Chapter 9

14 4 0
                                    

"ANO?! AYOKO!"

Malakas kong tinabig ang kamay ni Vea na may hawak na isang maliit na papel.

Sabay-sabay na umikot ang mga mata nila dahil sa pagsigaw ko.

No way! Ayoko nang mapahiya! Arg!

Nakaupo parin kami dito sa bench at natapos na nilang ipaliwanag sa akin ang dare 'kuno' nila.

"Oh, God Ellisse! I told you! This is your last shot! Tanggapin mo na lang!" maarteng pinaypayan ni Alliah ang sarili niya gamit ang isa niyang kamay na para bang banas na banas na siya sa akin.

Ilang beses akong umiling habang iwinawagayway ang isa kong kamay.

"I won't do that!"

Halos sabay-sabay ulit na bumagsak ang mga balikat nila dahil sa sinabi ko.

Napatingin ako sa grade 12's building. Wala na sa second floor sina Kruss dahil kanina pa silang naka-akyat sa fourth floor. Wala na rin sa ibaba yung mga players at konti na lang din ang mga estudyanteng naglalakad, ang iba nama'y nakatambay lang din sa ilang benches na medyo malayo sa pwesto namin. Halos isa't kalahating oras na kaming nakatambay dito and we only have 45 minutes more bago magsimula ulit ang aming klase.

"Oh my God! Just do it, Ellisse! Look, oh! Pababa na ulit sila!" biglang sigaw ni Vea habang nakaturo sa fourth floor ng building. Nagsisimula na ngang bumaba ulit sina Kruss.

Napalunok ako habang nakasunod ang tingin sa kanila.

"Ellisse! Bilis na kasi! This is your chance! Kapag hindi pa umobra, saka tayo titigil!"

"Right, Ellisse! Eto nalang ang huli naming naiisip para tulungan ka!"

"Please, Ellisse? Sayang naman ang pagpa-plano namin!"

Napatingin ako sa tatlo kong kaibigan na ngayon ay pare-parehong magkadaop ang mga palad at may nangungusap na mga mata.

Oh my God!

Padabog akong tumayo kaya sabay-sabay silang napahabol ng tingin sa akin. Nakatingala na sila ngayon dahil nakaupo parin sila, parang naghihintay pa sila sa sasabihin ko.

Mariin akong napapikit bago muling dumilat ang tumingin sa kanila.

"Fine!"

Sabay-sabay muli na nanlaki ang mga mata nila kasabay rin ng pag le-letter 'O' ng bibig nila.

Kinakabahan akong nakaabang sa may building ng grade 12. Mabilis akong napatakbo dito kanina nang makitang nasa second floor na kanina sina Kruss at mga kaibigan niya.

Naalala ko pa ang mga bilin sa akin ng mga kaibigan ko bago ko sila iwan na nakaupo sa bench at ngayon ay nakatanaw sa akin.

"Just act cool in front of them."

"And don't forget to smile!"

"H'wag mong ipahalata na kinakabahan ka."

"Batuhan mo lang ng mga banat si Kruss!"

"Kung kailangan mong mag-drama sa harap niya para lang pumayag siya, gawin mo!"

Pagkatapos ay ibinigay sa akin ni Vea ang piraso ng papel na iniaabot niya sa akin kanina na ngayon ay nasa bulsa na ng aking pants.

Napatuwid ako ng tayo nang makita ko na ang mga kaibigan ni Kruss.. wait, nasaan si Kruss?

That Gay Is My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon