Chapter 1

47 7 0
                                    

"Oh?"

[Nasaan ka na ba? papunta na kami sa kabila!]

Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko nang marinig ang malakas na boses ni Alliah mula sa kabilang linya.

Ni-loud speaker ko ang aking cellphone at ibinaba ito sa mesa bago ipinagpatuloy ang pagsusuot ng sapatos.

"Nasa bahay pa ako."

[WHAT?!]

Napangiwi ako dahil sa pagsigaw niya. Ano bang problema nito?

[Ang akala ko ay nasa byahe ka na. You're like a turtle, Ell. Ang bagal mong kumilos!]

"Bakit ba?!" inis kong tanong.

'Kung makapagsabing para akong pagong, hmp!'

[Duh! Teacher's day, okay? We should be there early!]

Tumayo na ako nang matapos magsuot ng sapatos.

"Mauna kana, susunod nalang ako doon."

Tama ang sinabi ni Alliah, teacher's day ngayon at doon yun gaganapin sa kabilang campus.

Grade 11 kami at nakahiwalay sa grade 12, sila ang nasa kabilang campus na paggaganapan ng program for teacher's day.

I ended the call at humarap sa salamin para mag-ayos.

Naglagay muna ako ng cream bago naglagay ng light na clay blush sa pisngi ko. Naglagay din ako ng manipis na lipstick sa labi ko.

Nakasanayan ko na rin ang mag-ayos sa tuwing aalis ako ng bahay. Pero hindi ko naman kinakapalan ang lagay dahil baka magmukha akong coloring book gaya ng iba. Tsaka hindi bagay sa akin ang bonggang make-up, light lang dapat.

Katulad ng palagi kong ginagawa, nag-pose ako ng nag-pose sa harap ng salamin na parang tanga.
Bakit ba? eh ang ganda ko kasi eh duh!

Buti nalang at nakacivilian kami ngayong araw. Naku, kung pinagsuot kami ng uniform ngayong teacher's day ay baka hindi na ako a-attend.

Suot ko ang aming strand shirt na tinernuhan ko ng high waist ripped jeans at black shoes. Suot ko rin ang ID ko dahil baka hindi ako papasukin ni manong guard. Hinayaan ko rin na nakalugay ang mahaba kong buhok dahil basa parin naman ito para itali.

"Alis na po ako," pagpapaalam ko sa mga magulang ko at nagmano sa kanila.

Hinalikan ko naman sa pisngi ang pamangkin ko na kumakain ngayon ng tinapay.

"Bye, baby boy!"

Panay ang chat sa akin ni Alliah kung nasaan na daw ako.

Bakit ba atat na atat siya na makita ako? Ganoon na ba ako kaganda? hahaha

Halos trenta minutos din ang itinagal ng byahe bago ako nakarating sa campus.

Marami na rin ang estudyante at halos lahat sila ay may mga dalang balloons, flowers, cakes at kung anu-ano pang regalo.

Samantalang ako, heto. Kagandahan lang ang dala.

That Gay Is My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon