"Good morning,manong guard!" nakangiting bati ko sa gwardiya nang makarating ako sa campus. Ngumiti ito sa akin at bumati din.
Nakangiti akong naglakad papasok ng campus. Napakasaya naman ng araw na ito!
haaaaaays!
Nagpalinga-linga ako para hanapin ang mga kaklase ko.
"Saan kaya classroom namin?"
Pakiramdam ko ay first day of school dahil hindi ko alam kung saan ang aming bagong classroom.
Napatingala ako nang marinig ang boses ni Cian na tumawag sa pangalan ko.
Napanganga ako.
4th floor? nakakatamad namang umakyat!
Nagsimula akong maglakad palapit sa hagdan. Napahinga pa ako ng malalim.
Keri mo ito, Ellisse!
Nagsimula akong umakyat sa hagdan. Grabe! Sa fourth floor ba talaga kami? hindi na ba magbabago?
Hinihingal akong napatigil at napakapit sa railings ng hagdan.
"Nakakapagod naman!" reklamo ko at iniunat aking binti na nanakit kaagad sa pag-akyat ko.
"Parang kahapon lang napakasaya mo dahil dito na tayo. Ano ngayon? masaya ba?"
Sinamaan ko ng tingin si Cian na natatawang nakatingin sa akin ngayon.
Kainis!
"Saan upuan ko?" tanong ko nang makapasok ako sa room namin.
"Diyan sa unahan, tabi tayong apat." napangiti ako dahil sa sinabi ni Vea.
Ibinaba ko na ang aking bag at lumabas ulit sa classroom namin dahil hindi pa naman start ang klase at maaga pa.
Pumunta ako sa may pasimano at dumungaw sa ibaba.
'Ayos din naman pala dito, maganda rin ang view at malakas ang hangin' tumatango-tangong isip ko.
Pumikit ako at nilanghap ang hangin.
Grabeeee! sarap sa pakiramdam!
Idinilat ko na ang mga mata ko at napatingin sa building na katapat ng building namin.
Nanlaki nalang ang mga mata ko dahil sa nakita ko.
Nakatayo siya sa may pintuan ng classroom sa kabilang building na katapat ng classroom namin.
'Yung crush ko!'
Nakasandal siya sa hamba ng pinto habang nag ce-cellphone.
Pumangalumbaba ako sa pasimano at tinitigan siya.
Ang gwapooo! tanginaaaa!
"HOY!"
Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsigaw ni Cian.
"Ano ba? bakit ka nanggugulat?!" sigaw ko sa kaniya.
"Nakatulala ka kasi diyan habang nakangiti. Tangina baka bigla kang mag-amok diyan?" natatawang sagot niya kaya agad ko siyang hinampas.
"Baliw ka!"
"Wow! Coming from you? HAHAHA"
Natawa ako dahil sa sinabi niya at muling tumingin sa katapat naming room.
"Tingnan mo, Cian." sabi ko na ngumuso pa.
"Alin---hala! kaya pala! jusko ka! HAHAHAHA"
"Ayos naman pala dito sa fourth floor. Worth it ang pagod sa pag-akyat," natatawang sabi ko na sinabayan din niya ng tawa.
BINABASA MO ANG
That Gay Is My Crush
Teen FictionFormer title: I Fell Inlove With A Gay ---- Date started: April 02, 2020 Date finished: ------