"Haaay, ang sarap talaga ng hangin dito!"
"Anong lasa, girl?"
"Gusto mong masapak, Veatrice? Panira ka!"
Abala si Cian sa kaniyang ka-chat, sina Alliah at Vea naman, ayon at kulang nalang ay magsabunutan. Habang ako? Heto at abala naman sa pagkuha ng mga litrato.
Nakatambay kami ngayon dito sa bench na nasa lilim ng malalaking puno kaya naman hindi kami naaabot ng init. Vacant time namin ngayon kaya naman naisipan naming lumabas muna ng classroom at magliwaliw dito.
Sa loob ng apat na buwan matapos naming mapalipat sa campus na ito, ito na ang naging tambayan naming magkakaibigan palibhasa'y tahimik at maaliwalas.
Mas masarap lalo na tumambay dito, lalong lumamig dahil december na.
Click!
I zoomed out the picture. Naniningkit ang mga mata na napatingin ako sa building kung saan ko nakuha ang litrato. Sa second floor ng Grade 12 building.
Kruss Angelo Aguilerra with her 3 girl bestfriends. Nagtatawanan sila habang nakadungaw sa ibaba.
Teka.. bakit sila nasa second floor? At anong tinitingnan nila sa ibaba-- oh..
Napataas ang kilay ko nang makita ang mga lalaking nakatambay sa may railings sa ibaba ng building. Nagk-kwentuhan sila at nagtatawanan. Kung hindi ako nagkakamali, mga basketball players sila.
Muling umangat ang tingin ko sa second floor kung nasaan sina Kruss. Naghahampasan sila at nagtatawanan habang nakadungaw parin sa ibaba at nakatingin sa mga players.
Aha!
Pinagtataksilan ako ni Kruss! How could he?! And worst, sa mga lalaki pa!
"Girl, baka masira na 'yang cellphone mo!"
Napatingin ako sa cellphone ko at nagulat pa nang makitang sobrang higpit na ng hawak ko dito. Tinawanan naman ako ni Cian.
"Sobrang obsess mo talaga diyan kay Kruss." napatingin ako kay Cian at nakitang nakatingin na rin siya sa building kung nasaan sina Kruss kaya tumingin na rin ako do'n.
Maarte akong suminghap at humawak sa dibdib ko na parang nasasaktan.
"Look! He's cheating on me! Hindi niya man lang iniisip ang nararamdaman ko!" kunwari pa akong nagpunas ng luha matapos sabihin 'yon.
Napatigil lang ako nang makatanggap ng malakas na batok kay Cian.
"Ang sakit no'n, ah!" malakas na angal ko.
"You look stupid kasi, girl. Hahaha" tumigil siya sa pagtawa at napalitan ng pagngiwi. "Anong ginawa sa'yo ng Kruss na 'yan? Mas lumala yata ang pagkabaliw mo?"
Ngumuso nalang ako at muling tumingin kay Kruss. Like what I've said before, marami na talaga akong naging crush na mga gays. But for your information, crush ko lang sila kapag nakikita ko sila. Gano'n lang! But this one is different..
Kahit hindi ko siya nakikita ay gustong-gusto ko siya. Dumaan ang semestral break pero siya parin palagi ang bukambibig ko sa mga kaibigan ko kapag magkakausap kami sa video call, or even chats.
I always stalked him on facebook too. Nakita ko pa nga yung report card niya and oh! Ang tataas ng grades! Paano nangyari 'yon? 97 yung average niya. Ghawd! Hiyang-hiya yung average ko na 88.
"You know what, Ellisse? You've been admiring him from a far for 4 months. Don't you ever think that maybe this is the right time to make a moves? I mean.. Ellisse's da'moves? Bigyan ka ulit namin ng task hihi"
BINABASA MO ANG
That Gay Is My Crush
Teen FictionFormer title: I Fell Inlove With A Gay ---- Date started: April 02, 2020 Date finished: ------