Ilang beses binalak ni Kruss na higitin sa akin ang kaniyang kamay na hawak ko ngunit sa halip na bitawan ay mas lalo ko lamang itong hinigpitan. Ngingisi-ngisi ako habang hinihila siya paakyat sa hagdanan na patungo sa simbahan.
"Bitawan mo na nga ako!" asik niya ngunit nagpatuloy lamang ako sa paghila sa kaniya hanggang sa makarating kami sa mismong harap ng simbahan.
"Ten-ten-tenen... ten-ten-tenen!"
Umirap sa akin si Kruss at malakas na hinigit sa akin ang kaniyang kamay nang mapang-asar kong ginaya ang tunog ng wedding march. Tatawa-tawa akong nagpatuloy sa paglalakad papasok sa simbahan at hindi na inabalang muling hilahin si Kruss dahil agad naman siyang sumunod sa akin sa loob.
Magsisimula na ang misa kaya naman mas lalong dumami ang tao sa loob ng simbahan. Agad kaming nakahanap ng upuan sa bandang likuran. Sa mismong dulo ko pinaupo si Kruss 'tsaka ako tumabi sa kaniya para siguradong wala siyang makakatabing iba. Napangiti na lamang ako nang isang matandang babae ang tumabi sa akin.
Nagsimula na ang misa kaya naman tutok lamang ang paningin ko sa unahan at ganoon din si Kruss. Ngunit nang magsimula ang pagbasa ay nagsimula nang maglikot ang mga mata ko. Karamihan ay nakikinig sa misa ngunit ang iba naman ay panay ang hikab. Tipikal na nangyayari kapag mayroong misa. Muntik pa akong matawa nang bumagsak na talaga ang ulo ng isang lalaki dahil sa kaantukan.
Nang mapatingin ako sa bandang gilid sa unahan ay animong naging puso ang mga mata ko nang makita ang mga nakatayong sakristan doon.
"Tingnan mo!" mahinang bulong ko kay Kruss na tutok na tutok sa misa, pasimple kong itinuro ang mga sakristan. "Ang g-gwapo!" kinikilig na sambit ko ngunit natigilan ako nang makatanggap ng pambabatok mula sa kaniya. "Ang sakit no'n, ah!" mahinang asik ko habang hinihimas ang aking ulo.
Naningkit ang mga mata ko nang mapansin si Kruss na titig na titig naman sa mga sakristan at para pang nagt-twinkle ang mga mata niya. Binatukan ko siya.
"Aray!" daing niya.
"Huwag mo nga silang titigan!" pasigaw ngunit mahinang sabi ko.
"Itinuro mo sa akin tapos bawal titigan?!"
"Bawal talaga!"
"At bakit? Gusto mo sa iyo lang? Madamot ka!"
"Hindi!"
"Eh, ano?!" balik niyang sigaw sa akin. Napatingin sa amin ng masama ang matandang katabi ko.
"Ssshhh!" pareho kaming natahimik.
Psh! Kasalanan niya ito eh! Itinuro ko lamang ang mga gwapong sakristan pero hindi ko naman sinabing titigan niya! Nakakainis!
Tumingin ako sa mga walang kaalam-alam na sakristan at matalim silang tinitigan. Gwapo kayo pero ayoko na sa inyo! Inaagaw ninyo ang atensyon ni Kruss! Grrr!
"Nagseselos ako." hindi ko namalayan na nasabi ko na ang salitang iyon.
Ramdam kong napatingin siya sa akin at natigilan kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kaniya at seryoso siyang tinitigan.
"Huwag kang tumitig sa iba, gusto akin ka lang," seryosong sabi ko. Gusto ko tuloy matawa nang makita ko ang paglunok niya.
Natahimik siya at nag-iwas ng tingin sa akin, itinuon ang atensyon sa paring nagsasalita sa unahan kaya naman ganoon na lamang din ang ginawa ko.
"Magbigay tayo ng kapayapaan sa bawat isa," ani Father.
Agad nagsabihan ng peace be with you ang mga tao, ganoon rin naman ang ginawa ko sa mga nadadapuan ng tingin ko bago ako bumaling kay Kruss na noo'y nasalubong ko ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
That Gay Is My Crush
Teen FictionFormer title: I Fell Inlove With A Gay ---- Date started: April 02, 2020 Date finished: ------