Chapter 2

33 6 0
                                    

'Ano kayang pangalan niya?' sa isip-isip ko habang nakahiga sa kama at nakatitig sa cellphone ko.

"Paano ko malalaman? nakakainis!" bulong ko sa aking sarili.

Ini-off ko na lang ang cellphone ko at pinilit na makatulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may usapan kaming magkakaibigan na mag-gagala kami ngayon.

Ginawa ko muna ang mga kailangan kong tapusin bago ako pumunta sa banyo para maligo.

~Tinamaan na ako,
Walanghiya ka kupido,
Nasira schedule ko,
Lintik na kabaliwan ito ohh ohh~

Kumakanta-kanta pa ako habang naliligo.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang naiisip ang mukha ng crush ko.

Napaka-cute niya talaga! Hays, ito na ba ang love at first sight na sinasabi nila?

Nakakabaliw!

Posible naman siguro na magkita pa ulit kami dahil magkalapit lang naman ang campus namin.

Bakit ba kasi ngayon ko lang siya nakita? kung kelan naman patapos na ang school year at ga-graduate na sila.

Napanguso ako dahil sa isipin na baka hindi ko na siya makita sa susunod na pasukan dahil college na siya. Paano kung sa malayong school siya mag-aral? hays.

"Hoy nasaan ka na? kanina pa kami dito!" basa ko sa text sa akin ni Cian nang damputin ko ang cellphone ko matapos maligo.

Sinabi ko naman na on the way na ako kahit mag-aayos pa naman ako.

Busy ako sa paglalagay ng kung anu-ano sa mukha ko nang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello?"

[Gaga! nasaan ka na?!"]

"Nasa bahay, nag-aayos," natatawang sagot ko.

[Letse! akala ko ba on the way na?!]

"Joke lang yon!"

[Joke joke kapa diyan, bilisan mo. Yung crush mo nakita namin dito!]

Nanlaki ang mga mata ko. 'omygod!'

"N-nandiyan pa ba siya? sandali papunta na ako!"

Ini-end ko na ang call at dali-daling dinampot ang bag ko bago mabilis na tumakbo pababa.

"Ma! Alis na po ako!" pagpapaalam ko at dire-diretso nang lumabas ng bahay.

Halos madapa ako sa pagtakbo makarating lang sa kanto namin.

'Pakineng shet! bakit ba walang nagpapasakay sa akin? kapag hindi ko naabutan ang crush ko pagsisisihan niyo!'

Gigil na gigil na ako dito. Bwiset kasi yung mga tricycle driver, bubusina sa akin pero hindi naman ako pinapasakay. Argh!

"Kuya, sa mall!" nagmamadali akong sumakay sa tricycle na huminto sa tapat ko.

Gusto kong kutusan ang driver dahil sa bagal ng pagpapatakbo nito.

Bwiseeeet talagaaaa!

"K-kuya, wala na ba itong ibibilis?" pigil ang inis na tanong ko.

"Nag-iingat lang, hija." napasimangot ako at tumahimik na lamang.

Hindi ko maaabutan si crush eh, huhu.

"Hija,sukli mo!" napapakamot sa ulo na bumalik ako at kinuha ang sukli ko bago muling tumakbo palapit sa mga kaibigan ko.

That Gay Is My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon