✧ 055

423 37 45
                                        

YOOJIN'S

"Handa ka na?" natuon naman kaagad ang atensyon ko kay Junkyu na nasa tabi ko. Nasa loob kami ngayon ng sasakyan, at nakatingin na agad ako sa venue sa labas.

Di ko mapigilang kabahan ng sobra. Ngayon lang ulit ako haharap sa madaming tao. At katulad ng last, nagpapanggap pa din ako..

I let out a sad smile. Agad naman niya ata 'yong napansin dahil sa agad na pag-iba ng reaksiyon niya. He looks worried. I'm sorry, natatakot na lang talaga ako sa mga ganitong venue.

"I'm not, but I will be." sagot ko na lang sa kanya.

Hindi niya inalis ang tingin sakin, binuksan naman na ng driver niya yung pinto sa side niya. He held my hand tightly bago kami bumaba.

This is actually a formal event kaya naka-semi formal attires kami. I'm wearing a loose formal white long sleeves for the top, habang high-waist black pencil skirt naman sa pangbaba. Si Junkyu? He's more handsome ngayong naka-coat siya ng white habang may pang-ilalim na black shirt, he's also wearing slacks which made his long slender legs more visible. Yung buhok niya, iniba niya din ng style, he made it into a push back one.

Ang gwapo niya lang talaga, 'yun na lang din siguro ang nagpapakalma sakin ngayon haha.

Halos nanginginig yung mga tuhod ko habang naglalakad papunta sa venue. At alam kong pansin na pansin 'yon ni Kyu, sobrang higpit na ng hawak niya sa kamay ko.

"Yah. Ayos ka lang ba? Pwede ka pa naman magback-out."

"No. Let's do this."

"But you don't look fine, Yoojin. I-tetext ko na yung boyfriend mo, I'll tell him to pick you up here."

"T-Teka Kyu.. Anong boyfriend?"

"Boyfriend. Si Hyeongjun."

"Yah!" at sa wakas nakatayo ako ng maayos at pinalo siya ng very very light lang naman.

"Bakit?"

"Wala nga akong boyfriend! Aish. Kapatid ko si Hyeongjun, ok?" imik ko at saka umirap sa kanya. I walked away but he seemed to be shock, as in. Parang natigil yung sistema niya after ko sabihin 'yon.

"Kim Junkyu. Ano ba-"

"So wala kang boyfriend ngayon?" tignan mo 'to, paulit-ulit.

"Wala nga! Gusto mo ba magka-meron ako?"

"Of course not." ngiti niya habang papunta sakin. Sinundan ko lang naman siya ng tingin, problema nito?

Agad niyang inabot ang kamay ko at hinawakan 'yon ulit, but unlike kanina, he chose to intertwine it together. Tangina, yung puso ko, ang bilis tumibok! Gago baka ma-highblood naman ako nito!

"Junkyu-"

"Yoojin-ah, gusto mo ba ako?" napatitig ako sa kanya pagkasabi niya noon. Ano daw? Gusto? Siya? Ako? Nabingi ba ako?

"Kinakabahan na ako ano ba Kyu, wag ka naman na mang-asar-"

"Sagutin mo na lang. Do you like me? As a man?"

Kim Fucking Junkyu. This is really not the right time to mess around pero mukha siyang seryoso, aish!

"Pag sinagot ko ba 'yan, tutuloy na tayo sa venue?" tanong ko sa kanya, tinanguan naman niya ako at saka nagpa-cute. Hindi ko alam kung sinasadya niya o ano ha pero ang cute lang kasi.

WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon