang gulat sa mukha ni Jihoon at ng babaeng kasama niya. Tinignan nila ng saglit si Jyunhao na pilit huminga ng maayos pagkatapos niyang tumakbo ng napakalayo na.

"Sorry, pero wala kaming nakita.." sagot ng babaeng kasama ni Jihoon. Nagpipigil naman na ng luha si Jyunhao.

"Sige, salamat na lang. Babalik na ako sa venue.."

"Pano yung camping?"

"Saka na 'yan, babalik din naman ako sa Korea.." walang pag-iisip na sagot ng binata. Habang pabalik ay hindi na niya nakayanan pang pigilan ang pag-iyak. Naupo siya sa may sidewalk at doon tuluyang humagulgol.

"Kasalanan ko 'tong lahat.. Dapat sinabi ko na lang agad kay Yoojin.. I'm sorry.. Ang selfish ko.."

Wang Jyunhao, the groom of Song Yoojin. Pinagkasunduan silang ikasal kapalit ang partnership ng company ng mga Wang sa kompanya ng mga Song. This is all because Jyunhao's parents always knew that their son liked Yoojin ever since they were kids. On the other hand, the Song's agreed without even thinking kung ano ang sasabihin ng anak nila. They know that she will refuse, kaya hindi muna nila sinabi kay Yoojin ang lahat. Hanggang sa tuluyang i-announce ang engagement ng dalawa without Yoojin having the slightest idea.

The bride who ran away managed to escape their wedding as well as Japan, kung saan ito ginanap. She found a way to go back to her home-country. Pero kahit anong pagtatago ang gawin niya, it will never change the fact na kasal na siya kay Jyunhao.

It was already written on the papers.

"Ang sama nanaman ng tingin mo diyan sa phone mo, ano ba kasing nangyayari ha Yoojin?" tanong ni Jeohyun sa kaibigan. Kakagaling lang nila sa airport at kakasundo lang niya kay Yoojin.

"Tss. Kung nag-reply kasi 'tong Junkyu na 'to noon, edi sana di matutuloy yung bwisit na event na 'yon!" pag-mumurmor niya habang tinuturo-turo yung cellphone niya.

Nakatingin lang ng masama sa kanya si Jeohyun, ng mapansin niya 'yon ay agad niyang kinuha ang luggage niya na dala-dala ng kaibigan at saka ngumiti dito.

WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon