"Sana kapag pwede na tayo,
ako pa din ang mahal mo."
✦ They unconsciously ran
away together, but still, the
both of them just can't stay.
✧ Kim Junkyu.
TreasureLand Series
#3. Seoilteru 2020.
"Jeohyun, pumasok ka na sa loob." ang sama ng tingin niya kay Jeohyun, lalo na sakin hehe. Mukhang gumana naman yung surprise.
Pumasok din sa loob ng apartment niya yung Jeohyun, nanatili kami parehas sa labas.
"Kung alam ko lang na stalker ka, sana di na lang kita minessage noon." imik niya habang naka-kunot ang noo sakin.
Ngayon ko lang nakita yung mukha niya but at some point, parang pamilyar sakin ang mukha niya. She looks like someone that I know.
Nakasandal lang ako sa pader habang nakatingin sa kanya. Di ako umiimik, tinitignan ko lang siya doon. Parang di naman siya girlfriend material. Mukhang masungit pa.
"Stop staring and start talking, anong pakay mo dito?" ay wow, englisher. Mukhang ma-attitude din hays.
Minalas ata ako ngayon ah.
"Pakay ko dito? Malamang ikaw." seryosong sagot ko.
"Bakit mo ko minessage noon tapos bigla akong iiwasan pagkatapos?"
"Di mo ba kita? My message was already 6 months ago and you leave me in seenzoned. Sa tingin mo ganon ako katanga para hintayin ang reply mo for 6 months? Di lang ikaw ang lalaki sa mundo." naalala ko bigla si Minju sa sinabi niya.
Grabe, nakakatakot. Para silang nangangagat tuwing magsasalita ng ganyan.
Tumayo ako ng maayos at lumapit sa kanya. Di siya kumibo at sinamaan lang ako ng tingin, tapang talaga.
"Pag nag-sorry ba ako, tatanggapin mo?" pagpapacute ko sa kanya pero di nagbago ang itsura niya.
"Kailan pa ba naging regalo ang 'sorry'? Umalis ka na kung wala ka ding sasabihing matino." ang. sungit.
Inirapan niya lang ako ng di ako umimik. Tatalikuran niya na sana ako ng bigla ko siyang hinawakan sa braso. I don't have a choice, ikaw na lang ang meron ako.
"Yah, Song Yoojin. Please, pwede bang i-try natin kahit ngayon lang?" agad siyang humarap sakin na puro pagtataka ang mukha.
"Yung totoo, bakit ba kating-kati ka na magkajowa?"
Bigla akong nakaramdam ng vibrate mula sa bulsa ko. Tumatawag na ata si Jaehyuk. Teka lang kayo, tatapusin ko lang 'to.
"Hindi ba dapat alam mo na 'yan nung inalok mo ako?"
Kinunotan niya lang ako ng noo ulit, di niya pa alam? Eh bakit siya nag-message sakin ng ganon? Ah.. Gusto niya ako kaya niya ginawa 'yon no? Hays, kaya naman pala.
"Nabalitaan ko nga lang diba? Kung wala ka ding balak sabihin sakin, pwede ka na umalis." tumalikod na ulit sakin pero nahatak ko siya pabalik.
"Yoojin teka―"
Shit. Napalakas ata, yung mukha niya kasi..
Masyadong malapit sakin..
"Di nasagot si Junkyu hyung! Gutom na ako!"
Jeongwoo..
"Abangan na nga kasi natin sa baba, kulit eh."
Doyoung?
"Eto na nga oh!"
Shit. Jaehyuk.
"Bat ba nasigaw Jaehyuk? Ang lakas ng boses kabingi."
"Wow, sorry ha?"
"Tama na mga hyung, gutom niyo lang 'yan."
Nasa kabilang apartment lang din sina Junghwan?
"Bwisit, bakit ba kasi ang tagal ng lalaking 'yon?"
Shit. Shit. Shit.
Aish. Kakakita lang namin ni Yoojin tapos ganito na agad. I'm sorry Yoojin, pero kailangan ko 'tong gawin sayo ngayon.
"Teka.. Kim Junkyu?!"
"S-Sino 'yan?!"
Tangina.
Pinaghahampas na ako ni Yoojin dahil sa ginagawa ko ngayon, at putangina ang sakit sa likod!
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya para naman senyasan siya na tumigil.
"Thank you, Yoojin-ah.. Sobrang saya ko ngayon dahil sayo." acting 101 with Kim Junkyu. Puta ang corny pero sige, gawin na lang natin para mas walang kahina-hinala sa amin.
At para din hindi na siya makatanggi sakin.
I smiled at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. I smiled more at her habang yung mukha niya, hindi maipinta.
"Yah! Kim Junkyu hyung!" nilingon ko sila at nakita ang mga reaksyon nilang gulat na gulat. Grabe, ano? Ngayon lang kayo nakakita ng babae't lalaking nagyayakapan?
"Uy ahahaha." tanging imik ko sa kanila at saka kumaway.
Sabay-sabay naman silang napatingin sa babaeng katabi ko. This will be good.
"Sino―"
"Ah, nga pala. Meet my girlfriend, Song Yoojin. Kakasagot niya lang sakin ngayon, actually ahaha." sagot ko agad at saka hinawakan ang kamay ni Yoojin sa harap nila. Tinaas ko 'yon.
"We're dating."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ok last na talaga 'tong narration na 'to AHAHAHAHAHA chat na ulit sunod