"Kanina ka pa nakabusangot diyan."
Mas lalong nalukot ang mukha ko dahil sa pagpuna sa akin ni Cian. Kasabay ko siya sa paglalakad habang nasa likod naman namin sina Alliah at Vea.
"Hindi niya parin sini-seen ang message ko!" nakangusong sabi ko dahilan ng pagtawa niya.
"Snob pala crush mo, eh. Ang sungit pa!" natatawang sabi niya. Mas lalo namang humaba ang nguso ko dahil totoo ang sinabi niya.
"OMG! Si Mark!" kinikilig na tili ni Vea mula sa likuran ko.
Sinulyapan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin. Si Mark nga, yung crush niya.
Si Mark Gamboa ang ultimate crush ni Vea. Gwapo nga siya, sa totoo lang. Classmate ko din siya dati at masasabi kong bukod sa mabait ito, napaka-talino pa.
Sa totoo lang, namangha talaga ako nung isang araw ay nakita ko si Kuya Mark. Yes, Kuya ang tawag ko sa kaniya kasi 19 years old na siya pero still, grade 11 palang din.
Gwapo naman na siya dati noong Junior high school palang kami. Kaso mas lalo siyang gumwapo! Yung dating malambot niyang kilos, aba! Nagbago! Naging malakas yung dating niya ngayon at nakadagdag pa sa ka-gwapuhan niya ang palagi niyang suot na salamin na kagaya ng kay Harry Potter. At take note! Mas naging hot pa siyang tignan.
Pero kahit gwapo na siya simula noon, hindi ko naman siya naging crush hanggang ngayon. Talagang gwapong-gwapo lang talaga ako sa kaniya. Period.
Awtomatiko akong napakaway sa kaniya nang mapatingin siya sa akin at nakangiting kumaway. Rinig ko naman ang paghihimutok ni Vea sa likuran ko.
"Ang daya! Palagi kana lang niyang kinakawayan at nginingitian sa tuwing makikita ka niya. Konti nalang at magseselos na talaga ako!"
Natatawa ko siyang binalingan ng tingin at mas natawa pa ako nang makitang nanghahaba ang nguso niya, parang biglang nalipat sa kaniya ang nakabusangot kong mukha kanina.
"Ano ka ba? Ganiyan lang talaga si Kuya Mark, no! Palabati." natatawang sabi ko.
"Eh, bakit ako? Hindi niya ako binabati o kinakawayan ng ganoon! Kahit ngiti man lang wala!" parang naiiyak na niyang sabi.
"Hindi kapa kasi kilala." pagpapaliwanag ko.
Sumulyap ako kay Kuya Mark na nakikipagtawanan ngayon sa mga tropa niya na kaklase ko din dati. Nakangiti akong bumaling kay Vea dahil sa naisip ko.
"Gusto mo bang makilala ka niya?" ngiting-ngiti na tanong ko dito.
"Oo naman! Syempre! Gustong-gusto---wait.. m-may binabalak ka ba?"
Gusto kong matawa nang malakas dahil sa biglang pagbabago ng itsura niya, para itong natatae na ewan at halatang kinakabahan.
"Ipapakilala kita!" masayang sabi ko at hinablot ang kamay niya pero napatigil ako at muling napatingin sa kaniya nang pumalag siya.
"A-ayoko!" umiiling na sabi niya habang namumula ang buong mukha. Kitang-kita talaga ang pamumula niya dahil maputi siya.
"Ano ka ba? Chance mo na 'to kaya halika na!" muli ko siyang hinila pero ang gaga! Ayaw talaga!
Inis kong binalingan sina Alliah at Cian na naiiling lang habang nakatingin sa amin.
"Tulungan niyo kaya ako?!" inis na sabi ko sa kanila kaya tatawa-tawa silang lumapit at tumulong para hilahin din si Vea na halos sumabog na ang mukha ngayon dahil sa pamumula.
"Ayoko sabi, nakakahiya!" hindi namin pinansin ang sinabi niya, nagpatuloy lang kami sa paghila sa kaniya hanggang sa tuluyan kaming makalapit kay Kuya Mark. Napangiti naman ito nang makita ako.
BINABASA MO ANG
That Gay Is My Crush
Teen FictionFormer title: I Fell Inlove With A Gay ---- Date started: April 02, 2020 Date finished: ------