Chapter 12: Date (part 1)

5 2 0
                                    

Alas-singko pa lamang ngunit heto at dilat na dilat na ako. Hindi ko malaman kung kailangan ko bang ma-excite dahil makaka-date ko si Kruss. O kakabahan dahil baka hindi siya sumipot.

Pero paano kung hindi nga siya dumating? Paano kung maghintay lang ako doon sa wala?

"Aish! Nakakainis naman!" isinubsob ko sa unan ang mukha ko at nagpapadyak sa inis.

'Pero ang sabi ng mga kaibigan ko, malaki na raw ang posibilidad na dumating si Kruss dahil kakausapin ito ng mga kaibigan niya...'

Tsk! Bahala na!

Kakamot-kamot ako sa ulo na bumangon at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Mama na naroon na sa kusina at nagluluto.

"Ang aga ninyo naman magluto, Mama?" takang tanong ko habang umiinom ng tubig.

"Maagang gumising ang Papa mo para pumunta sa planta kaya nagluto na lamang din ako. Ikaw? Bakit ang aga mo? Himala!"

Nakasimangot akong lumapit kay Mama ay tiningnan ang niluluto niya. "May lakad ho kami ni... ng m-mga kaibigan ko," napapakamot sa ulo na sabi ko.

"Saan ang punta ninyo? At anong oras?" tanong ni Mama habang hinahalo ang champurado.

"S-sisimba po tapos.... gagala lang, baka po sa Mall. Bago ho mag 8:00 ay aalis na ako." tumango lamang si Mama dahil sa sinabi ko.

Huhu napakasinungaling ko na!

Dahil wala pa rin naman akong ginagawa ay nagpaalam muna ako kay Mama na magwawalis ako sa bakuran namin.

Nang lumabas ako sa bahay namin ay hindi pa gaanong maliwanag, mabuti na lang at mayroon kaming ilaw sa may bakuran kaya naman ayos lang kahit magwalis na ako ng ganito kaaga.

Pupunta kaya si Kruss? Haay! Kinakabahan talaga ako! Paano kung hindi siya pumunta? Paano kung maghintay lamang ako doon ng matagal pero hindi siya dumating? Kapag nangyari iyon... ituturing ko na lang na sign...

Sign na kailangan ko ng mag move on sa kaniya. Sign na kailangan ko na siyang i-uncrush..

Napabuntong-hininga ako at nakangusong umupo sa malaking tipak ng bato sa may bakuran namin. Hawak ang walis ay nakasimangot akong tumingala sa nagsisimula nang lumiwanag na kalangitan.

Lord... sana po siputin ako mamaya ni Kruss. Kapag nangyari po iyon, promise po mag-aaral na ako ng mabuti!

Natawa ako sa sarili ko. Napaghahalataan naman na hindi ako nag-aaral ng mabuti.

Paano kaya nagagawa ni Kruss na maging matalino sa klase? Sino kayang inspirasyon niya?

"Elisse, pumasok ka na sa loob at mag-almusal." Tumango ako kay Mama bago siya muling pumasok sa loob.

Hindi ko na halos namalayan ang oras dahil sa sobrang pag-iisip ko. Ano ba itong ginawa sa akin ng baklang iyon?!

"May date ka nga pala, ano?" biglang tanong ni Ate Denisse habang sabay-sabay kaming kumakain. Muntik na akong mabulunan.

"Uhm.. yup! I'm with my.... f-friends," pahina namg pahina na sagot ko, hindi makatingin kay Ate.

"Wala ka pa bang boyfriend, Ellisse?"

Doon na ako tuluyang nabulunan sa itinanong ni Kuya Lorenz, mabilis kong dinampot ang tubig na nasa gilid ko at nilagok iyon.

That Gay Is My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon