✧ 001

1.2K 64 64
                                    

JUNKYU'S

"Minju, gusto kong manligaw sayo. Kaya sana, sagutin mo din ako ng 'oo'."

"Seryoso ka ba, Junkyu?" sabay nito ang pagtawa ng babaeng nasa harap ko.

Anong nakakatawa sa sinabi ko? May dumi ba ako sa mukha? May tao ba sa likod ko? Sobrang seryoso ko ngayon tapos tatawanan niya lang ako? Tsk. Kung di lang kita kailangan eh, hays.

"Hindi kita maintindihan.."

"Yah, Kim Junkyu. Mukha bang ganon lang ako kadali paikutin? Alam ko 'yang ginagawa mo."

Ano ba naman 'to, andami niyang sinasabi. Bakit di niya na lang sabihin sakin ng diretsahan para malaman ko kung sasagutin niya din ba ako o hindi?

Ang hirap naman nitong binigay mo sakin, Haruto.

"Ano bang pakay mo sa mga nagiging jowa mo? Ano, after one week palit agad ng bago? Bakit di ka makapag-stay sa isa ha?"

Wow. Sorry ha, hindi mo kasi alam yung sitwasyon ko?

"Lahat ba ng babae dito sa school, balak mong ligawan? Gusto mong i-try kaming lahat?"

Andami niyang sinasabi jusko, bakit ba andami niyang tanong? Hindi ba pwedeng sagutin niya na lang yung tanong ko kanina ng 'oo' o 'hindi' para tapos na agad.

"Wag mo akong itulad sa iba, Junkyu. Hindi ako uto-uto tulad ng iba―"

"Ok, fine. Edi hindi na ako manliligaw sayo, masaya ka na?"

"What?"

"Sabi ko, hindi na ako manliligaw sayo. Tinatanong lang naman kita kung pwede bang manligaw o hindi. Kung ayaw mo, edi hindi ako manliligaw."

Napabuga naman siya ng hangin dahil sa sinabi ko. I waved her goodbye, para namang nagulat ang reaksiyon niya.

"Bye! See you sa hallway, Kim Minju." I said at saka tuluyang umalis.

I smiled while walking out the garden, that girl is good out of all the girls I asked out. Too bad, I'm in such a hurry. Siguro, next time na lang kapag natapos na 'tong lahat.

After that thought, napaupo na lang ako sa damuhan na nasa likod ng school. I frowned, ekis nanaman. Wala na ngang susunod sa listahan ko! Ano ng gagawin ko ngayon?

Napasabunot ako sa buhok, nakakabwisit na buhay 'to. Gusto ko lang naman ng jowa! Bakit hindi niyo pa ibigay sakin huhu. Humiga ako sa damuhan at saka nag-scroll sa Messenger ko.

Halos lahat na nga ng babae dito sa school, na-chat ko na. May mga taga-iba ding school, hays. Kung kani-kanino na ako pumapatol pero walang nagtatagal. Kailangan ko lang naman sila for a couple of months, ano bang mahirap don?

Bakit ba ayaw nila mag-stay?

I scrolled down more hanggang sa mapatigil ako sa nakita kong pangalan.

Song Yoojn?

Ah.. Miss plan B.

"Hay.. Buhay pa kaya 'to? Sana maalala niya pa ako." I whispered to my phone.

Pinindot ko ang pangalan na 'yon at saka nagsimulang mag-type. Sana talaga sumagot siya.

Message sent to Song Yoojin.

Yoojin, Yoojin, Yoojin. You're my only hope, kaya please, patulan mo ako!

Please.. Be my escape, Song Yoojin.

 Be my escape, Song Yoojin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ahe

WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon