✧ 048

394 31 31
                                    

1 week later.

YOOJIN'S

One week na ang lumipas simula ng maging cold na hindi ko alam sakin si Junkyu.. Di ko maiwasang mag-alala, pero tuwing magtatanong naman ako eh laging wala sa timing. Siguro ganito talaga siya, di lang ako sanay.

"Huy noona, kanina ka pa humihinga ng malalim diyan ah. May problema ka ba?" biglang tanong sakin ni Hyeongjun, di siya dito nag-sstay pero hinanapan ko siya ng lugar na pwede.

Mahirap na kasi, baka mas lalo lang akong mahanap ng parents namin pag magkasama kami.

"Wala.."

"Iniisip mo siguro yung boyfriend mo no?" napalingon naman agad ako sa kanya. Halata ba sakin??

"H-Hindi ah! Bat ko naman iisipin 'yon.."

"Malamang kasi jowa mo siya?"

Di naman totoo 'yon..

"Bakit di mo siya tawagan?"

"Tawagan? Para saan?"

"Wala lang. Kung nag-aalala ka kasi sa kanya o ano, pwede mo naman siyang tawagan since boyfriend mo siya."

Pero di nga kasi kami tunay na magjowa, aish. Baka asarin lang ako non pag tumawag ako.. Teka, aasarin niya ako? Edi.. Good diba? Babalik kami sa dati. Baka hindi na din siya maging cold sakin. Tama!

"Thanks Junie!"

"Ha? Luh."

Dialing Kyu Pabo . . .

Ringing . . .

"Hello?"

"Uh, hello.. Junkyu?"

"Oh? Bat napatawag ka?"

"Ah.. W-Wala lang. Ano lang kasi, uhm.."

"..."

"Ang tahimik mo."

"Wala naman akong sasabihin."

"Bakit?"

"Bakit? Bakit ano? Ikaw yung tumawag Yoojin."

"Alam ko pero bakit? Bakit wala kang sasabihin?"

"Ha?"

You're a fool Song Yoojin, ikaw 'tong tatawag tapos di mo alam ang sasabihin kay Kyu! Aish.

"Napapansin ko lang kasi.. Na ano.."

"Ano?"

"P-Parang matamlay ka these past few days. Gusto ko lang sana tanungin kung ayos ka lang ba or may nangyari ba sayo-"

"Haha."

Ha-ha-ha, tawa ka diyan. Nakakatuwa ba 'yon ha Kim Junkyu? Tsk.

WHITE RABBIT 'ʲᵘⁿᵏʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon